Prologue

10 2 2
                                    

"It is been a year, Sol" Mahinang sambit ko sa sarili habang pinapanood ang paglitaw ng araw.

Isang taon na mula nang pinili kong mabuhay mag-isa, my mental health is much better when I decided to cut ties with them, I don't even imagine that it took me for almost a decade to have the guts to stand for myself and heal...

Or maybe I just isolated myself so that they can't trigger me.

I came from an abusive household. Naputol ang mga pangarap ko kung saan ito nagsimula. I decided to run away from them because my body and mind could not take it anymore. Napili kong mangupahan sa magulong siyudad ng Ermita, malayo sa pamilya ko na minsang nagpahirap sa akin. I remember how I roamed these streets, miserable and almost lifeless. Pero ngayon, nakatayo na ako... lumalaban kahit gabi-gabi akong pinagsasakluban ng langit at lupa.

"Magandang umaga, Sol." Malamyos na tinig ni Nanay Rosa, siya iyong mangangalakal na nagturo sa akin kung saan pwede mag trabaho. Because a year ago, I was homeless for a week in Manila.

"Nay, bakit po diyan kayo natulog sa karton ninyo?" Nagtatakang tanong ko dahil nakaparada pa mismo ang karton niya na puno ng kalakal sa tapat ng coffee shop kung saan ako nagtatrabaho bilang crew.

"Nako, anak, na-demolished ang barong-barong na bahay namin sa ilalim ng tulay. Pinagbabawal na ata ng mga awtoridad ang mga improper settler, kagabi pa ako walang hapunan." Paos ang boses niya habang hawak ang sikmura. Parang kinurot ang puso ko sa hitsura niya ngayon.

"Halika Nay, ililibre ho kita ng kape." Sabi ko sa 'kanya at inakay siya papasok sa coffee shop. Dalawa lang kaming crew pero ako ang unang pumasok, sinuot ko ang apron at pinaghanda si Nanay ng kape.

"Anak, 'wag mo ako igawa ng mamahaling kape ha. Baka mamahalan ka pa, kahit iyong lasang 3in1 nalang." Paalala niya sa akin, bahagya akong napangiti dahil napaka-simple niyang tao.

Nanay Rosa fed me and welcomed me to their home when I was starved to death, naaalala ko kung paano niya pa ako inakay papunta sa barong-barong niya habang nanginginig ako sa gutom. Habang dala-dala niya ang nasimot niya sa daan na plier at sinabing pwede raw ako mag-apply sa nasabing coffee shop.

I unpacked my lunch and put on a tray together with the coffee. Ito sana ang kakainin ko mamayang lunch pero ibibigay ko nalang sa kanya, masyadong mahal ang mga pagkain sa menu ng coffee shop at kung bibilhan ko si nanay ay baka wala na akong pamasahe pauwi. Itlog at tuyo lamang ang ulam dahil nagtaas ng upa ang walang hiya kong land lord.

"Nay oh, eat well." Kumindat ako sa 'kanya sabay nilapag ang tray sa table niya.

College students are appearing one by one, malapit lang kasi sa Main Campus ng PNU ang coffee shop kaya naman nagbibilihan sila bago pumasok. Minsan ay hindi ko maiwasang mainggit habang nakikita sila sa kanilang mga uniform, I would probably a graduating student by now, but my father's high expectations killed me. I remember the blood stains in my nursing scrubs when he slapped me hard after getting a 2.50 in one Major subject which is a disqualification for Latin Honors. Mula noon ay hindi na niya ako pinag-aral, I decided to drop in college since kahit ano naming gawin ko ay hindi ko siya kayang gawing proud. Hindi ko na sinubukan pang mag working student dahil malilintikan ako kapag hindi ko naalagaan ang kapatid kong bunso sa bago niyang asawa.

I never desired that program, it wasn't my calling but my father wanted me to be a perfect saint and tried to manipulate my path to be the first bread winner and doctor of the family. So that, he and my step mom could live a luxurious life. He traded his daughter's life to pass her the responsibility of a real father.

"Tapos na 'yon, Sol...move forward, start from scratch." Bulong ko sarili ko habang isa-isa nang pumila ang mga estudyante sa cashier.

"Good Morning. Welcome to Sunday Cafe!" Maligayang bati ko.

The Radiance of MystiqueOnde as histórias ganham vida. Descobre agora