Chapter 1

8 1 0
                                    

1. Scandal | Hesitation to met you

"O, ano, nasiyahan ka naman ba sa ginawa mo?" galit na binitbit niya yung polo ko.

"I never seen any bad boys in real life. Alam mo ba na sobrang liit lang ng tingin namin sa inyong bad boy kuno pero takot sa magulang?" ngumisi ako habang bitbit niya ang aking kwelyo.

"Masaya ka ba talaga sa ginagawa mo? Sinong maniniwala sa baliw na kagaya mo?" hinayaan ko siyang pagsamantalahan ang matiisin ko.

Itong mga bastardong lalaki na nakapalibot sa akin ay nagkantyawan at nagawa pang tawanan ako sa kabila ng pagiging matiisin ko.

"Ikaw ba? Masaya ka ba talagang naging bad boy ka at pinapahirapan mo ang buhay ko?! Oo, ako ang nagpakalat ng sikreto mo na kung sinu-sino ang kinakasama mong babae sa hotel." sinampal niya ako ng malakas sa mukha. Nagdugo ito ng kaunti.

"Oo, masaya ako sa pinili kong magpakabadboy kaysa naman sa 'yo. Pinagpipilitan na makasali sa isang banda para lang makakuha ng kasikatan. Matanong nga kita, ano bang alam mo? You can't even teach yourself to learn how to sing without getting hoarse. Hindi ka marunong kumanta at sintunado ka. Sino naman bang tatanggap sa 'yo?"

"Nakita mo yung balita sa campus? Dalawang miyembro ng Upkalitan ay nagaagaw-buhay na nang dahil yon sa 'min. Kinakatakutan kami sa school na 'to kasi kami lang naman ang grupong nakatuklas ng pinakamalakas na pwersa."

Napangiti ako ng sarkastiko.


Baliw ang isang 'to. Kailangan ko raw silang katakutan amp.

Sino ba sila para katakutan ko?

"Kahit iharap ko kayo sa pulis ay hindi kayo susuko? Magaling lang naman yata kayong makipaglaban kasi alam mong mahihina yung target victims n'yo."

"At anong sa tingin mo ang laban mo sa 'min kung sakaling pagkaisahan ka ng mga kamiyembro ko sa gang? May magagawa ka ba 'pag pinatay ka nila?"

"Tandaan mo, may isang taong nagmamatyag sa 'yo para patayin ka. Baka nakakalimutan mong may tinakasan kayong kasalanan. Tsaka mo na malalaman yon kapag nabugbog kana." binitawan nila ako at tinulak ako sa malalaking boxes sa bodega.


Kasalanan? Anong kasalanang ginawa ko?



"Shaun, tama na 'yan. Kilala ko siya. Siya yung niligtas ko sa kalsada na muntikan pa niyang ikamatay." may isang lalaki na biglang dumating.





"Anong kasalanang pinagsasasabi mo? Hoy? Pagsabihan mo 'yang badboy na yan. Baka ipadampot ko kayong lahat sa mga pulis. Akala niyo natatakot ako sa inyo?"




"Hindi ka nalang magpasalamat kasi niligtas ka ng kasamahan ko sa gang?!" agad na inawat no'ng lalaki yung gigil na gigil na si Shaun.


"Tandaan mo, badboy. Oras na makahanap ako ng pagkakataon, papatumbahin kita, sasamba ka rin sa 'kin. Pagbabayaran n'yo yung mga paghihirap na ginawa n'yo sa 'kin!"




"Donny? What are you waiting for? Punch him now!" matalim na titig ang binalik ko sa kanilang lahat.

Bigla akong naalimpungatan. Nagising ako sa bangungot. Unti-unti kong hinawakan yung mukha ko, may tumutulo pa lang luha sa magkabilang mata ko.

Tama! Dito ko napaginipan si Donny kasama ng mga ka-fraternity members niya. Hindi ako maaring magkamali. Totoo yung naging panaginip ko. Nakatulog lang yata ako kanina pero totoong nangyari na binantaan at binugbog ako nung grupo nina Donny.

"Hoy! At sino ka naman?! Bakit ka nandito? Bakit mo 'ko binabantayan? Mukha ba akong preso o kaya pasyente sa ospital, kaya binabantayan mo 'ko?!" napaurong ako ng bahagya at takot na takot na binulyawan yung lalaking nakamask na itim at nakasoot ng uniporme.

When The Two Men Falling In Love | Beyond The BoundariesWhere stories live. Discover now