Chapter 11

150 29 39
                                    


Five men down, but still theres lot of them lurking and waiting for a chance to get them.

These men are persistent to capture the three of them.

Too consistent to accomplish the order they have.

"WHERE'S Leon?" 

Kaagad na tanong ni Vlad sa guard na bahagya pang nagulat sa pagsasalita niya. Kasunod ang pamumutla at pagpapawis nito dahil sa kaba. 

Kilala ng guard si Vladimyr bilang prankang tao. Ayaw nito nasasayang ang oras niya lalo na kapag importanteng bagay. Dagdag pa ang nakaka kaba na katangian nito na palaging pinapaalala ng boss nila sa kanila na mga dapat gawin kapag nandito si Vladimyr. 

"M-madam..." Nangangatog na sambit nito. 

Napailing na lang si Vladimyr dahil sa ikinilos ng guard ni Leon. 

"Never mind." Hindi na inintindi ni Vladimyr ang guard. Nag-alala siyang baka maihi pa ito sa sobrang takot. Dumeretso agad siya sa opisina ni Leon kung saan hindi siya naawat ng sekretarya nito sa pagpasok sa loob. 

"Leon!" 

Umalingawngaw ang malakas na boses ni Vladimyr pagpasok nya sa opisina nito. Pero natigilan din siya kaagad pagka kita sa dalawang natigilan sa biglaang pagpasok niya. 

Sabay na napalingon kay Vladimyr ang dalawang abala sa pribadong ginagawa, kasunod ang pag bilog ng mga mata ng mga ito sa sobrang gulat ng biglang niyang pag dating. Napailing at natatawang tumalikod si Vladimyr para bigyan ng privacy ang dalawa. 

"Ang ganda ng timing ko ‘di ba?" Nanunukso niyang sabi na may nag-iinis ding ngiti. 

Natataranta na umayos ng tayo si Leon at itinaas ang pantalon. Agad isinara nito habang pinapa alis ang babaeng walang kahit anong takip sa katawan.

"What the hell Vladimyr!" Asik ni Leon.

"Okay, pasensya na sa ginawa ko. Hindi ko na naman kasi alam na may private moment ka." 

"Pwede ka naman kumatok. At andyan naman ang secretarya ko para ma-inform naman ako na papasok ka. Hindi yung bigla-bigla ka na lang susulpot na parang parang pag-aari mo ang opisina ko." Mahabang sikmat ni Leon saka tinapunan ng matalim na tingin si Vladimyr. 

"Hindi nga ba Leon? Hindi ba at partners tayo dito? So technically, opisina ko rin ito." 

"Opisina ko rin 'to."

Umirap si Vladimyr sa hangin dahil sa sinabi ni Leon. 

"Kasalanan mo yan. Ang aga-aga iba tinatrabaho mo?" Aniya. "Hindi ka pa naglo-lock ng pinto. At pwede ba, hindi ako marunong kumatok, gusto kong ipaalala sa'yo." kaswal na wika ni Vladimyr. 

"Yan ang problema sa'yo. Subukan mo kayang pag-aralan?" He paused. "Isa pa masarap gawin ito sa umaga. Alam mo ang ibig kong sabihin, Vlad." 

Humalukipkip si Vladimyr habang nananatiling nakatalikod at naghihintay matapos magbihis si Leon.

"Wala naman talaga akong pakialam kung anong ginagawa mo sa opisina mo, Leon. Kahit gawin mo pa ito sa harap ko o gawing motel ang opisina mo. Ang pakay ko lang dito ay ang bagong sasakyan." 

Dinig ni Vladimyr ang pagtaboy ni Leon sa ka partner nitong babae na agad tumakbo sa private room.

Naiinip na bumuntong hininga si Vladimyr. 

"Bilisan mo nga magbihis— Leon?" 

"What's the real reason of your early visit, Vlad?" Tanong ni Leon habang naglalakad palapit sa kaniya. "You better make sure it's worthy. That you really ruin my private moment for this. Alalahanin mong nabitin ako kaya ikaw ang sisingilin ko." wika nito sa mababa at may nang-aakit na tono. 

The Crazy, Rich Madame(Under Editing) Where stories live. Discover now