Still Hurting

246 10 1
                                    

Part11

Bago pa ko matamaan ni Cherry. Bigla nalang may yumakap saken saka ako hinila paatras.

"Oh!" Hiyaw ko.

"Bwisit ka Agnes! Hayop kayo Vince! Sabi mo Mahal mo ko!" Sigaw ni Cherry.

Si Vince pala tong may yakap-yakap saken ngayon.
Inilayo nya ko bago matamaan ni Cherry tong Tyan ko.

"Wala akong sinasabi sayo Cherry na ganon." Sabi ni Vince.

"Meron Vince! Meron! Sabi mo Mahal mo ko habang nakapatong ka saken!" Iyak ni Cherry.

"Wala yata kong matandaan na may sinabi akong ganon? Never pa kitang sinabihan ng ganon Cherry. Wag kang gumawa ng Kwento." Sabi ni Vince.

"Meron Vince! Hindi mo sinasabi pero pinaparamdam mo yun saken! Alam kong Mahal mo ko!" Iyak ni Cherry.

Umatras na kame ni Vince kasama si Hero.
Naglakad kameng tatlo para makalayo kay Cherry. Balak na namen syang iwanan.

*

Nagpunta kame dito sa Bahay ni Vince.
Nanlalambot ako habang inaalala yung huling pasok ko sa bahay na to.

"Maupo ka muna Agnes. Bakit kase nagpunta ka pa sa Club? Anong oras na ah. Tyaka baka mahamugan ka." Sabi ni Vince.

"Gusto ko lang ipakita kay Cherry kung sinong nagwagi. Alam mo? Dapat hindi muna tayo umalis e. Para nakaganti pa ko kay Cherry! Gustong gusto ko syang bugbugin." Sabi ko.

Ewan ko ba pero tinatawanan ako ni Vince ngayon.
Pati si Hero nahahawa sa kanya. Wala akong magawa kundi tumahimik. Masyado yatang War Freak ang pagkakasabi ko samantalang hindi ako ganitong klaseng Babae.

"Agnes, kaya kong umiwas kay Cherry? Tyaka hindi naman ako ganoong Lasing na lasing o bangag e. Kaya ko syang itaboy. Kaya kong umayaw sa pag-aya nya saken kanina." Sabi ni Vince.

"Kaya? Kung hindi pa ko dumating hindi kayo matatapos sa sigawan nyo! Sus. Maka-uwi na nga." Sabi ko sabay tayo sa kinauupuan ko.

"Hindi ka uuwi... Dito ka na magpahinga." Sabi nya.

"Nako, wag na. Ayoko din dito. May naaalala akong kataksilan." Sabi ko.

Dun sa sinabi ko natameme si Vince at napakamot ulo pa. Tawang-tawa tuloy si Hero dahil palaban na ko ngayon. Alam din nyang mahiyain ako saka hindi marunong Sumagot o Bumanat.

"Agnes. Ihahatid na kita. Delikado na sa Daan e." Sabi ni Vince.

"Hindi na. Lasing ka na. Magpahinga ka nalang. Wag kang matakot na baka may mangyare sa Anak mo. Kaya ko sarili ko." Sabi ko.

*

Hindi nya ko pinayagan umalis.
Nagpaalam na si Hero na uuwi na ito sa Condo hanggang sa naiwan na kame ni Vince dito sa Sala.

"Bakit ayaw mo kong pauwiin? Ayoko dito." Sabi ko.

"Yung sa Kwarto ko ba yung inaalala mo ah? Yung nakita mo si Cherry na nakahiga dun. Yun ba?" Sabi nito.

"Hindi lang dun... Halos lahat lahat. Nakikita ko yung makapal nyang Mukha saan sulok man ng Pamamahay na to. Kaya ayoko dito." Sabi ko.

"Agnes, sa Kwarto ko lang dinadala si Cherry. Okay? Tyaka, wag kang mandiri. Pinalinis ko maigi yung Kwarto ko. Yung Sapin na ginamit namen ni Cherry inalis ko na. Wala na yun." Sabi nito.

"Hindi mo ko masisisi Vince... Ayoko na umapak dito simula nung mahuli ko kayo ni Cherry. Ngayon, aalis na ko. Kailangan ko nang magpahinga." Sabi ko.

"D-Dun ka nalang sa Guest Room kung ayaw mo sa kwarto ko. Promise hindi nakakapasok si Cherry dun." Sabi nito.

Napakakulit Ni Vince.
Isusumbong pa daw nya ko sa Mommy at Daddy nya na lumalabas ako ng Bahay ng ganitong oras.
Nagtalo pa kameng dalawa sa Banta nyang yun hanggang sa tawanan na nya ko't buhatin. Dinala ako ni Vince sa Guest Room katabi lang ng Kwarto nya.

