Chain Mails

198 8 2
                                    

"Pasa mo toh sa 30 ka tao kundi makikita mo ang isang mapanlinlang na bampirang nag ngangalang Justin"

Basa ko sa isang mensaheng sinend sa akin psh hindi ako naniniwala sa mga ganyan ni hindi nga ako naniniwala sa multo bampira pa kaya tsk tsk lolo niyo matatakot

Ilalagay ko na sana ang cellphone side table ko ng bigla nalang tumawag si Julia bestfriend ko

"Huy napasa mo na ba ang messa--" siya nga ang nag send sakin nun at isa rin siya sa mga naniniwala sa mga ganun

"Alam mo hindi naman yun totoo eh"

"Totoo pramis"

"Psh hindi nga tsaka kung totoo baka gwapo yang Justin na yan at majowa ko"sabi ko sabay tawa

"Che bahala ka babye na nga"

Tawa kong nilagay ang cellphone ko sa side table

Nauuhaw ako

Tinahak ko ang daan patungo sa kusina

Kumuha ng tubig sa ref inilagay sa baso at nilagok iyun

Nagulat nalang ako ng may tumunog sa kwarto ko

PSH WAG OA WAG NEGA

Nilagay ko ang baso sa mesa at dahan dahan nag lakad sa kwarto

Wala namang tao pero parang may nawala

Ang cellphone ko!

"Looking for this" gulat akong tumingin sa likod ko

Pero bago pa ako maka tingin sa kanya ay nasa dibdib na niya ako

Hinaplos haplos niya ang ulo ko papuntang leeg

"Sino ka?" kabang tanong ko at humarap sa kanya

May maganda siyang mga mata matangos na ilong mapulang mga labi at

MATULIS NA NGIPIN? PANGIL?

Bago ko matangap ang sagot ay inangkin niya ang mga labi ko nag iwas tingin ako para maputol ang halik na iyun

"Ako si Justin" sabi niya pa

Nagulat nalang ako ng may kung anong kirot sa leeg ko

Naniwala sana ako

He's the vampire named Justin ang tinuturo ng Chain mails

....

While writing this nakikinig ako ng buwan gagi ako pa naman mag isa dito wag kayo mag send ng chain mails sakin masapak ko kayo



Sb19 One Shot StoriesWhere stories live. Discover now