Chapter 3- Playing with fire

2K 37 19
                                    

             “Perfect! Just perfect! Guys, you have a great chemistry! Hindi na ako makapaghintay na ma-publish itong magazine na ‘to!” Sabi ni Marc nang matapos ang pictorial nina Sarah at Matteo. Sinalubong siya ni Kate at sinuot sa kanya ang robe niya. Habang si Matteo naman ay tinignan ang shots ni Marc sa laptop nito.

“Hindi ko na kailangang mag-instruct masyado sa inyo. If I did not know guys, iisipin kong kayo ang may relasyon eh.” Sabi ni Marc at humalakhak din ito.

“Sarah’s so beautiful, isn’t she?” Sabi ni Matteo kay Marc ngunit sa kanya naman tumingin ito. Nag-iwas siya ng tingin at kunwari ay inaayos ang robe nya.

“May dapat ka bang ikwento sa akin, Bebe?” Sabi ni Kaye na katabi lang pala niya at nakatingin pala sa kanya.

“H-Ha ate? Ano n-naman yun? Wala noh.” Paiwas niyang sabi at ayaw man niya ay napasulyap siyang muli kay Matteo na hindi inaalis ang tingin sa kanya.

“Mukhang meron kasi. But I won’t pressure you to tell me.” Ngumiti ito ng makahulugan ngunit hindi na nagtanong pa.

“Iba ka na talaga, Sarah! Look at your shots, come here.” Tawag sa kanya ni Marc. Lumapit siya sa mga ito. Tumabi siya sa kanan ni Marc na nakaupo, si Matteo ay nasa kaliwa nito. Nagba-browse sila ng pictures nila nang mapansin ni Matteo ang isang shot nila, it goes like this: Sarah and Matteo staring at each other face to face, her hands resting on his chest, while his arms wrapped around her waist.

“This is my favorite shot, sir. Pakisama naman po  ito sa Mag, please, sir.” Pakiusap ni Matteo kay Marc.

Tumawa naman si Marc. “We’ll see about that, Matteo. Ikaw Sarah, may request ka din ba?”

Umiling siya. “Lahat po maganda, Sir Marc.” She just smiled.

“Sarah,  may tumatawag sa phone mo. Sasagutin ko ba?” Tanong sa kanya ni Kaye habang hawak nito ang cellphone niya. Nahalata niyang si Gerry ang tumatawag base sa ngiti ng kaibigan. She excused herself to Matteo and Marc. Kinuha niya kay Kaye ang phone at umupo sa bakanteng upuan doon. Inayos na lang ni Kaye ang mga gamit nila at umalis na rin ito. Malamang ay nagpunta na sa dressing room nila para maghanda na para umalis.

“Hello?” Sabi niya.

“Love, how was your day?” Sabi ni Gerry sa kabilang linya.

Napabuntong-hininga siya. “It was tiring, but nag-enjoy naman ako. Kami..”

“Hindi ka naman pinahirapan diyan? Solo mo pa naman yung pictorial.” May lambing na sabi nito.

“Ayun nga ang sasabihin ko, love.. hindi ko pala solo yung pictorial. They partnered me to a newcomer. Uhm, wala ka namang dapat ika-worry. Ako na ang magsasabi na okay yung shots.” Napasulyap siyang muli kay Matteo nang dumaan ito sa harap niya. Alam naman niya sigurong I am with someone now. He would not dare to flirt with me. And besides, we are over years ago pa. What the.. ano bang iniisip mo Sarah?!

“Thank you, love. Because of that I won’t be jealous. I love you..”

“There’s no reason to be jealous, love.”

“I know, I know..love mo ako di ba?”

“O-Of course..”

Nagulat siya nang biglang bumulong sa kanya si Matteo na nasa likuran na pala niya. He just said. “Later” at umalis na rin itong bigla.

“Ah..later..later na, love..” Nasabi na lang niyang bigla. Tinignan niyang muli si Matteo na mukhang pabalik na sa dressing room nito, si Marc naman ay inaayos na ang mga gamit nito, mukhang naghahanda na rin upang umalis. Crap!

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jan 02, 2013 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

Thinking of youOù les histoires vivent. Découvrez maintenant