"Hays." Bulong ko.

Hindi na ko nagreklamo pa. Wala din naman kase kong magagawa kundi sumunod para na din kay Baby to. Isa pa, delikado nga naman na sa labas. Madilim na at baka may masamang loob pang magtangka sa Gaya kong...

"Dyosa kase ko kaya natatakot kang may bumastos saken..." Sabi ko habang yakap-yakap si Vince.

Dahan-dahan nya kong hiniga dito sa Kama.
Pagkabitaw nya saken. Nahiga sya't tinabihan pa ko saka niyakap. Dito nakapwesto si Vince sa Kaliwang Banda ko.

"Hindi ka naman kase Panget. Ang puti puti mo pa tyaka makinis. Ganyan mga datingan mo mamanyakin ng mga Lalake." Sabi nito.

"Ganun ba. O e bakit nakayakap ka ngayon saken ah." Sabi ko.

"Grabe, ang Laki na ng Tyan mo." Sabi nitong kinakapa kapa pa tong Baby Bump ko.

Biglang Change Topic si Vince sa tanong kong bakit sya nakayakap saken ngayon. Hindi ko nalang inintindi at nauwi sa pagbubuntis ko yung Usapan namen.

"Magsi 6 Months na to. Sa susunod na Check Up malalaman na naten yung Gender ni Baby." Sabi ko.

"Nakaka-excite. Sana Baby Boy." Sabi nito.

"Ay, sana Baby Girl." Sabi ko.

"Baby Boy yan. Hehe."

"Baby Girl to. Hihi."

"Boy."

"Girl."

Nagtitigan kame saka biglang natawa.
Nagpatuloy kameng dalawa sa pagtatalo hanggang sa abutan na kame ng Antok.

*

Paggising ko.
Hindi ko inaasahan na makikitang bubungad saken tong magandang mukha ni Vince. Nakangiti sya habang naka-upo dun sa Couch.

"Hey." Sabi nya.

"H-Hey. G-Good morning. Anong oras na?" Sabi ko.

"Oh, uhm. 9:49. Nagtext na ko kay Kenneth. Sabi ko hindi ka na muna papasok. Magmula ngayon, titigil ka na sa pagtatrabaho." Sabi nya.

Nanla-laki ang mga Mata ko sa sinabi ni Vince kaya napabangon ako dito sa pagkakahiga.

"A-Ano? Hindi pwede yun Vince. Nag-iipon ako e." Sabi ko.

"I know. I can help you with everything you need. Wag ka nang magtrabaho. Alagaan mo lang yang sarili mo pati si Baby. Se-swelduhan kita." Sabi nya.

"N-Nako. Hindi na. Katuwang ko na nga si Kuya sa lahat e. T-Tyaka, hindi naman pepwede yung ganon." Sabi ko.

"Hmm. Bakit naman hindi pwede? Ako Tatay nyan dapat ako yung gumagawa ng paraan para parehas kayong Safe and Healthy." Sabi nya.

"Safe naman kame tyaka Healthy ah." Sabi ko.

"Safe nga Anemic naman." Sabi nya.

"M-Mawawala naman yung pagiging Anemic ko basta kailangan mag Vitamins e." Sabi ko.

Nagtalo tuloy kame ni Vince.
May gusto kase itong mangyare at yun yung lilipat ako dito sa kanya para may kasama akong kasambahay.
Pinaglaban ko naman yung karapatan kong Ayaw ko na dito sa Bahay na to dahil sa Ahas na si Cherry. Laging ipinagdidiinan ni Vince na malinis na tong Bahay at wala na ngang naiwan na Amoy ni Cherry.

"Basta. Ayaw ko. Tyaka pangit naman kung magsasama tayo sa iisang Bahay Vince? Hindi naman tayo mag-asawa ah." Sabi ko.

"Dun din tayo papunta Agnes." Sabi nya.

"Ha?! Anong pinagsasasabi mo." Sabi ko.

"Mahal mo pa ba ko Agnes??" Sabi nya.

"Vince, anong klaseng tanong yan. Alam mo, gusto kong kumain ngayon." Sabi ko.

Hindi na sya nagsalita pa.
Basta nalang akong tumayo saka naglakad at lumabas dito sa Kwarto.

*

Tahimik tuloy si Vince ngayon habang kumakain kame ng agahan.

"Vince. May problema ba?" Sabi ko.

Umiling-iling lang sya habang ngumunguya.
Hindi na nya ko tinitignan ngayon. Basta tahimik lang sya. Pakiramdam ko tuloy may Mali nanaman akong sinabi kagaya ng Dati kaya nauuwi kame sa walang kibuan...

Hey (COMPLETE)Where stories live. Discover now