Prologue

1.1K 23 1
                                    

Paasa siya. Assuming ako. Ang labo diba? Akala mo may feelings pala siya sa'yo pero wala, kasi nga assuming ka.

Pag nag ka tagbo mga mata niyo akala mo destiny na kayo agad. Oh baka may tinweet siya na akala mo tungkol sa'yo o nag gm man lang.

Nagiging assuming ang isang tao pag walang communication. Pag nag tetext siya sa'yo palaga at nangangamusta diba nasa isip mo na baka type ka niya?

Pag nagpopost ka ng selfie sa facebook at liker mo siya. Diba nasa utak mo din na baka nagagandahan siya sa'yo?

Pero puro mga "Baka" yan baka type ka niya pero baka trip ka lang niya.

Ano nga ba meron sa baka? Pweding hayop pero madalas yung nag bibigay sayo ng pag-asa.

"Baka type ka niya"

"Baka may gusto na siya sa'yo"

"Baka nahihiya lang kausapin ka"

🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸🌸

"Gabby! Si Sam anduon sa locker room natin. Bilisan mo!"

Agad kong binaba mga librong dala ko at binilisan ang pag baba ko sa hagdan.

Pumasok na ako sa locker room namin at shit. Anduon pa nga siya. May hinahanap ata na libro sa locker niya.

Tinututukan ko lang siya. Si Sam Estrada. Ang pangarap ko since freshmen pa ako.

Bigla siya lumingon dito kaya tumalikod ako at binilisan ang pag lakad ko. Palabas na sana ako sa locker room pero..

"Gabby." Tinawag ako ni Sam.

🍀🍀🍀🍀🍀🍀🍀

Hi guys! New story ko after two years :) sana suportahan niyo :)

Paasa at Assuming.Where stories live. Discover now