Chapter5

121 3 0
                                    

Napahawak ako sa tiyan ko dahil sa lakas ng pagkalam nito. Gutom na gutom ako pero magdidilim nalang wala parin akong nahuling hito. Puta kasi! Napaka mali yung ginawa ko kay tashia, isang napaka laking katangahan yung nagawa ko sa kanya. Napatingin nalang ako sa kawalan habang sunod-sunod na yung pagkalam ng tiyan ko. Parang dito na talaga ko mamatay sa subrang gutom. Baka ito na yung karma ko sa lahat ng kasalanan na nagawa ko.



Pero may kasalanan din yung putang kiven na yun sa mga mangyari sa akin ngayon. Kung hindi lang sana ako niyaya ng gagong yun na mag beach edi sana payapa ang buhay ko ngayon. Nakahiga sana ako ngayon sa malambot na kama at malamig na kwarto, hindi sana ako magugutom ng ganito ngayon dahil kahit kailan hindi mawawalan ng pagkain ang mesa ng condo ko.



Nagpa-uto pa kasi ako sa kiven na yun. Bwisit talaga! Puro gala nalang sana yung iniisip ko ngayon. Umalis na ako sa putikan at umupo sa gilid ng puno, palubog na yung araw hindi ko alam kung saan ako tutuloy ngayon? Kung saan ako kukuha ng pagkain? Sinandal ko yung ulo ko sa katawan ng kahoy at pumikit.



mabuti pa sigurong mag isip nalang ako ng masasayang pangyayari sa buhay ko. Like, yung hinalikan ako ni maddi sa pisngi, yung sabay kaming bumagsak sa lupa at nakadagan siya sa akin. Dinilat ko yung mata ko dahil sa nararamdaman kung parang may nakatitig sa akin. At Hindi ako nagkamali dahil meron nga talaga. Umayos ako ng umupo at tiningnan siya.



"ito." aniya sabay abot ng isang plato kung saan may nakalagay na ihaw na hito. "tanggapin muna habang nasa mood pa ako."



"t-thank you." ito na naman yung puso ko. Iniwas ko yung mga mata ko dahil nahihiya din ako sa kanya.



"sorry sa nagawa ko. N-nagulat lang ako."


"sorry din, kung hinal-"



"gusto ko." putol niya sa sasabihin ko. Napatingin ulit ako sa kanya.



"ha?"



"gusto ko yung k-kiss mo." napanganga ako sa sinabi niya. Ano daw? She like me? I mean the kiss? Gosh! Bakit parang ang saya ng puso ko. Bigla nalang nawala yung gutom na naramdaman ko dahil sa sinabi niya.



"gusto m-"



"wag kang abosado, kaya kita nasasaktan e, dahil diyan sa kamanyakan mo."



"sorry, masaya lang ako." umupo siya sa harapan ko at tinulungan niya ako sa paghimay ng hito. Hindi ko naman mapigilan ang sarili kung titigan siya. Ang ganda niya pala pagmalapitan. Kitang kita ko yung mahaba niyang pilik mata at matangos niyang ilong. God! Sa ilang araw ko dito sa gubat na kasama siya ngayon ko lang siya natitigan ng ganito ka lapit.



"bakit?" even her hazel brown eyes na lalong nakakadagdag ng kagandahan niya. And that lips? Fvck! Para atang masasapak na naman ako nito. Para kasing inaakit ako ng mapupula at manipis niyang labi. Napaka filipina yung ganda niya, Ibang iba sa ganda ni maddi. "hoy! Ok ka lang?" punakaw niya sa atensyon ko.



Napaiwas agad ako ng tingin at pinagpatuloy yung paghimay ng hito. "sorry." yun nalang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil yung puso ko parang lalabas na sa subrang lakas ng pintig nito. Ganitong ganito ang nararamdaman ko noon kay maddi sa tuwing magkatabi kami or halikan niya ako sa pisngi pero ang kaibahan lang iba ngayon mas mabilis ito kaysa noon. Baka atakihin na ako sa puso nito? No! Hindi pa ako pwedeng mamatay babawian ko pa yung letseng kiven na yun!



