Chapter 1

47 5 0
                                    

Chapter 1

Umiiyak ako habang nakatingin kay Jayvee. Nag-uusap kami tungkol sa nakita kong message sa cellphone niya. Isang 'I love you, miss nakita agad' galing sa isang babae na may pangalang babe sa cellphone niya.

"Sino to?" muli kong tanong sa kaniya. Sinubukan niyang agawin ang cellphone pero mabilis ko iyong iniiwas.

"Ano ba Carol, wrong send lang yan. Nakitext yung kaklase ko kanina." iritadong sabi niya sa akin. Bahagya akong tumawa.

"Really?" tumawa ako at pinunasan ang luha saking mata.

"Kaya ba wala kang oras makipagkita sakin? Kaya ba lagi kang busy sa training mo? O dahilan mo lang yun para makasama ang babae mo?" sunod-sunod kong tanong.

Kung hindi ko pa siyang pinuntahan sa apartment niya at hinintay ay hindi ko siya makikita. Ilang linggo at buwan na siyang hindi napayag na makipagkita sa akin, ni sa mga dates namin ay hindi siya nagpupunta at kung pumupunta man siya ay lagi pa itong nagmamadaling umuwi dahil madami pa daw siyang school works. Napadalas iyon ng magcollege kami at sa magkaibang school pumasok. Lagi niyang dinadahilan ang training niya sa basketball.

"Wala akong babae. Bakit ba hindi ka naniniwala?" pagmamatigas niya.

"Huling huli ka na nga! Itatanggi mo pa!"

"Alam mo? Dapat siguro magbreak na tayo. Tutal parang wala na din naman tayo!" duktong ko pa at binato sa kaniya ng kaniyang cellphone.

Tumalikod ako sa kaniya at handa ng lumabas ng apartment niya ng hilahin niya ako at yakapin. Lalo akong napahagulgol sa ginawa niya. Madami na ding mga kaibigan ko ang nakapagsabi sakin na nakita nila sa Jayve na may kasamang babae pero hindi ko sila pinaniwalaan at si Jayvee lang ang pinaniwalaan ko. I always asked him about those humors but he denied it. At ngayong ako pa mismo ang nakaalam ay parang nadudurog ang puso ko.

Sa Dalawang taon namin ay ngayon lang niya ito nagawa sakin. Na kahit minsan ay hindi ko naisip na magagawa niya sa akin.

"Baby, don't do this to me." he whispered.

"Promise hindi nako makikipagkita sa kanyan. Please, wag mo lang akong iwan." he continued. Parang dinudurog ang puso ko ng marinig ang pagsinghot niya, sign na umiiyak na din siya.

Lalo akong umiyak, pero hindi na nagsalita.

Grade 10 kami ng napalipat siya sa section namin. Magkatabi kami sa upuan kaya hindi maiwasang hindi mapalapit sa kaniya, until he confess his feelings to me. I had a little crush on him, kaya nung sabihin niyang manliligaw siya sakin ay hindi ko na pinag-isipan pa. I grab that chance to be more close to him. Hanggang sa mag senior high na kami at sagutin ko siya.

Masaya kaming kasama ang isa't-isa, legal both sides. Madalas siyang pumunta sa bahay dahil kilala naman siya nila Mama at Papa, at ganoon din ako sa kaniya. Pero lahat ng iyon nagbago ng magcollege kami, naging busy siya at dumalang ang pagkikita namin dahil busy din ako sa school works.

"I'm sorry. I'm sorry. Baby, sorry." paulit-ulit niyang sabi. I tried to push him away, pero lalo lang humigpit ang yakap niya.

Wala akong nagawa kundi ang hayaan ang pwesto naming ganoon. He's hugging me while I'm crying and my hands are covering my face. Ilang sandali lang ng medyo humupa ang iyak ko ay umupo kami sa upuan sa apartment niya.

"Baby, I'm sorry. Promise hindi nako makikipagkita sa kaniya. Wag mo lang akong iwan." because of those words, nagkaayos kami.

Madami akong tinanong sa kaniya at sinagot niya naman lahat kaya naniwala ako at pinatawad siya. Lalo na ng pinatunayan niya ang pangako niya. Tulad ng dati, kahit magkaiba kami ng school at magkalayo ay sinusundo niya ako pauwi sa dorm ko.

"I love you." he whispered and kiss my cheeks for a good night kiss.

Nagdinner lang kami saglit sa isang malapit na fastfood bago niya ako inihatid.

"I love you too." I replied and wave my hand, he waved back.

Ganoon lagi. Hindi matatapos ang isang linggo ng hindi niya ako sinusundo kahit na may training siya. He always assured me na nasa totoong training siya at nagsesend pa ng picture. But little did I know na kasama niya pala iying babae sa mga training niya.

Nalaman ko lang ng may biglang nagsend sa akin ng isang video ni Jayvee. Nasa gym ito ng school nila at mukhang kuha ito habang break time nila sa training dahil pawis na pawis siyang lumapit sa bench kung saan naghihintay sa kaniya ang isang babae. Sinalubong siya nito at inabutan ng tubig. Habang umiinom si Jayvee ay pinunasan niya ng tuwalya ang likod nito at pati na din ang leeg. Ilang sandali pa ay nagtinginan sila habang tumatawa at bigla nalang mabilis na dumampi ang labi ni Jayvee doon sa babe. Dinig ko ang sigawan ng mga kasama niya sa training, at doon na natapos ang video.

Agad na nagpatakan ang mga luha ko matapos mapanuod iyon. Parang pinipiga ang dibdib ko sa sakit na nararamdaman. Iyak ako ng iyak noon sa dorm ko, hindi ako nakapagreview ng maayos para sa quiz kinabukasan. Hindi ko din tinigilan ang pagtitext kay Jayvee ng gabing iyon para itanong kung ano yung video na sinend sa akin pero hindi ito nag reply. Sinubukan ko siyang tawagan pero wala akong nakuhang sagot sa kaniya. Tahimim lang sya sa kabilang linya.

"Hindi ka ba magsasalita?" muli kong sabi.

"Pinagmumukha mo lang akong tanga sa ginagawa mo! Akala ko ba hindi ka na makikipagkita? Pero anong nangyari? Kasama mo pala sa mga training mo! Ang galing mo! Ang galing mo talaga!" pinunasan ko ang luha ko..

"Magbreak nalang tayo. Wala na din naman tayong patutunguhan. Maging masaya ka sana sa kaniya." agad akong pinatay ang tawag at isinubsob ko ang sarili ko sa unan at doon umiyak.

Hindi man lang siya umangal o pinagtanggol ang sarili niya. Lalo lang niyang pinatunayan na totoo ang mga napanuod ko. All this time, he's just pretending to be a good boyfriend to me but the real is, he's not. He have someone everytime I'm not around. Ang masakit oa doon hindi ko alam kung saan ako nagkulang at bakit niya ako nagawang iwan.

Playful Heart (Playful Series #1)Where stories live. Discover now