TEN

479 18 1
                                    

JENNIE'S P.O.V

Nagising ako dahil ang ingay ingay ng alarm clock ko.
Di ko naman to naset kagabi ah? Si mama siguro.

Tamad na bumangon ako at tumungo sa Cr.
Pagkatapos kong maligo nag bihis agad ako at kinuha na yung Ggamit ko then bumaba na.
Nakita ko namang may Bbreakfast na naka handa sa mesa at may kasama pang dulat.
Pwede namang e text lang sa'kin diba?

'Nak, Nag send na ako ng pera sa account mo. Ikaw nalang bumili sa dress na susuotin mo.'

Kinuha ko naman yung phone ko at nag send kay mama ng thank you.
Pagkatapos kong kumain lumabas na agad ako at tinext si Chaeng kung masusundo niya ba ako at ayon parang nagkaka-mabutihan na ata ang dalawa kaya sinundo na naman siya ni Jisoo.
Nakoo, akala niya siguro di ko alam na si Jisoo yung nagsusundo sa kanya.

Nagtawag na ako ng cab at mga ilang minuto dumating naman agad ako sa University.
Naglalakad na ako ngayon sa hallway at biglang nag ring yung cellphone ko.
Pagtingin ko sa screen ng phone ko. Si Irene!
Masaya ko naman itong sinagot

"Hey! ano? pupunta kana dito?" Bungad ko sa kanya

"Goodmorning too!"
Sarcastic na bati niya sa akin

natawa nalang tuloy ako.
"So ano na?"

"Hmm.. Siguro next week anjan na ako." Sabi niya sa kabilang linya

"Talaga? bukas nalang tagal pa nun eh! miss na kita.." Nagmamaktol na sabi ko sa kanya

I heard her chuckle.
"I miss you too, so i have to go. Ibabalita ko lang sayo na anjan na ako next week."

"Okay sige, humanda ka sakin ha? babye labyou!"
Natatawang sabi ko..

"Love you more, mwaahh!"

Nag pa alam na kami sa isa't isa, at binaba ko na yung tawag.

"Ang aga aga lumalandi."

Napalingon naman agad ako sa nagsalita. Landi?
tina-asan ko naman siya ng kilay, May sasabihin pa sana ako nang inunahan niya na akong magsalita.

"Bilhan mo ako ng lunch mamaya.."
Sabi niya at naglakad na palayo sa akin, habol tingin nalang ako sa kanya at inirapan ito.
Pumunta nalang ako sa room at nadatnan ko si Chaeng at umupo na ako sa tabi niya at nag focus na sa harap.

Mga ilang oras ang lumipas at sa wakas! Tapos narin ang nakaka boring na klase..

"Lika na.." Aya ni Change sa akin
Tumayo na ako at lumabas ng room.

Pag pasok namin sa cafeteria agaf napadpad ang tingin ko sa popular table. wala si Taehyung, Ahh tama. aalis pala siya dahil may leadership training ito.
Bumili na kami ni Chaeng at pagkatapos lumapit na kami sa popular table. Dahil nakasanayan na namin dito kumain, umupo nalang ako sa tabi ni Liss matapos kong ilapag ang tray na may lamang pagkain niya.

"Bakit kunti lang yung pagkain? Namumulubi ka naba?" Mataray na tanong nito sakin

Napaharap naman ako sa kanya. "Napapasin ko kasi na di mo naman nauubos yung binibili ko kaya sayang.."

Inirapan niya naman ako. bakit ba masungit na naman tong isang to? Tsk.

Itinuon ko nalang sa pagkain yung atensyon ko at himala di ako ini irapan ni Dahyun ngayon. Busy kasi siya sa cellphone niya, buti nga..
Sina Chaeng at Jisoo naman ayon, parang may sariling mundo na naman. Sila na kaya? hmmm..

Napalingon naman ako sa katabi ko, st naka tuon lang siya sa pagkain niya.
Nakita kong binitawan niya yung tinidor niya at tumingin sa'kin. Binaba niya naman yung kamay niya, Ano na naman ang gagawin niya?
Sinamaan niya ako ng tingin dahil nasa taas pa ng mesa ang dalawa kong Kamay.

YOUR P.A, YOUR LOVER (Girlxgirl) (GXG) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon