CHAPTER 22

358 15 2
                                    

El-Saavedra Foundation Day

Gab's POV

Nag-umpisa na ang opening program ng dumating ako sa school. Nahuli ako ng gising kanina dahil pasado alas dos na ako ng madaling araw natulog kanunuod ng Riverdale Series na hindi ko tinantanan hangga't di ko natapos ang isang buong season. Nagkukumahog na pumasok ako ng dressing room pagliko ko ng hallway at naabutan kong walang tao roon.

Nagtaka ako. Teka.

Nasa'n ang mga kasama ko?

"Ms. Alcantara ready ka na ba? Ikaw na ang susunod na mag-i-intermission pagkatapos ng speech ni Mrs. Turalba. " bungad ni Ma'am Capili sa akin pagpasok niya ng dressing room.

Naguluhan ako.

Anong ang sinasabi niya?

"Teka po, ma'am nasan po ang mga kasama ko?"

"Ha? Akala ko ba soloist ka ngayon?"

Ha? Nanlaki ang mata ko. "Hindi po ma'am, grupo po kami di ba? Tango po ang sasayawin namin."

"That's quiet confusing. Tumawag sa akin si Ms. Arquides kagabi, ang sabi niya hindi na raw kayo makakapagperform ng group dance today dahil nagkahawaan ng bulutong ang tatlo sa mga kasama ninyo sa sayaw. Then she told me na ikaw na lang daw ang magpeperform. " nangunot ang noo niya. "Don't tell me, hindi ka ready? "

Napapikit ako ng mariin.

Takte ka Brianna !!! Malilintikan ka talaga sa'kin bruha ka!!!

Nagngiting aso ako. "He.he. Honestly, hindi ko po alam ang sinasabi nyo ma'am pero dahil ayoko po na mapahiya ang section natin , gagawan ko na lang po ng paraan."

"Sige, mabuti naman. Magbihis ka na't tatawagin na lang kita kapag ikaw na ang susunod."

Yun lang at lumabas na siya.

Ako naman ay napaupo sa sahig dala ng panghihina ng aking tuhod.

"Brianna!!! "

Kaasar!!

Ano ng gagawin ko? Hindi ko alam kung anong sayaw ang ipe-perform ko. Matagal na panahon na akong walang rehears sa free-style dancing at puro outdated na rin ang mga music na alam kong sayawin.

Hayst!! Nakakainis!

Bakit ba hindi ko nakita to?

"Excuse me? "

Napalingon ako sa nagsalita.

"Cairo?"

Binuksan niya ng malawak ang pintuan. "Pasensya ka na, hindi na ako kumatok. Nakita ko kasing nakabukas ang pintuan kaya naisip ko na walang nagbibihis."

"Bakit nandito ka?"

"I'm here to help you."

"Bakit? May alam ka sa nangyari?"

Sh*t! Don't tell me, magkasabwat sila ng kapatid niya?

Pumasok na siya, leaving the door open. "I heard my evil sister calling your teacher last night at hindi ko nagustuhan ang ginawa niya kaya nandito ako para tulungan ka." mas lumapit pa siya. "Yun ay kung tatanggapin mo ang tulong ko."

Natigilan ako.

Sincere kaya siya sa sinasabi niya? Hindi kaya inuuto niya lang ako?

Pero mukha naman siyang mapagkakatiwalaan, knowing na pwedeng magalit sa kanya ang kambal niya kapag tinulungan niya ako.

She Dated the Bad BoyWhere stories live. Discover now