Simula

0 1 0
                                        

“Mama, mag-iingat kayo rito habang wala ako, ah. Mamimiss ko kayo.” saad ni Dani, animong nagpapaalam.

“Bastaʼt abutin mo mga pangarap mo roʼn, mas lalo mong ingatan ang sarili mo dahil wala ako sa tabi mo, 'nak. Tunawag ka kung hindi ka busy, ha?” ang kaniyang ina, halatang nagpipigil ng luha habang pinipisil ang mga braso ni Dani.

Doon na naluha si Dani, hindi pa siya nakaranas ng ganitong pagpapaalam dahil alam niyang ngayon, matagal siyang malalayo sa pamilya niya.

“Opo, sige na po. Nandiyan na 'yung taxi, hehe ba-bye, ma! Love you!”

Pagsakay ng taxi ay kumaway siyang muli sa mama niya. Nalulungkot din siya dahil may pasok ang mga kapatid niya at kaninang madaling araw pa sila nakapag-paalamanan.

Ngunit lahat ng lungkot na yaoʼy napapalitan sa tʼwing maiisip niyang sa bansang pangarap niyang puntahan siya tutungo.

Saang pasyalan kaya ako pupunta pagdating doʼn? hindi siya magkandaugaga na isipin kung paano siya magse-selfie sa Namsan Tower, pati na rin sa Han River.

Huling langhap ko na 'to sa hangin ng Pinas, todo 'ko na, haha!  Matagal-tagal din siyang hindi makakalanghap ng hangin ng Pinas, sa isip niya.

Lahat talaga ng paraan para maipamukha niya sa sarili niyang maaabot niya na ang pangarap niya sa South Korea, ginagawa niya na. Mahirap pa rin na tanggapin na nakapasa siya roʼn—dahil sa tuwa, naiiyak pa rin siya.

“Huh?” sambit niya sa sarili, sa ikatlong tingin niya sa metro ng taxi, nasa tatlong libo na ang babayaran niya, eh nasa halos dalawang kilometro palang ang tinakbo namin, ah, wala pang traffic niyan!

Mas nakakaiyak na ang bilis tumaas ng presyo sa metro ng taxi na nasakyan niya.

“Manong, parang ang mahal naman sobra ng babayaran ko niyan pagdating sa Airport...?” nag-aalangang tanong niya habang kinakamot pa ang sentido.

“Naku, hija hindi. Ganʼyan talaga 'pag sumakay ka sa de-metrong taxi, kung anoʼng lumabas diyan na numero, 'yon ang babayaran mo.” nakangiting saad ng driver.

Mukha naman siyang walang gagawing masama sa 'kin, kundi ang dayain ako, hahaha!

Hinayaan ni Dani ang metrong umandar kahit na alam niyang may daya iyon, maya-maya ay nagiging apat na libo ito at tumataas pa, maya-maya ay nagiging dalawang libong mahigit lang, ipinagdasal niyang sana ay mababa ang lumabas bago siya bumaba.

Natanaw niya na ang terminal 2 kaya nag-handa na siyang bumaba.

Isang malaking maleta at duffle bag lang ang dala niya, pero maraming laman ang mga 'yon dahil sa maliliit na pagtiklop niya.

What the— umabot sa siyam na libo ang babayaran niya habang naghahanap ng mabababaan niya ang driver, nadaan pa sila sa lubak ng kalsada kaya tumaas pa at naging 9, 745, hindi siya makapaniwalang ganoʼn kalaki ang babayaran niya.

“Manong, hindi na ba pʼwedeng babaan pa ang bayad, sobrang taas naman ho niyan, eh.” pakiusap ni Dani.

“Ang patakaran kasi hija, kung anoʼng lumabas, 'yon ang babayaran. Nagbabase lang din ako riyan.” magalang na saad ng driver.

Mukha siyang inosente pero grabe makapangotong!

“S-sige manong, pero sa may tapat ho ng tawiran nʼyo na 'ko ibaba para sakto na ho.” binilang niya na ang pocket money na twenty-thousand na ipinangutang ng mama niya.

Grabe, kalahati agad ang mababawas nandito palang ako sa Pinas.

Iaabot na niya sana ang pera sa driver nang mauntog siya sa sandalan ng seat dahil sa pag daan ng taxi sa lubak.

Pinulot niya 'uli ang pera saka iniabot ang kamay.

Nang tignan niya ang metro, 294 pesos nalang babayaran niya. Haha!

Binawi niya ang kamay niya at nag-abot ng isang libo sa driver. Inginuso niya ang metro na nasa tatlong daan nalang ang numero.

“Keep the change, manong.” ngiting-ngiting saad pa ni Dani bago bumaba at mahirapan nang legit sa maletang hila-hila niya.

Kahit papaano, naawa rin siya sa driver pero kasi, mali pa rin ang ginagawa niyang panloloko ng ibang tao.

Isang oras ang hinintay niya bago siya tuluyang nakasakay ng eroplano. Sa sobrang pagkamangha niya sa nakita ay hindi niya namalayang saglitan lang ang byahe, nabitin pa siya.

Pagbaba ng eroplano, ilang gamit pa niya ang iniayos saka tuluyang naglakad sa loob ng airport.

Hindi maitago sa kaniya ang tuwa, habang naglalakad ay hindi nawawala ang ngiti niya.

“Seoul-eseo jal jinaeda!”
(서울에서 잘 지내다) bati ng mamang may kasamang dalawaaang chikiting na cute!

May iniabot siyang flyer patungkol sa isang kainan dito sa Incheon airport. Kinuha iyon ni Dani saka tinapik ang pisngi ng bata bago umalis.

Waaaa! Mamaaa! Nasa Seoul na nga talaga ako! Sa loob niyaʼy parang may kung anong tumatalon, animoʼy walang paglagyan ang tuwa niya. Nasa Seoul na nga siya, sa bansang dati pinangangarap niya lang.



———

  Hi!

Ang istoryang ito ay isa lamang piksyon na nagmula sa isip kong puno ng imahinasyon.

Ang mga tauhan, karakter, lugar o pangyayari ay walang kinalaman sa sino man o ano man. Lahat ito ay sa isip ko nagmula, oo beh, kasama ng mga dugo at braincellz kOh.

If ever you notice mistakes, grammatical errors, unproper use of punctuation marks, misuse of Korean language, or misspellings of words, please do inform me, I can edit it anytime, I am kinda afraid of criticisms.

And if ever you encounter some inappropriate words, curses or whatever, I am sorry, that's part of the character's development only.

I used the third person's POV on this one 'cause I had a hard time in using the character's POV, hoping this time I'll make it more clear and effective.

I also do have another account here (I have one shot stories there and ongoing stories—I can't open that acc anymore so I decided to start this story in a new acc).

Do NOT PLAGIARIZE, Plagiarism is a crime.

Do not forget to vote and support me!! You will definitely enjoy and love this story! Share GV, spread love, thank you! ❤️

---♡

ENDLESS LEAL - DPaFoLL SERIES #1Where stories live. Discover now