6

23 6 5
                                    

      Layla's POV

     "Ano pang hinihigaan mo dyan? Hindi pa ba ka aalis? Punta ka na balik sa dorm mo." pagsalubong naman ni mama sa kin ng kanyang kakasawang alitan.

     Mama naman. Agang umagang pinapagalitan mo na ako. Sinong may asian mom dyan. Ka-relate kayo ano? Kung sila ate Margaret at ate Fania nandito na bumisita, kala mo anong anghel ang sumanib kay mama na grabe mang-aliw subalit pag wala ng ibang kasama, sa mga anak naman puro alingawngaw.

     Parang kahapon nga lang niya ako inaaliw eh.

     Sya nga pala, kanina pang madaling araw na umalis sila ate. Si kuya Toman naman, nagmo-morning jog.

     "Mamaaa, pag bigyan mo naman ako." naka tamad kong pagsagot sa kanya habang binibinat mga paa at braso ko sa sopa na hinihigaan ko. "Mamaya pa sa hapon klase ko ngayon."

     "Di porket mamaya pa klase mo eh diyan ka nlang magtambay sa sala manuod ng cartoons buong araw!"

     "Kaya nga mas gusto ko dito kaysa mag tambay sa dorm. Para akong pinipriso dun. Bakit ba kasi hindi mo pa ako ina-allow mag sariling apartment tulad ni ate Fania!"

     "Ikaw? Ipapa-apartment ko?" nag snicker siya at pinagtawanan lang ako. "Baka sunod tanaw ko sa meralco, sumobra na bills natin."

     "Ma! Pramis!" tumalon ako galing sa sopa at lumuhod sa paa-han ng mama ko. "Hindi talaga ako mag paka spoiled na sayo! Patirahan mo lang ako sa apartment o kahit maliit na silid kwarto na ating rentahan sa labas, basta hindi na ako babalik sa dorms. Ayoko na dun, maa! Please ma!"

     "Tumahimik ka nga, ang ingay mo." pinagalitan niya ako pero hindi ko paren siya sinusuko.

     "Ma, I'm in my twenties na. It's only understandable naman na magkaroon na ako ng sariling tirahan." pagmamakaawa ko na.

     Si Bingo nanahimik lamang nanunuod ng kanyang paboritong cartoon, Sofia the First. Wag malilito. Lalaki yan si Bingo. Mahilig lang manuod at makinig ng musicals, mana sakin.

    "Ma. Please ma."

      Pumasok na sa kusina si mama pero hindi ko parin siya tinigilan kaya nasa kiliran niya ako nakadikit habang tinutusok ko na ang braso niya ng daliri ko habang siya ay okupado na naglilinis ng kung ano anong dumi nakikita dun.

     "Ma. Sige na ma."

    ....

     "Ma. Magpa ka bait na ako."

     "Ano ba! Ang ingay mo!" sumabog siya.

     "Ma. Apartment lang, ma." nagpa-pout pa ako sabay yakap sa kanyang braso. Hindi ko rin sure kung sakto ba ginawa ko pero sinamahan ko na din ng puppy eyes.

     "Bahala ka nga!"

     Natigilan ako saglit. "Okay na po ba sayo, ma?"

     "Oo na. Sige na. Aalis ka na dun sa dorm mo. Kaya tumahimik ka na. Nakakabinggi ka nang pakinggan."

     Bigla ako napa-tili ako ng malakas sabay talon dahilan napa hinto si mama sa kanyang ginawa at tinakpan ang magkabilang tenga niya. YEEESSS!! Sa wakas napilit ko na si mama na pumayag sa akin na tumira ng mag sarili!

     Bumalik ako sa sala at nakita si kuya Tomas na kakapasok sa loob galing ng morning jog niya, suot niya ang kanyang gym wear habang puno ng pawis ang mukha at ibang parte ng katawan niya. Wala sa oras na hinawakan ko ang kanyang braso sabay hila niya sa gitna ng sala at na pilitan siya na sumabay sa happy dance ko.

TilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon