20 Letters from my heart

156 6 0
                                    

Dear crush,

     Sana naman mapansin mo ako kahit minsan lang. Kahit isang "hi" lang ok na. Sana maging friends tayo. Alam mo... grade 5 pa lang tayo crush na kita. Kaya sana ganoon din ang nararamdaman mo para sa akin.

Dear crush,

     Ang lalim ng iniisip mo ngayon. May problema ka ba? Gusto sana kita kausapin kaso baka naman magtaka ka kung bakit ako ganoon sa'yo kahit hindi naman tayo masyadong magkakilala. Nahihiya ako.

Dear crush,

     Nakita kita ngayon at kasama mo mga kaibigan mo. Sobrang saya niyo nga kanina eh. Sana maging magkaibigan tayo.

Dear crush,

     Nagtapang na ako. Ginawa ko na lahat para masabi sa'yo na crush kita pero hindi ko talaga kaya. Natotorpe ako sa'yo.

Dear crush,

     Araw ng exams. Hindi pa rin kita kayang kausapin. Debale, next time ko na lang sasabihin. Alam mo ba, ikaw ang inspirasyon ko para mag-aral pa ng mabuti? Ang special mo kasi at pangkaraniwan lang ako. Magkaibang-magkaiba tayo.

Dear crush,

     Merry Christmas! eto regalo ko sa'yo. Alam ko na masyadong cheap 'to. Pagpasensyahan mo na. Babawi ako next time.

Dear crush,

     Nabalitaan ko na may nanliligaw daw sa'yo. Ang torpe ko kasi eh! Naunahan tuloy ako. Sana hindi mo siya sagutin. Haha! Ang sama ko naman para naisin yun. Kung maging kayo man, magiging masaya pa rin ako para sa iyo.

Dear crush,

     Yes! Hindi mo siya sinagot! Ang swerte nga naman. Ay... oo nga pala... nabalitaan ko na sinabi mo sa kanya na... may iba kang gusto. Sino kaya yun?

Dear crush,

     Happy Valentine's day sa'yo. Nahihiya tuloy ako kahit nasa sulat na lang 'tong sinasabi ko sa'yo. May kasamang bouquet ng flowers itong sulat. Sana magustuhan mo. Maikli lang itong sulat kaya pag pasensyahan mo na. Kung alam mo lang sana na gustong-gusto kita.

Dear crush,

     Nakagraduate na tayo pareho. Sobrang saya ko dahil first time kong nakakuha ng picture nating dalawa. Itatago ko 'tong picture natin para hindi mawala. Congratulations! Nakakuha ka ng maraming awards. Kahit pa paano nakakuha din ako ng mataas na grade this year. Sobrang saya natin ngayon!

Dear crush,

     1st year highschool, bagong yugto na naman ng buhay. Parang kagaya pa rin ng dati. Hindi ko pa rin masabi sa'yo nararamdaman ko. Torpe lang talaga ako. Sabi nila kapag hindi ko sinabi agad sa'yo, baka mauwi lang sa wala. Pero sobrang duwag lang talaga ako. naduduwag ako sa'yo.

Dear crush,

     Thank you nga pala kanina huh? Salamat sa pagtulong mo sa akin sa mga lessons na dapat kong pag-aralan. Kinabahan talaga ako nun nung kausap na kita. Napansin mo pa nga na nauutal at namumula ako. Bakit ba sobrang duwag ako sa'yo?

Dear crush,

     Ang saya ng tawanan natin kanina! Pano, tawa ng tawa si Laurence. Mas nakakatawa pa tawa niya kaysa dun sa joke! Ang ganda mo kapag nakangiti ka. Hindi ko maiwasang hindi tumingin sa'yo. Nagkatamaan pa nga mga mata natin eh, umiwas lang ako agad ng tingin. Nakakahiya kaya.

Dear crush,

     Kanina nilibre kita ng fish ball sa labas ng school. Nung una ayaw mo pa kasi sabi mo may pera ka naman pero wala ka ng magawa nung binigay ko na sa'yo yung isang stick ng fish ball. Nagulat na lang ako nung tinanong mo bigla sa akin kung bakit ang bait ko sa'yo. Sinabi ko naman na kaibigan kasi kita. Pero iba ang rason ko para doon.

20 Letters from my heart (One-Shot) Tagalog storyWhere stories live. Discover now