CHAPTER: 6 NEW FRIEND

59 25 3
                                    

[ JULIA P.O.V ]

So, bali magpapakilala na mo na ako. I'm Julia Mae Baliling. Yes im beautiful walang kokontra, at best friend ko sila Kimberly Nicole Cardenas, sa totoo lang 'di ko alam paano nangyari 'yung maging mag best friend agad kami, basta isang araw nakilala ko siya simula pa lang ng klase, no'ng grade 7 kami at inaaway ako nun ng mga classmates  ko tapos bigla siya dumating. Tinulungan niya ako sa mga batang nang-aaway sa'kin at natakot sila sa pamamagitan ng wangwang na akala ko may pulis na pero nagkamali ako dahil isa lang siyang record sa cellphone niya. Kaya nagtakbuhan ang mga bata.

Simula no'n lagi na kami magkakasama ni Kim hanggang sa makilala na din namin sila Jera.

"Hey! Juls. Tulala ka? andito na tayo! " tawa ni Kim.

Kakahiya naman.

Kaya pumasok na kami sa bahay nila.

Ang linis at ang bango ng bahay nila.

"Wala atang tao Kim saan mama mo?" Tanong ni Jharlyn.

"Mamaya uwi no'n nagwo-work ehh ta's si ate mayang  6 pm or 7 pm uwi niya. " sabi ni Kim tapos sabay upo sa sofa ang kyut ng bahay nila simple lang pero makikita mo na malinis ang bahay.

Ang kintab ng pagkakalinis.

"Ganda naman! Ng bahay niyo labas palang ehh! " mangha ni Abigail.

Ngumiti lang si Kim sa kaniya at tumayo pumasok siya sa kusina ata nila at baka may kukunin na pagkain.

"Saglit timpla ako meryenda natin." sigaw ni Kim galing kusina.

Maghahanda nga mg makakain.

"Ok. " sabi namin.

"Here meryenda mo na tayo sensya na ito lang mayro'n, syakaa 'to masarap 'to.

Macaroni spaghetti. " masayang alok sa'min ni Kim kaya kumuha kami platito nag kanya-kanya na.

Kagaling.

"Ang bango!" Wika ni Jera.

"Yup. Nagtext kasi si mama kanina may meryenda daw kainin namin pag uwi marami pa naman do'n  mahilig lang si mama magluto kahit hapon kaya ako umuuwi bago pumasok si mama nagluluto na siya. " masyang sabi niya sa'min ang bait naman ng mama niya para gusto  ko sya makilala hehe.

"Nice  naman hehe! Ang bait at maalaga pa. " pag ngiti ni Jharlyn habang sumsubo ng macaroni.

"Nako mahilig kasi si mama magluto kaya nasanay kami kapag umuuwi laging may meryenda na! " sabi ni Kim.

"Eh, yung ate mo ilan taon na ?" Biglang tanong ni Abigail kahit may laman ang bungaga.

Napasimangot siya bigla haha 'di ata magkasundo.

"20 na si ate sa kabilang building lang siya natin 'di kami magkasundo no'n haha! " sabi ni Kim.

Halata naman sa mukha niya na pilit lang sumagot.

"Ayt! Ganon pero mabait siyaang ate orrr maldita?" Tanong ulit ni Abigail.

"Hindi ka nagkakamali, Hindi siya mabait sa'kin may saltik 'yon pagdating sa'kin syaka strict siyang ate, pero minsan nagkakasundo kami  minsan lang naman mangyari tsk!" Mapaklang sagot nito kay Abigail. 

IM FALLING FOR YOU (PUBLISHED UNDER DREAME)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant