Chapter 5

168 31 52
                                    

Malakas siyang napatawa dahil sa sinabi ni Seth sa kaniya. Pinipigilan pa nga sana niya iyon ngunit hindi niya nakayanan at napahalakhak na lamang siya ng malakas na rinig na rinig sa buong kapaligiran. She even scared some birds with her witch-like laughter. Pinapahid pa nga niya ang luhang tumulo mula sa mga mata niya dahil sa labis na pagtawa.

“Ako?”, natatawa niyang usal habang hindi makapaniwalang nakaturo sa sarili niya. “I’m the Queen of Luzon?”

Mukhang hindi naman nagustuhan ni Seth ang pagtawa niya sapagkat nag-cross arms ito at kinunutan siya ng noo.

“I’m telling the truth, Han.”, mahina nitong mutawi pero maririnig doon ang kaseryosohan.

Her laughter slowly faded into small giggles until it became completely silent upon noticing Seth’s serious face scrutinizing her.

The hell? Seryoso siya?

“Good to see na nakakatawa ka pa diyan pero gusto ko lang ipaalam sa iyo na sa pagitan nating dalawa ay ako ang nasa kapahamakan dahil sa ginawa nating pagtakas.”, iritado nitong saad na siya namang nagpakunot ng noo niya.

“Ha? Bakit naman? Pupunta lang naman tayo sa border diba?”, nagtataka niyang tanong dito.

“It’s not that easy, Han.”, tila nafrufrustrate nitong sagot sa kaniya sabay upo sa isa sa mga natumbang kahoy doon. Napili na lang rin niyang maupo katapat nito dahil masakit na talaga ang paa niya. Mabuti at naisipan na ng lalakeng tumigil sa paglalakad at nang makapagpahinga naman silang dalawa sa halos dalawang oras na paglalakad nila.

“Kapag natuklasan na ng fiancé mo na wala ka na doon sa palasyo ay tiyak na mag-uutos iyon ng mga kawal na maghahabol sa ating dalawa. We can't just be comfortable 'cause thay are literally hot on our ass any moment now. Kung sakaling mahuli man nila tayo ay iisa lamang ang kahihinatnan ng pangyayari.", paliwanag nito bago biglaang tumigil upang titigan siya. "You would still marry him and I would surely be castigated... at hindi natin alam kung anong kaparusahan ang ihahanda nila sa akin dahil sa pagtakas ko sa iyo doon. Baka bitayin nila ako, ipa-firing squad o lunurin."

"In the first place... I’m just a simple knight serving YOUR kingdom. I am no one.”, dagdag na ani ni Seth habang dinidiin ang salitang ‘your’ na nagpabalik sa kaniya ng mga ala-ala nila noon kung saan laging ipagdidiinan ni Seth na langit siya at lupa ito.

She would always be a spoiled brat in his eyes. The girl that can have everything that she wants with just one flick of her finger. Ang babaeng nakuha ang lahat kahit hindi niya deserve ang mga iyon.

She fell in love with a guy that has barely anything and rebelled against her parents about the matter yet in the end he chose to let go of her.

Handa siyang tumalon para dito pero hindi siya nito sinalo.

Handa siyang iwan ang lahat pero tinalikuran siya nito.

It's hard to risk everything and just jump into the unknown future if the sole reason you're risking all those things in the first place isn't even there to hold your hand.

Dahil sa napagtanto ay pinagmumura niya si Athena sa isipan niya. Sinadya ata ito ng kaibigan niya.

Athena knew about the story of her first love. The love that she was so ready to risk everything for but ended up as a waste of time and tears.

Nilagay siya ng batang kaibigan sa librong ito bilang reyna at si Seth bilang isang kawal upang mabalikan nilang dalawa ang nakaraan.

The past that has been hunting her for years.

Mga ‘what ifs’ niya sa buhay.

What if hindi siya iniwan ni Seth noon?

What if sila pa hanggang ngayon?

Mag-asawa na kaya sila?

May mga anak na?

Aaminin niya hanggang ngayon ay natatandaan pa niya ang mga alaala nilang dalawa ni Seth noon.

He used to say sorry all the time because he can only afford fish balls for their dates.

He used to be so caring because he learned how to tie and style hair because of her own long locks.

He used to wait until twelve in the morning just to be the first one to greet her 'happy birthday'.

He used to get into trouble just for her.

Niregla siya noon at wala siyang extra napkin at wala ring mapagbibilhan sa loob ng campus pero hindi siya makalabas dahil strict ang school nila pagdating sa oras ng labasan kaya naman ang ginawa ng lalake ay inakyat nito ang bakod ng university nila para lang mabilhan siya ng napkin.

Noong nag-midterm exams sila ay naubusan ng ink ang ballpen niya kaya naman nag-excuse siya at nanghiram ng ballpen sa lalake. He let her use his pen, only for her to found out later on that he got scolded by the proctor for not bringing a pen during the exams.

Hindi iyon sinabi sa kaniya ng binata at sa mga kaibigan niya lang nalaman ang lahat ng iyon. Hindi rin niya malalaman iyon sapagkat magkaiba sila ng class ng lalake.

He loved spoiling her back then but he suddenly changed and all he started doing is pointing out how poles apart there status are. Naging mas grabe iyon nang malapit na silang gumraduate.

She's so ready to start a life with him.

To leave all the luxury that she got used to just so she can live with the man that made her feel the euphoric feeling of love.

Pero bigla itong bumitaw.

Bigla itong nang-iwan.

She bit her lower lip to stop herself from crying. Ayaw niyang makita siya na ganito ng lalake.

No. He shouldn’t know about her feelings.

Feelings for him that she kept hidden for so long.

“Han… nakikinig ka ba?”, tanong ni Seth na nagpapukaw sa kaniya mula sa mga iniisip.

“Ha? Ah… oo.”, agad nyang sagot upang hindi na ito maghinala. She wasn't able to catch up with what he was talking about but it's much better to lie rather than to be asked about her current feelings.

Nag-aalala itong tumitig sa kaniya bago biglaang naglabas ng panyo mula sa bulsa nito.

“You do realize that I already knew you from inside and out?”, mahina nitong saad bago bigay sa kaniya sa panyo nito at tumayo. “Hahanapin ko muna saan ko tinago ang mga kabayo na iniwan ko dito.’, dagdag nitong sabi bago ito tuluyang naglakad ngunit bago pa ito makalayo ay tumigil itong muli at walang lingong nagsalita. “Han… I have my reasons why I did it.”

Elena: The Queen of LuzonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon