Twenty-Three

325 14 3
                                        

NAALIMPUNGATAN si Sabrina nang maramdaman ang init sa mukha niya galing sa sinag ng araw sa labas. Kinusot niya ang mga mata at agad na tinignan ang tabi niya. Nadismaya siya nang hindi makita si Kerkie kaya bumangon na siya. Hinanap ng mga mata niya ang orasan para tignan ang oras. Mabilis na kumilos siya nang makitang maga-alas otso na nang umaga.

Male-late na ang mga anak nila sa eskuwela. Saglit na nag-shower siya at pinuntahan ang kuwarto ng mga bata. Wala na siyang naabutan kaya malamang nasa baba na ang mga ito.

Dumiretso siya agad sa kusina para tignan kung nandoon pa ang mga ito. Natigilan siya nang makita ang mga bata na kumakain samantalang nagluluto naman si Kerkie.

Naantig ang puso niya sa nakita. Ni minsan ay hindi niya inisip na posible ang ganoon. Kung may isang bagay man siyang sigurado iyon ay ang pagmamahal nito sa mga anak nila.

“Mommy! Mag-breakfast ka na rin po ang sarap ng luto na pancake ni Daddy.” Nakangiting sabi ni Nalena nang makita siya.

Nakangiti na nilapitan niya ang mga ito. Pinunasan niya ang gilid nang labi ng anak dahil nagkalat ang syrup sa bibig nito. “Ang dungis, Len. Dahan-dahan sa pagkain, anak.”

Ngumiti siya kay Kerra bago nilingon si Kerkie. Nilapag nito ang lunch box ng mga bata sa islang counter. Agad na lumapit siya at inasikaso ang lunch box ng mga bata. Pero hindi pa siya nakakalayo nang maramdaman ang kamay nito sa may siko niya.
“Ako na. Tumabi ka na lang sa mga bata.” Malumanay na sabi nito.

Tinignan niya ito. “Pero…”

“No buts, Sabrina. Seat with the kids.” Muling sabi nito, pero ngayon ay pautos na.

Napabuntong-hininga na lang siya at binaba ang mga lunch box. Tumabi siya sa pagitan ni Kerra at Nathan nang kinuha ng lalaki niyang anak ang atensyon niya.

“Mommy, tabi ka po kay Daddy,” Tinuro pa nito ang dalawang bakante na silya.

Umiling siya at ngumiti kay Nathan. Baka kasi mamaya ayaw ni Kerkie na malapit siya. Siguro sa kama pero hindi doon. Medyo may kudlit ng sakit siyang
naramdaman pero hindi na niya ininda. Masasanay na lang naman siya.

“Dito na lang ako, anak.” Marahan na ginulo niya ang buhok nito na ikinahagikgik nito.

Inasikaso niya ang mga bata sa pagkain. Maya't-maya ay sinusubuan siya ni Nathan na nginunguya niya. Paminsan-minsan ay sinusulyapan niya si Kerkie na busy sa paghahanda ng lunch box ng mga anak nila. Nang matapos si Kerkie sa paghahanda ng baon ng mga bata ay ito na rin ang naglagay sa bag ng mga ito. Nakasuot lang ito ng gray na sando at khaki short. Ang cute lang nito na may suot na pink apron.

Nakamasid lang siya sa bawat kilos nito nang tumingin ito sa kanya. Umupo na ito sa isang bakanteng silya at lantaran na tinitigan siya. Matagal na tumingin ito sa kanya kaya nag-iwas siya ng tingin. Hindi na niya pinansin ito at inasikaso ang pagkain ng tatlo.  Nahuli siya ni Kerkie, nakakahiya.

“Uy si Daddy, tinititigan si Mommy!” hagikgik ng babae niyang anak. Napansin na ng mga bata.  Hindi kasi ito kumakain pero ramdam niyang nakatingin ito sa kanya.  Ano bang problema nito? 

“Nalena,” she spat.

“Namumula si Mommy!” sigaw ni Nathan kaya lalo yatang nangamatis ang mukha niya. Ang mga bata talagang ito. “Nathaniel Rouvin!”

Napuno ng tawanan nang mga bata ang kusina.

“Tara na, Len-Len! Baka ma-late tayo.” Aya ni Nathan at mabilis na kinuha ang bag nito. Ihahatid ang mga ito ng driver ni Kerkie.  Lumapit si Nathan at mabilis na hinalikan siya sa pisngi. Lumapit din ito sa ama at nag-fist bump ang dalawa.  Sumunod na rin si Nalena na humalik sa kanya at kay Kerkie bago sundan ang kapatid palabas.

Deadly Rules (UNDER MAJOR REVISION)Where stories live. Discover now