"ako yung sumira at nagpasabog ng sarili naming yate nung araw ng kasal ko." maya-maya na sabi niya. Napatingin ako sa kanya ng subrang seryoso. "ito talaga ang plano ko. Gusto ko lang makatakas sa sitwasyon na ayaw ko." patuloy niya. Nakatingin lang ako sa kanya habang naghihimay ng laman ng hito. "gusto ko ng umuwi pero natatakot ako sa posibleng mangyari once na bumalik ako. like i said, i don't want others to decide my life. I want to be free from everything. Gusto kung maranasan na makipag date, gumala with my boyfriend. Bata palang ako yan na yun nakatatak sa isip at puso ko. Gusto kung maging malaya sa mundong tinatayuan ko." napahinto ako sa ginawa ko ng marinig ko yung pag hikbi niya. Agad ko siyang nilapitan at binigyan ng isang yakap. "chansing ka talaga."



"ganyan ba talaga tingin mo sa akin? Gusto lang kitang damayan. Sige lang iiyak mo lang lahat ng hinanakit sa puso mo andito lang ako, makikinig ako sayo." tumingin siya sa akin saglit bago ulit yumuko.



"freedom....... yan lang yung gusto ko sa boung buhay ko."



"kaya mo nagawa lahat ng ito?"



"yes, noon ko pa gustong gawin ito when i was 20yrs old. Kaya lang nagkasakit si daddy and that day din sinabi sa akin ni mommy na kailangan ko ng pumayag sa alok ni daddy na pakasalan ang anak ng business partner nila. Wala na akong dahilan para humindi sa gusto nila dahil mismong si daddy nagmakaawa na din sa akin...... Wala akong ibang ginawa habang papalapit na yung araw ng kasal ko kundi ang magplano kung paano ako makakatakas. Nalaman ko din kasing yung anak ng business partner ni daddy ay babaero, isa sa mga ugaling pinaka ayaw ko sa lalaki." huminga na muna siya bago ulit nag salita. "at nung papunta na kami sa lugar kung saan gaganapin ang kasal ay pinilit ko si daddy na yate nalang yung sakyan namin, hindi naman ako ganon kasama para pati mga mahal ko sa buhay ay idadamay ko sa aking maitim na balak. half lang naman ng yate ang pinasabog kung saan ako nakapwesto. Ang akala ko maging madali sa akin yung pangyayaring yon pero i'm rong. Dahil sa pangyayaring yun i got this." tinaas niya yung laylayan ng damit niya at pinakita sa akin ang malaking peklat sa hita niya. "nasaksak ng isang pirasong kahoy nung mutalon ako, siguro ito yung kabayaran sa ginagawa. Ang hirap..... Ang hirap mabuhay ng hindi mo nagagawa yung gusto mo."



"pariho lang tayo ng karanasan sa buhay, but the different is nagagawa ko yung mga gusto ko pero may limitasyon. Lumaki akong walang magulang sa tabi ko. When i was 8 yrs ng magsimula na akong mag aral about sa business, kung paano mag handle at magpatakbo ng maayos ang negosyo. Mahirap din kasi napaka bata ko pa nung mga araw na yun. Nagseselos ako sa ibang batang walang ibang ginawa kundi maglaro. Yung buhay ko kasi study at trabaho lang, gusto kung maglaro ng maglaro hanggang maghapon pero hindi pwede dahil may ibang obligasyon pa ako maliban sa paglalaro at mas importante iyon kaysa mga walang kwentang bagay."



"diba may kapatid ka?"



"yes." sagot ko sabay subo ng hito.



"swerte muna nga dahil sikat ka at marami kang kaibigan. Yung parents ko kasi strekto pagdating sa pakikipag kaibigan ko. Hindi naman mata pobre yung magulang mabait naman sila, ang kaso lang parati kasi nila iniisip yung kapakanan ko although maganda naman yun pero kasi sa subrang pag iisip nila kahit opinion ko hindi na nila tinatanong, gusto kasi ni mommy at daddy na bago sila mawala ay gusto muna nilang ma secure ang buhay ko. Ayaw nilang makita akong nahihirap dahil ako nalang yung nag iisang anak nila." humarap siya sa akin na may malaking ngiti sa labi pero patuloy parin sa pagpatak ang luha niya. "thank you harvey. Alam mo ikaw yung pangalawang lalaking sinasabihan ko ng mga problema ko kahit hindi pa tayo masyadong magkakilala at minsan nagbabangayan pa, kahit ganon maagaan parin yung loob ko sayo. Thank you." magsasalita pa sana ako kaso nilapit na ni tashia yung mukha niya sa akin at kasunod non ang paglapat ng malambot na bagay sa labi ko. Hollyshet! She kissed me?
I hope it's not a dream, because if it's just a dream I don't want to wake up.

The Girl In The Jungle[COMPLETED]Where stories live. Discover now