Chapter 15 - Night Date

168 4 2
                                    

ANDREA

It's been  2 weeks since that eventful night at boracay. Naging busy na sa office sa dami ng clients so puro kami meeting. Tapos si Ma'am Camille tendered her resignation na, aalis na siya ngayong month. 

Ako at Kobie naman are getting along well. Hindi narin naman namin napag usapan yung nangyari samin. 

Inaamin ko it was a reckless decision on my part pero hindi ako nag sisisi. I could have prevented it happening but no use now in crying over split milk. 

Alam kong ijujudge ako or may masasabi silang negative comments sakin if nalaman nila. Ako naman ay naniniwalang may rason bakit si Kobie ang naging una sa buhay ko. 

Sinabi ko din kay Jie Ann yung nangyari and hindi naman ako jinudge pero nabigla lang siya. Kailangan daw ako panindigan ni Kobie. Swerte daw ako kasi ang gwapo ni Kobie. 

Ang hindi ko masabi is gusto ko na si Kobie. Secret ko na lang muna. Malay mo magkagusto siya sakin. Hay asa ka pa self mukhang inlove pa yun sa ex niya. 

Nasa ganun akong pag iisip ng biglang tumunog ang phone ko.  Speaking of Kobie

Wala kasi siyang sasakyan kasi hindi pa nga siya sure kung mag sstay dito for good

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Wala kasi siyang sasakyan kasi hindi pa nga siya sure kung mag sstay dito for good. 

Nag ready na ako. Sinuot ko na yung jacket dahil malalamigan ako. 

Nag antay nalang ako sa lobby para hindi na umakyat si Kobie sa unit ko. Nung nakita ko yung sasakyan ni Ralph  lumabas na ako. He went out of the car and opened the door for me sa passenger side. Wow gentleman ha. 

Papunta na kami sa restaurant. Kamusta na kaya ito? broken hearted pa kaya?

"Hm kamusta ka naman boss KB? I mean about alam mo na yon. ..." Hindi ko masabi. 

"Sabi ko naman huwag moko tawagin boss KB, just Kobie. Nasa labas na tayo ng office eh ". 

"Sorry nalimutan ko. Alam ko na personal yung tanong ko . Pero curious ako sa nangyari sayo and yung rason mo bat andito ka. Narinig ko lang kasi sa office pero gusto ko mang galing sayo if totoo nga. If you don't mind". sabi ko

Tinignan niya ako tapos tinignan niya kung naka red yung traffic light. 

"I don't mind" . he replied.

"Nag break kami ng gf ko, my ex gf now. Actually she broke up with me". 

Napatigil naman siya sa pag kwento kasi nag simula na umandar. 

"I was devastated and lost at the same time. I was blaming myself at first na baka may pagkukulang ako sa kanya. Na kaya siya na fall sa iba dahil hindi ako naging mabuting partner sa kanya. I fought for her pero nung makita ko siyang masaya na sa piling ng iba, natauhan ako. It means, she doesn't love nor need me anymore. So I decided to let her go. And the rest is history",  boring ng kwento ko no sabi niya sabay ngiti. 

Sasagot sana ako kaso nasa restaurant na pala kami. Since umaambon pa, tumakbo nalang kami. 

Pumasok kami sa Ramen Kuroda house and umupo kami sa corner table. Medyo madami tao swerte at may available agad na table. 

Butao yung order ni Kobie, his favorite rame. He explaines to me na ito yung Japanese Ramen which is rich in milky pork soup. BUTA means pork and O means king. Dami alam ni Kobie hahaha.

Nag ordered naman ako ng shoyu soy sauce based siya with egg and meat toppings. 

Nag dumating na yung pagkain namin, kinuha niya yung phone and nag picture kami, 

"It's been a while that I posted in Instagram hehe. I'll tag you my Queen". Sabi niya sabay wink sakin. 

Hindi ako nagpatalo kaya kinuha ko phone ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi ako nagpatalo kaya kinuha ko phone ko . Vinedeohan ko siya at tinanong ko kung 

"Ramen butao o ramen shoyu"?

He mouthed "you". 

Nag blush naman ako. Tapos tumawa naman siya. Nakakatuwa na naririnig ko siyang natawa, mas lalo siyang pomopogi. 

"How about you pala, kamusta ka?" biglang sabi niya. 

"Okay naman, busy sa trabaho. Hindi pa namin alam if sino papalit kay Ma'am camille. Pero alam namin na sa member ng team namin". sagot ko

"So wala kang time para mag date"? dagdag niya. 

"HAHAHA. wala eh. Walang mag kakamali". sabay pout ko.

"Yang ganda mong yan walang magkakamali, hahaha. Sungit mo kasi eh". Asar niya

Pagtapos kumain, naglakad lakad muna kami. Bumili kami milktea, parehas naming favorite pala. Marami din kaming napag kwentuhan at nalaman sa bawat isa.

Once in a while nag flirt siya pero sinasakyan ko nalang. Hinatid niya ako bago lumalim ang gabi. Hindi ko na siya pinababa kasi late na din. 

"Thanks Kobie, I had a great time. Sana maulit", sabi ko. Hinugged ko siya. Ang bango ah. Parang nabigla ata siya sa ginawa ko dahil hindi siya gumalaw kaya bumitaw agad ako. 

"Sure na mauulit dail ikaw manlilibre nextime", nakangiting sagot niya pagtapos ko yakapin. 

Pareho kami nag goodnight. He gave me one last long look then drove off. 

Yung mga titig mo naman Kobie, nakakatunaw. 

================================================================================

Gagawa me ng twitter dahil dami nag memessage sakin para updated din po kayo. :D 

Thankyou. 

Ako'y SayoWhere stories live. Discover now