CHAPTER 4

81 7 2
                                    



FOUR YEARS LATER...

"RIRI!" malakas at galit na sigaw ni Johnny nang sa paghawak niya sa doorknob ng bathroom sa loob ng silid niya ay biglang gumapang ang kuryente sa kamay niya. Bagamat mahina ay dinig na dinig niya ang papalayong hagikhik ng dalagitang inilagay yata sa mundo para padaliin ang buhay niya.

"Buksan mo ito, Dorinda Marie Navarre! I swear, sasakalin kita pagkalabas ko rito! Riri!!!" gigil na banta niya habang hinahampas ang pintong ikinandado nito mula sa labas.

Hahawakan sana ulit niya ang knob pero 'di na niya itinuloy nang maaalalang nakakabit pa doon ang joy buzzer na naglalabas ng mild electric shock na paboritong laruan nito ngayon matapos pagsawaan ang disappearing ink na minsan nitong ini-squirt sa suot niyang polo noon.

Ang tanga kasi niya. Dapat kaninang bago pa siya pumasok ng bathroom ay ini-lock na niya ang pinto ng kwarto niya para hindi ito nakapasok. On second thought, useless din pala iyon dahil marunong itong mag-pick ng locks, thanks to her new friend Syn na dati yatang akyat-bahay gang o 'di kaya'y delinquent na takas sa dami ng alam na tricks na 'useful para sa isang criminal.

But that was impossible dahil tulad ng ina ni Riri, kaibigan rin ng ina niya ang ina ni Syn na si Aunt Salve. She and her husband, Edison, bought a house not far from theirs kaya nagkakilala sina Syn at Riri much to his utter annoyance. Kaya naman imposibleng may lahing kriminal si Syn sa kabila ng kung ano-anong tricks na alam nito. Mga doktor ang mga magulang nito, hindi sindikato.

Kung noon ay si Riri lang ang madalas na nambibiwisit sa kanya, ngayon kakampi pa nito si Syn. Hate at first sight ang nangyari dito at sa binata since parehong maloko at hobby ng mga itong gumawa ng practical jokes sa ibang tao, naging rivals ito sa kung sino ang may mas imaginataive tricks.

Ayos sana sa kanya iyon noong umpisa dahil for a while ay kay Syn na-focus ang kapilyahan ni Riri. Pero nang magpasya ang mga itong mag-join forces at siya ang pestehin, seryoso niyang napag-isipang mag-migrate sa ibang bansa and to hell with the family business that he is now starting to learn how to manage.

"Johnny?" nag-aalala ang tinig na iyon ni Nanay Pinty, ang yaya niyang hanggang ngayon ay nakapisan pa rin sa kanila, mula sa mismong tapat ng bathroom door. Iniwan yata ni Riri na nakabukas ang pinto kaya marahil narinig nito ang pagtutungayaw niya.

"Nanay! Buksan ninyo ang pinto! Ini-lock ako ni Riri dito---"

Pabiglang bumukas ang pinto sa pagkagulat niya.

"Ano'ng ini-lock eh bukas naman?" kunot-noong turan nito.

"Salot talaga ang babae na 'yon!" gigil na aniya habang ini-inspeksyon ang knob. "Hihiwain ko siya ng pinong-pino bago ipakain sa mga arwana ko!" pagbubusa niya bago nagmartsa palabas ngunit sinawata siya ni Nanay Pinty.

"At ba't ka paparada sa labas ng ganyan ang hitsura?! Sino ka sa akala mo?! Pornstar king ka ba?!" ang naeeskandalong bulyaw sa kanya ni Nanay Pinty.

Noon lang naalala ni Johnny na twalya lang pala ang suot niya sa baywang. Pumihit agad siya sa walk-in closet at dali-daling nagbihis. Duda siyang maaabutan pa niya si Riri o kung maabutan man niya, tiyak nakahingi na ito ng back-up mula sa Mom niyang isa rin sa mga punong taga-spoil at taga-kunsinti ng mga kalokohan nito. He wouldn't be able to teach her a much deserved lesson with his mother around to defend her.


WINTER WEDDINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon