First post

1.3K 19 7
                                    

“My True Love, My First Time”
- Eleony Che

SHORT STORY

Part 1

Natatandaan ko noong una kong nakilala si Aloha. Ito ay panahon ng tag-init at ako ay labing-tatlong taong gulang pa lamang, naglalaro ako sa harapan ng aming bahay nang dumating ang aking Ninang na kasama siya. Pinakilala ito sa 'kin na ampon daw ni Ninang, hindi na ako magtaka kung abkit umampon ang mabait kong Ninang. Wala kasi sila anak ni Ninong at ilang beses na nabanggit nito sa aking Mama. Ngumiti si Aloha sa 'kin ng pagkatamis-tamis at d’on nagsimulang napukaw ang puso kong wala pang kamungawan-mungaw sa tinatawag na pag-ibig. 

Ang kanyang mahaba at tuwid na buhok na kapag nasisinagan ng araw, umiiba ang kulay na mula sa itim ay tila nagkukulay mais ito. Mga matang napakagandang tignan na tila nangungusap kapag ito’y nakangiti. Bigla akong napaisip kung dahil ba sa panahon kaya biglang uminit ang aking dibdib na sa unang tingin ko pa lamang sa kanya ay bumagsak na sa pag-ibig. 

Mula noon ay naging malapit kami sa isa’t isa dahil ako mismo ang lumalapit at nangungulit para lamang mapansin niya. Pero nagulat ako sa aking natuklasan na para siyang isang tomboy dahil lahat ng kayang gawin naming mga lalaki ay nagawa niya. Tulad na lamang sa mabilis itong umakyat ng puno, o mas gusto pa nitong laruin ang panglalaking laro. At sa halip na magsuot siya ng mini skirt at blouse, mga maluluwang na T-shirt at pantalon maong ang lagi kong nakikita sa kanya.

Mas lumago at lumalim ang aming pagkakaibigan, at naging mas malapit kami sa isa’t isa bilang matalik na magkaibigan subalit…

Over the years, I started to understand what the weird feelings I had for her were. It was love. I was in love with my best friend. 

I remember when we were sixteen, we were talking about the rumors of some kids at school going out together, when I asked her what she would say if people starting to say she and I were going out. Aloha stared at me for a moment before busting up laughing.

"Iyon ay magiging kakaiba, Gian," sinabi niya. "You and I are like brother and sister, we're so close."

Pinilit kong bahagyang tumawa nang marahan at sinabing, "Oo... Oo na, magiging kaiba." Kahit hindi ko lubos maintidihan ang sinagot ko sa kanya.

Ngunit sa loob ko ay durog! Maaaring ma-crack ang aking puso sa bawat kirot na tumatarak sa aking dibdib. Lagi ako nasa tabi niya dahil sa pag-ibig nararamdaman ko sa kanya. Siya ang aking pangarap ngunit tingin lang sa'kin at tinuturing lang ako bilang isang miyembro ng pamilya. Ang taon ay lumipas at ang aking damdamin para sa kanya'y lalo pang umuusbong. Pag-ibig nakatago lamang sa sulok ng aking puso. 

During our senior high school I was going to ask her to prom. Nagpaplano ako kung paano ko hilingin sa kanya na ako ang maging kapareha niya. Nagpunta ako sa department nila, iisang unibersidad lang kami at habang patungo ako sa kanya ay nagpapraktis ako ng sasabihin ko sa kanya. Nang nakita ko siya ay bumungad sa akin ang matamis at napakaganda nitong ngiti. Napa-bounce ang puso ko dahil sa nabuhayan ako ng pag-asa na ako ang magiging partner niya sa prom. Pero…

She told me about how this cute guy she liked in her science class had just asked her to prom.

Tanging nasabi ko na lamang ay masaya ako para sa kanya dahil masaya rin siya. Pero ang totoo, wasak na wasak ang puso kong nagdudurugo. Tinanong niya ako kung may kapareha na ba ako. Napatango ako bigla, at sinabi niya na sabay na kaming apat na pumunta sa lugar kung saan gaganapin ang prom. 

Nang araw na ng prom ay napakatamlay ng aking katawan at wala ako sa mood na makipag-usap sa kahit sino, maging kay Aloha na nangungulit.

"That's okay," I said. "I'm not really big on the idea of prom. I was just planning on staying home and watching some movie."

My True Love, My First TimeWhere stories live. Discover now