CHAPTER 51

10 3 0
                                    

Ej's POV.

Walang nagsalita sa amin ni Kaze hanggang sa makarating sa office niya. Malapit lang naman 'yon dito kaya mabilis kang kami nakarating. Hindi pa rin ako makapaniwala.

Hawak niya ang kamay ko mula kanina. Pina upo niya ako sa kaniyang swivel chair. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kaniya. May kinuha siya sa drawer niya at lumuhod sa harapan ko.

"You should be careful."

Kahit ang boses niya ay parang bago sa pandinig ko. Hindi ko maiwasan na maluha nang marinig ulit ang boses niya. Nilagyan niya ng bandaid ang tuhod ko na nagkasugat pala.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko. Pinipilit na ayusin ang salita pero nautal pa rin.

"Why? Did you wait?" hindi ko alam kung sarcasm 'yon or just a serious question.

Ngumiti siya sa akin. Kumuha siya ng bangko at umupo siya sa harapan ko. Hindi ko tuloy maiwasan na tignan ang itsura niya. Gwapo at maamo pa rin ang mukha niya.

"Ano nangyari?!" tanong ko pa.

"It's a very long story, Elice."

"I'm ready to listen." sagot ko agad kahit na hindi ko sigurado kung kaya kong intindihin ang lahat nang sasabihin niya.

Tumawa lang siya. Nakaramdam ako ng inis pero pinigilan ko ang sarili at hinayaan siyang mag salita.

"Can't you just be happy that I'm here? Alive?"

I don't know if I can when you are like that.

Like everything is normal.

Like it's normal that you're here.

Na parang wala siyang sinaktan.

"I'm alive, Elice. Can't you just--"

"How?!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kahit siya ay nagulat sa biglaang sagot ko.

Na parang hindi ako nasaktan.

"Hindi... Hindi ko alam kung masaya ba ako o naiinis ako sa'yo! Gusto kitang mabuhay, makita, makasama! Masaya ako na nandito ka, buhay na buhay. Pero, pero bakit gano'n? Parang normal lang sa'yo lahat?!"

"Am I supposed to be a abnormal?"

"Don't answer me with your sarcastic question!" sigaw ko dahil punong puno na ako.

Masaya ako. Halos i-uwi ko na siya nang nakita ko kanina na siya ang umakyat ng stage. Pero gusto ko ng explanation! Gusto ko lang naman na sagutin niya ang mga tanong ko!

"Dalawang taon akong nagdudusa. Dalawang taon naming inakalang patay ka na! Tapos ngayon, susulpot ka dito at sasagutin ako ng mga nakakatanga mong sarcasm?! Na parang hindi ako nagdusa! Na parang walang nangyari! Na parang hindi ako nasaktan!"

Seryoso na ang itsura niya ngayon. Wala akong ideya sa mga nasa isip niya pero gusto kong malaman 'yon. Gusto kong sabihin niya lahat sa akin ang nangyari sa dalawang taon.

"Alam mo ba ang nangyari sa akin?! Alam mo ba yung pinag-daanan ko noong nawala ka?! Yung hirap! Yung sakit! Yung tipong sinisi ko pa ang sarili ko dahil sa pagkamatay mo! Tapos.. tapos, bigla ka na lang susulpot--"

"Need pa ba ng grand entrance?" seryoso niyang tanong. "Ikaw? Alam mo ba yung pinagdaanan ko?"

"That's why I'm asking you what happened!"

"Paano kung sabihin kong hindi pa ako handa?"

"Then bakit ka pa nagpakita dito?" I asked him. "Sorry Kaze. If you are not ready to tell anything, then I'm not ready to meet, talk or face you."

20 DAYS (On Going)Where stories live. Discover now