Chapter 20

815 11 3
                                    

I've been living with Ellery for two years now. I also graduated in Nursing sa Horiado University dahil ayaw ko namang masayang ang binayaran ni Papa. For the past years ay hindi ko pa rin nakikita ang magulang ni Ellery dahil nasa Spain pa rin daw ito. Hinayaan ko na lang dahil sabi ko nga ay darating din ang araw na makikilala ko sila.

These past months, he became very demanding. Lagi siyang insecure sa sarili niya kesyo wala daw akong oras sa kaniya dahil sa trabaho ko sa ospital. Kesyo na-busy ako noon dahil sa training ko sa martial arts at pag-aaral. Marami siyang dahilan at ang lagi niyang sinasabi na rason ko raw kuno ay nanawa na ako sa kaniya, pumangit na siya, etc.

Kahit na ang pakikipag-usap ko sa mga Klaras ay para bang bawal sa kaniya kahit na ang pag-uusapan lang naman namin ay tungkol sa kina Syden at Ish na magkapit-bahay raw sa Pampanga. He's controlling me to the point na nakakasakal na. Katulad na lang ngayon na halos magdemand siya ng oras sa akin gayong nasa ospital ako at nasa gitna pa ng shift ko.

Ellery:

Please, baby come home now. I feel so alone, nawawalan ka na ng oras sa akin. May iba ka na ba? Pinagpalit mo na ba ako? Hindi ba ako sapat?

Halos mabuhol na ang mata ko sa pag-irap ko sa kaniya. Nag-fifteen minute break lang ako dahil sa may tawag daw ng tawag sa akin at naririnig nila ang pag-ring ng phone ko sa loob ng locket ko. Turns out that it was Ellery who kept pestering me during my working hours.

Nagtipa ako ng mensahe sa kaniya dahil naiinis na ako sa sobrang dami niyang demand!

Ako:

Para kang gago! Malapit na matapos ang shift ko. Maghintay ka dyan!

Matapos kong i-send ang mensahe ko sa kaniya ay si-nilent ko na ito at inilagay sa loob ng locker ko para daluhan na ang mga pasyente.

Wala pa akong isang taon sa pagiging nurse pero masasabi kong sobrang hirap nito at sobrang nakakapuyat. I just wanna do this so I could fulfill my promise for Papa. Masaya din ako kapag nakakakita ng mga pasyenteng gumagaling dahil sa pagtulong ko. Slowly, I understood every patient's pain and also their sufferings. Hearing their stories melts my heart. It makes me realize that I am not the only person who suffer so bad in this world.

Sa totoo lang ay minahal ko na ang trabaho na 'to kahit noong mga una pa lang ay para akong mamamatay sa sobrang hirap at pagod. There's this feeling of fulfillment and achievement na magiging dahilan mo para sumaya ka pa. My life isn't fulfilled yet, I still want 3 or 4 more years bago ako magsettle na talaga at gumawa ng sariling pamilya. Nag-iipon na din ako dahil gusto kong magpagawa ng bahay namin ni Ellery. I'm also saving money for our wedding, for our future children, at marami pang iba. I want to earn for myself dahil wala akong ibang choice din kasi ako na lang ang nagtataguyod sa sarili ko. Though for the past years ay nagpart time ako sa mga convenience stores, sa mga bars, at kung saan-saan pa. I never tried to ask money for Ellery or even accepted what he wanted to give because I wanna be independent.

"Out mo na?" tanong sa akin ni Kim na katrabaho ko rin.

"Yup,"

"Susunduin ka ng jowa mo?"

"Hindi ako sure, e'. We'll see~" sambit ko sa kaniya.

After I made sure na ready na ako sa pag-uwi ay tinignan ko ang pambisig kong relo at nakitang alas dose na ng gabi. Agad kong isinukbit ang backpack ko sa isa kong balikat at lumarga na habang tinitignan ang mga mensahe ng klara tungkol sa nausong laro na ML pati na rin ang pagyaya ng iba para sa inuman. Minsan pa'y may naliligaw na chismis galing sa chismosa ng taon na si Kath.

Napailing na lang ako sa mga pinagsasasabi nila. Over the past years ay mas naging malapit kaming lima sa isa't isa. Magkakasama din kasi kaming magtraining ng Martial Arts kahit na sobra kaming nahihirapan sa lahat ng combat fights. May isang magchi-cheer up sa amin na si Madi. May isang manlalait na itatago ko na lang sa pangalang Tiff. May isang puro reklamo lang na si Calisle. At si Kath na taga-bili ng pagkain namin kahit na on-diet kami kaya ang ending ay araw-araw naming cheat day. Habang ako naman ay ganda lang at kompyansa sa sarili ang ambag.

Relentless DeceptionWhere stories live. Discover now