Chapter 13 "Sanga-sangang mga Kasalanan"

16 1 0
                                    

Chapter 13 "Sanga-sangang mga Kasalanan"

(Habang nagdadrive ay nagring ang cellphone ni Maristela, at nang makita niyang si Erson ang tumawag ay sinagot niya ito...)

Erson: Hello?

Maristela: Erson kumusta ka na?

Erson: Ok lang naman ako. Ikaw ba diyan?

Maristela: Gumagana na ang mga plano ko, at natutuwa ako, kaunti na lang ay magbabayad na si Almond.

(Nanahimik si Erson...)

Maristela: Malapit nang bumagsak ang mga Lobregat, lalong lalo na si Almond. Pagbabayaran na niya ang panggagahasa niya sa akin at ang pagnakaw niya sa anak ko. Oo, Anak ko ang dahil ako lang ang naghirap!

(Tuluyan nang naluha si Erson, pigil ang mga hikbi...)

Erson: Nagdadrive ka diba? Saan ka ba pupunta? Gabi na ah.

Maristela: As usual, plano kong sirain ang gabi nina Almond at Bernice. Imbes na sila ang lang ang nasa hotel, makakasama nila ako. Hindi alam ni Bernice na ang karibal niya ay nasa kabilang kuwarto lang.

Erson: Anong ibig mong sabihin?

Maristela: Noong nagpareserba sila ng hotel room, nakikinig ako at nang matapos ang pagpapareserve niya ay tumawag ako para imbes na isang kwarto ay dalawang kwarto ang pinareserba ko. Magkatabing Kuwarto.

Erson: Pupuntahan kita sa hotel.

Maristela: Bakit?

Erson: Gusto kitang makausap.

Maristela: Nag-uusap na tayo?

Erson: Mas gusto kong personal, tutal madalang na tayo magkita.

Maristela: Ok, sige.

(At nang makarating silang pareho ay nagkita sila sa Cafe ng Hotel...)

Erson: (Kumaway kay Maristela) Dito!

Maristela: (Lumapit at naupo) Hinihintay ko na lang ang mga isa o dalawang oras, aagawin ko si Almond ulit sa asawa niya ngayong gabi.

Erson: Naaatim mong ang gumahasa sa iyo ang nakakasiping mo ng paulit-ulit?

Maristela: Minamanhid ko ang sarili ko, hanggang sa tuluyan akong maging matigas, para kapag inilabas ko na ang katotohanan tungkol sa batang si Jessie ay wala nang kabutihang maiiwan sa katawan ko, nang matuloy na ang paghihiganti ko.

Erson: Kung hindi lang nakidnap si Baby Margaret, matagal na sana tayong nagbagong-buhay gamit ang perang ipinamana sa akin ng amo ko. Hindi mo sana kailangang magkaganyan.

Maristela: Pero nangyari na ang mga nangyari.

Erson: Pero paano kung napapamahal ka na sa kanya?

Maristela: Pipigilan ko. Tututulan ko ang mismong puso ko. Kahit mahirap.

(Tumayo si Erson at niyakap si Maristela...)

Maristela: (Pumipiglas) Erson, please, wag mo akong yakapin, ayokong maramdaman na mahina ako, na kailangan kita, gusto kong maging malakas at gusto kong walang ibang masandalan kundi ang aking sarili.

Erson: (Umiiyak, sa isip) Maristela, ako ang gumahasa sa iyo, sa akin ka dapat magalit, Ako ang sumira sa buhay mo!

Maristela: (Tumayo) I'll stay in my room na, Bukas na lang tayo mag-usap, Erson.

Erson: Nasasaktan akong makita kang ganyan, Maristela. Sobra akong nasasaktan dahil mahal kita, mahal na mahal.

(Hindi pinansin ni Maristela ang sinabi niya at tuloy tuloy lamang na naglakad...)

Ika - 8 UtosHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin