SUNOD-SUNOD ANG paghampas ng tubig sa aking katawan. Unti-unti kong idinilat ang aking mata upang makita kung ano ba ang nangyayari sa’kin. Basang-basa ako habang nakahiga sa malambot na buhanginan. Agad akong napaangat sa gulat.
Nasaan ako?
Napakamot ako sa aking ulo habang pinapalibot ang aking paningin. Bigla akong nakaramdam ng hapdi. Napatingin ako sa aking binti at napagtanto na may malaking sugat ako rito. Nagdurugo ito. Bigla akong namutla sa natuklasan.
“Hello?! Anybody here?!” sigaw ko at umaasang may lumapit para sagipin ako, ngunit nanatili lang ang katahimikan at kapayapaan sa paligid. Tanging mga alon at huni ng ibon ang umaalingawngaw. “Tulong!” sigaw ko ulit ngunit walang kahit sinong tao ang response sa akin.
I’ve realized that I stumbled upon a mysterious island without any people living here. May gubat na matatanaw sa malayo. Marami ring rock formations na nakatindig sa kung saan-saan.
Naghurumentado ang aking puso habang pilit na inaalala kung bakit ako napadpad dito. Kumirot ang aking sentido kaya imbes na mag-isip pa ako ng mariin ay hinilot ko nalang ito at sinubukang ipahinga ang sarili.
‘Tang ina. Sa huling pagkakatanda ko, pasakay ako ng barko upang umuwi sa pamilya ko. Galing akong Amerika at pabalik na ako sa Pilipinas upang bumisita dahil may okasyon. Hindi naman ako magtatagal doon, kaya kaunti lang ang mga gamit na dinala ko. Bukod pa roon ay wala na akong ibang maalala. Most of them are clouded in my mind.
Huminga ako ng malalim at biglang nakaramdam ng matinding gutom. Gusto ko mang pahupain ito ngunit wala akong makita na kahit anong makakain dito.
Sana lang ay may tangayin na pagkain ang alon galing sa barkong pinagsakyan ko patungo rito upang makakain na ako.
“Tulong! Iligtas niyo ako rito!” sigaw ko ulit at umaasang sa pagkakataong ito ay may makarinig at sumagip sa akin. Nanghihina na ako.
Kung wala talagang tao rito, paano na?
Agad kong kinapa ang aking bulsa upang i-check kung nandito pa ang aking cellphone. Panandalian akong nabuhayan ng pag-asa nung nandito pa ito. Subalit, nung sinubukan ko nang i-open ay hindi na siya nagbubukas. Malamang, nabasa na ito ng tubig-dagat. Malabo nang gagana pa ito. My god, this is definitely my worst day!
Unti-unting bumigat ang aking mga mata. I just found myself bursting into tears. Fuck this, Caleb! What the fuck just happened to me?!
Pinapahid ko ang aking mga luha habang humahagulgol ng malakas. Alam ko, hinihigop ng pag-iyak sa aking natitirang lakas ngunit hindi ko mapigilan ang sarili ko na mafrustrate. Dala na rin ng hirap at hinagpis na pinagdaanan ko sa ibang bansa para matakasan ang hirap ng buhay sa Pilipinas, hindi ko maiwasang maawa sa sarili ko. Ang saklap lang, ganito pa ang nangyari sa'kin.
I don't know what kind of anger does destiny have with me. Do I deserve any of these pain? So unfair! I am always selfless. My own sake is my least priority. I am always capable of doing major sacrifices for my family. Ano nalang ang mangyayari sa kanila kapag nawala ako?
Gumapang ako sa malambot na buhangin. Hindi ko maiwasan na minsa’y maibaon ko ang aking ulo rito at makakain ng buhangin. Nawawalan na ako ng lakas, ngunit pinipilit ko pa rin na hilahin ang aking sarili patungo sa mas tuyong lugar. Patuloy pa rin sa paghapdi ang aking sugat.
Maya-maya pa ay hindi ko na talaga kaya. Napatihaya ako sa buhangin noong napagtantong nasa tuyong lugar na ako. But the sun is too sun, and it is burning me into crisp. I just let myself lay there in defeat. I'm so done.
Napahalakhak ako sa aking katangahan, pagkatapos ay nakaramdam ako ng matinding pagkauhaw. Nagtangis akong muli. I shouted a lot of profanities in anger.
Kung mababalitaan nina Mama ang nangyari sa barkong sinasakyan ko ay paniguradong mag-aalala ‘yon. My father will find a way to find me, by wasting a lot of me that he earned from his own. Hindi naman iyon kalakihan kaya nakakapaghinayang kung hahayan ko siyang gastusin iyon. I remember my brother, Charles, na kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. I know him very well. He's always concerned of me. Ayokong mapabayaan niya ang kaniyang pag-aaral dahil sa pag-alala sa akin.
Muli kong pinahid ang aking luha gamit ang kamay kong napalibutan na ng mga buhangin. Kumalat ito sa aking mukha. Maybe, this would be the end of me. I want to save myself, but how?
Nakarinig ako ng mahihinang yabag na papalapit sa akin. Wala akong ideya kung sino ito hanggang sa tuluyan ko nang ipinikit ang mga mata ko.
You're just hallucinating, Caleb.
Ngunit nagpatuloy lang ang mga yabag. I can already feel a presence of another human being. I am curious of who it is. Mahina kong dinilat ang aking mga mata at nakakita ako ng isang maskuladong lalaki sa aking harapan. Nakasuot siya ng kapirasong tela sa kaniyang baywang.
Pinanood ko kung paano siya yumuko at inilapit ang kaniyang mukha sa akin. He examine my face, and I did the same too. Nalunod ako sa titig ng kaniyang luntiang mga mga na nagniningning. Sobrang tangos ng kaniyang ilong, at mayroon siyang makakapal na kilay. Ang gwapo niyang tignan habang nakakunot ang kaniyang noo. He is looking at me like a puzzle he want to solve. Matingkad na kayumanggi ang kaniyang balat na nangniningning din dala ng sinag ng araw.
Am I dead? Is he an angel?
Is he going to take me to heaven?
Muli kong pinikit ang aking mga mata dahil tuluyan na akong nawalan ng lakas.
BINABASA MO ANG
The Island Man [M2M, SPG]
RomanceCaleb was stuck in a mysterious island. His life became hopeless at the moment of scary realization, yet there's a mysterious person who will help him to survive the dangers of the wild. Bawat araw ay nakikipaglaro sila sa hamon ng kalikasan. Sabay...