S-A FanFic //:21 - Takishima VS. Kirito And Hikari

229 12 10
                                    

S-A FanFic //:21 - Takishima VS. Kirito And Hikari

"A-Ayahi.." Tiim bagang na pagtawag ni Horie sa hirap na hirap na tumatayong si Ayahi. Matalim ang tingin niya kay Kei habang pinupunasan ang dugong tumulo sa kaniyang ilong. Hanggang ngayon ay hindi siya makapaniwala sa nangyare. Masyadong mabilis para sa kaniya ang ginawang pagkilos ni Kei. Ni hind niya nga naaninag kung ano ang ginamit nitong pambato sa kaniya at hanggang ngayon nanginginig pa rin ang mga tuhod niya sa takot. 

Halimaw.. ang tumatakbo sa isip niya habang nakatingin kay Takishima Kei.

"Ano bang ginagawa niyo dito mga S-A Class?! Masyado na kayong mga pakialamero! Umalis na kayo dito dahil si Kirito lang naman ang pakay namin!!" Nanggigigil na pagsigaw ni Yonaga sa S-A members.

"Sa tingin niyo may balak pa kaming umalis dito ng ganun ganun nalang?" Nakakatakot ang ginamit na boses ni Akira. "Tinakot niyo si Megumi at sinaktan niyo rin ang aking angel Hikari! Hindi ko kayo mapapatawad!" 

"Bakit, babae? Anong gagawin mo?" Mapanghamon na pagtatanong ni Horie. 

"Gaganti! TADASHI!!" 

"Oh? Bakit na naman?!"

"Iganti mo ako para kina Hikari at Megumi!"

"ANO?! Akala ko ba ikaw ang gaganti? Lakas ng loob mong gumawa ng eksena--O-Oo na. Sabi ko na gaganti na, e." Kamot ulong pagpayag niya ng titigan na siya ng masama ni Akira. "Tsk! Sakit na naman ng katawan 'to." Bulong niya pa. 

"Ang pang-iindiyan sa 'kin ay may karampatang parusa.." Natigilan ang lahat sa pagsasalita ni Takishima. Naglalakad siya ngayon palapit kina Hikari habang pinaapatunog ang mga daliri niya sa kamay at dala ang itim na aura na bumabalot sa kaniya. Hanggang ngayon hindi siya makamove-on sa pang-iindiyan. XD 

"U-Ugh.." Napasinghap si Hikari ng makarating si Kei sa harapan niya at ng balingan siya nito ng tingin. Humigpit ang yakap sa kaniya ni Akira at inilayo siya ng bahagya kay Kei. Ibinaling ni Kei ang tingin niya kay Kirito at nagkasukatan sila ng tingin. 

Matapos 'yun ay binalingan naman ng tingin ni Kei ang grupo ni Yonaga at bahagya silang napaatras dahil sa aura ng pagtitig ni Kei. Titig palang nakakasindak na. Ang mala pusa nitong mata ay parang matalim na patalim na pwedeng sumaksak sa 'yo sa oras na balingan ka ng tingin. 

"B-Bakit ganiyan ka kung m-makatingin?! Mayabang ka!!" Sigaw ni Yonaga habang dinuduro si Kei. "Mga bata, sugod!! Patumbahin ang mga mayayabang na 'yan!!" Agad na kumilos ang mga bata ni Yonaga at sinugod ang grupo nila Hikari. 

Ang unang limang sumugod ay agad na sinalubong ni Kei at agad din na napatumba. Nagsalubong ang mga kilay ni Kirito. Halos hindi malinaw sa paningin niya ang ginawang pagkilos ni Kei dahil sa nanlalabo ng paningin niya. Basag na kasi ang suot niyang salamin at nanghihina na rin siya dahil kanina pa sila lumalaban. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Special-A Class (Fan Fiction) ♥SEASON 2♥Where stories live. Discover now