Chapter 11

45.7K 4.5K 1.7K
                                    

Chapter 11: Full Moon

Astralla

Aya has been missing for hours now. Lord Bermudo has already sent his army to look for my run away daughter but I couldn't just sit here and wait for some good news. So I looked for her myself...

Grabe ang panlulumong naramdaman ko habang nakatingin sa bakanteng tree house. Kahit na alam kong maaaring lumabas ang anak ko ay umasa pa rin ako kahit papaano na makikita ko siya rito sa tambayan nila.

Did she really cross the boundary?

"Hindi pa rin ba siya bumabalik?" tanong ni Lola.

Hinawi ko ang mga luha sa pisngi bago siya hinarap. Malungkot akong umiling. I rubbed my hands against my arms when it suddenly felt cold. She's nowhere to be found.

Lola let out a heavy sigh as if she, too, was disappointed. "Mukhang namana niya sa Ama mo ang ganitong ugali."

The thought that Lola was comparing my daughter to my Dad was a good thing, I just couldn't take it. Not this way.

"Lola..." Suminghap ako. "Baka may kapangyarihan kang malaman kung nasaan siya o kahit na malaman ko lang na ayos siya. Gusto ko lang mapanatag ang loob ko..."

Tila sasabog na ang dibdib ko sa sobrang pag-alala. I just want to know she's safe and unscathed.

She smiled. "Pauwi na rin 'yon..." bakas ang kasiguraduhan sa pagkakasabi niya.

Sumigla ang loob ko. "T-talaga po?"

That's all I need.

"Hindi ito ang unang pagkakataon na tinangka niyang lumabas, Astra. Pero ito ang unang pagkakataon na nagkalakas siya ng loob na isakatuparan ito. Malamang na dala ito ng sobrang pagkalumbay."

That hurts me again.

Damn. I'm sorry, My Little Flower.

"At alam mong hindi rin ito ang huling pagkakataon na gagawin niya ito..." dagdag pa ni Lola. "Hindi mo siya mababantayan sa lahat ng oras, Astra. Ang kaya mong gawin ay ihanda siya..."

I shook my head. "No. I will make sure she won't escape next time."

Bumuntonghininga si Lola.

"Lady Astra!" Napalingon kami kay Lady Aida. "Natagpuan na si Aya."

Nagkatinginan kami ni Lola at dali-daling sumunod pabalik. Dumiretso ako sa silid ni Aya kung saan natagpuan ko siyang nakahiga sa kama. Nasa tabi niya si Brix at hinahaplos ang buhok nito.

"She's just exhausted," Brix said without even throwing a glance at me.

Tears streamed down my face while staring at my sleeping princess. Umupo ako sa kabilang bahagi ng kama at hinaplos ang pisngi ng anak ko. Marahan ko siyang hinagkan.

"I-I'm sorry, baby..." bulong ko. Hinawi ko ang luha kong tumulo sa kanyang pinsgi. "I'm sorry that you need to do this."

It sucks because this shouldn't be forbidden. We all deserve to have the greatness of freedom. Freedom to go anywhere, to do anything we want and to be what we want to be.

"Tegan found her in the woods outside the boundary," Brix mentioned.

Boundary? There shouldn't be boundary!

Naalimpungatan si Aya at nagmulat ng mga mata kaya mabilis kong pinunasan ang mga luha ko. Kumurap-kurap siya habang papalit-palit ng tingin sa aming dalawa ni Brix. Pumirmi ang tingin niya sa ama.

"P-Papa..." Bakas pa rin ang pagod sa kanyang mahinang tinig. "Is that really you, Papa?"

The way she can hardly believe that it really is her father says a lot.

Freed SoulsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon