Chapter 7

52 3 0
                                    

Liveid High Academy

- - * * - -

Cyane Xue points of view

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa lakas ng katok mula sa labas ng pintuan ng kwarto ko.

Pakiramdam ko lumilindol ang mundo ko dahil sa ginawa kong biglaang pagbangon.

Pakiramdam ko din halos kakapikit pa lang ng mata ko upang matulog pero heto't may gumambala sa pagtulog ko.

"Xue wake up., mali-late na tayo." rinig kong sambit ni Wynn mula sa labas.

Kahit nanghihina ako, pinilit ko pa ring bumangon at pagbuksan siya ng pintuan.

Bumungad kaagad ang amoy strawberry niyang pabango na ikinakulo na naman ng tiyan ko.

"Oops! Your tummy is hungry. Maligo ka na para makakain na tayo." suhestiyon niya bago ako itulak papasok ng banyo. Medyo nanibago pa ako sa mood niya ngayon dahil iba ito sa pinakita niyang kabaliwan kahapon pero hindi ko na lang iyon inisip pa. Marahil weird lang talaga ang mga tao sa paaralang ito.

Habang nababasa ng malamig na tubig ang katawan ko, bigla ko na namang naalala ang nangyari sa dorm kahapon nung nagbalak siyang magluto.

Napabilis tuloy ang pagsabon ko sa katawan at paglagay ng shampoo sa buhok ko sa imahinasyong tumatakbo ngayon sa isipan ko.

Lintek! Baka magkasunog na naman.

Pagkalabas ko ng banyo, nakalatag na kaagad ang susuotin kong uniforme sa kama.

Nagtaka tuloy akong napatingin kay Wynn na tahimik lang na parang nanunuod sa bawat galaw ko.

"Ah.. Wynn magbibihis na ako." pilit na ngiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti din siya sa akin at tumango. Ang weird niya talaga. 

Kumunot ang kilay ko sa kanya. Gusto niya ba akong panooring magbihis?

"Ah.. ..o-okay. I'll wait for you outside. Bilisan mo okay?" malumanay niyang sambit bago nagmartsa palabas ng kwarto ko.

Napaikot na lang ang mata ko sa kanya. Ano kaya ang kailangan niya at ang bait niya ngayon? May kabayaran kaya ang pinapakita niyang maganda sa akin ngayon?

Matapos kong mag-ayos, kinuha ko na ang itim kong backpack na pinaglagyan ko ng mga gamit sa school at lumabas na ng kwarto.

Naabutan ko namang nakapangalumbaba si Wynn sa lamesa habang nakaupo sa may kataasang upuan.

"Wow! Hello gorgeous. Bagay na bagay sayo ang uniform natin Xue. My gosh. Mas lalo kang sumekse." eksaherada nitong reaction ng makita ako.

Inikutan ko ulit siya ng mata.

"What do you want Wynn?" mataray kong tanong. Bigla tuloy akong napa-englis dahil sa kanya.

"Oh.. ..hahaha! Grabe ka naman. I'm just stating the fact may kailangan na kaagad?" kunwari nagtatampo niyang sabi.

"Okay.. ..okay." pagsuko ko. Napatingin ako sa lamesa dahil ang akala ko may nakahanda na siyang pagkain noong inaya niya ako kanina.

Napansin naman niyang nangunot ang kilay ko habang nakatingin sa lamesa kaya peke siyang napatawa.

"Ah.. ..hihi. You already know I can't cook. Baka masunog ulit ang dorm." nahihiya niyang sabi. "Can you cook?" kagat-labi niyang dagdag.

Napangiwi naman ako sa tanong niya. May alam ako sa pagluluto pero konte lang ang alam kong lutuin. Sa madaling salita puro prito lang ang kaya ko at tsamba-tsambang adobo.

Liveid High Academy (the present time)Where stories live. Discover now