Entry #44

80 3 9
                                    

Pinsan

by xeamajela

I know na masamang magkagusto sa sa pinsan mo pero iba 'yong naramdaman ko simula nang makita ko siya. Hindi pinsan ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ganito at alam kong mali ito pero ayaw ng puso ko. Siya ang gusto ko.

Wala bng rule diyan na pwedeng i-consider 'yong nararamdaman ko? Na pwede ko diyang mahalin? Pwede naman nga pero hindi kami pwede magmahalan. Ang tanong, mahal niya ba 'ko? Ano ba 'to!

"Hello." Unang sambit niya palang sa'kin, hulog na hulog na 'ko sa kaniya. Para akong tangang palaging nakangiti sa kanya.

"Samahan mo naman ako bumili. Hindi ko pa alam dito sainyo." Napatango na lang ako at sinahan agad siya.

Nagulat pa 'ko noong inakbayan niya 'ko papuntang tindihan. Okay na sana ang kilig na nararamdaman ko kaso 'yong tinderang haliparot na feeling maganda. Nagpapapansin sa kaniya kaya agad na umiba ang mood ko.

"Stacey..." Sambit niya at parang nawala agad 'yong inis ko. Ano ba 'to?

"Hmm?" Tipid ko sagot sa kaniya.

"Galit ka? Hindi ka kumikibo diyan. Gusto mo nang chocolate? Bilhan kita." Sagot niya at hindi pa nga ako nakakapagsalita, pumunta na agad siya sa tinderang haliparot na 'yon. Buti na lang hindi siya pinapansin ni Adrean.

"Gano'n ba talaga 'yong tindera na 'yon? Parang may saltik eh." Sambit niya at napatawa ako. Ayos na rin 'yon. Hindi niya pala naintindihan 'yong mga pinaggagawa no'n.

Sabi ni mama na galing siya malayong probinsiya kaya hindi ko pa nakita ang kanyang imahe kahit noong bata pa kami. 'Yon ba ang dahilan kaya iba ang dating niya sa'kin? 'Yon ba ang dahilan? Mukhang hindi naman.

Mula noon, palagi na kami magkasama. Mas lalo kami nagiging close at mas lalo rin siyang nagugustuhan. Hindi ko na alam kung pa'no ito itigil. Hulog na hulog na 'ko sa kanya. Wala akong magawa.

Minsan, sinusubukan kong 'wag siyang pansinin pero lumalabas ang pagka-childish niya kaya anong magagawa ko? Ayan na naman 'yong nararamdaman ko. Hindi ko napipigilan.

"Stacey, pwede mo ba 'ko tulungan?" Sambit niya at tumayo agad ako paunta sa kwarto niya. Hindi ako umaangal sa kanya o kaya sa lahat ng utos niya.

Gusto ko din siyang palaging kasama. Kahit sa simpleng ginagawa niya. Gusto ko nasasaksihan ko ang lahat ng nangyayari sa kanya. Gusto ko, ako lang.

Agad akong pumasok sa kwarto niya at nakaupo lang ito. Nagtaka naman ako. Akala ko ba, kailangan niya nang tulong? Parang hindi naman.

"Can you be honest to me?" Tanong niya at agad akong napatango. Medyo kinakabahan ako sa maari niyang isabi.

"Gusto mo ba 'ko? Yes or No." Sambit nito at hindi na 'ko mapakali. Napapansin niya rin pala. Ba't hindi ko man lang na-realize? Akala ko kasi hindi ehhh.

"Hmmm kasi—" agad niya 'kong pinutol.

"Yes or No lang naman." Pinutol niya ang sasabihin ko. Hindi ako makatitig sa kanya ng maayos pero siya, ang seryoso niyang nakatitig saakin. Galit ba siya? Galit ba siya sa nararamdaman ko?

"Yes. And I'm sorry. Kinakalimutan na nga kita kasi mali—" hindi ko na naman natapos 'yong sasabihin ko nang niyakap niya 'ko. Bigla akong naguluhan.

"It's okay. I'm an adopted. Kaya hindi kita pinsan. Hindi mali ang lahat." Nagulat ako sa sinabi niya at masaya rin. Dinama ko nang tuluyan ang kaniyang yakap. Hindi ko inaakalang magugustuhan niya 'ko.

"You're now my girlfriend. 'Wag nang aangal," bulong niya saakin at napatawa ako. Hindi naman ako aangal kasi dati pa, dati ko pa siyang gusto.

He kissed me in my forehead at niyakap niya ulit ako.

TNP's 1st One-Shot Story Writing Contest Pt. 1Where stories live. Discover now