Kabanata 13

77.8K 1.9K 626
                                    

TULUNGAN

Tulala ako habang naglalaba sa may gripo. Hindi pa rin mawala sa sistema ko ang ginawa ni Harry kanina. He kissed me! He literally kissed me! Para saan iyon?

Sinapo ko ang dibdib ko at namilog ang mata ko nang naramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

Hindi. Hindi maaari, Bea. Naka-move on ka na sa kanya. Tandaan mo na nandito lang siya para sa anak ninyo at wala nang iba.

Ipinilig ko na lang ang ulo ko at nagbaba ng tingin sa mga damit na halos hindi pa nakalima.

"Tulungan na kita."

Nanlaki ang mata ko at agad nag-angat ng tingin kay Harry na ngayon ay nakaupo sa kahoy malapit lang sa balde. Ang kanyang pantalon na suot niya ngayon ay nakatupi hanggang tuhod at topless pa siya.

"Ano na naman?" mataray ko na tanong.

Akmang kukuha na siya ng damit sa balde nang bigla ko itong hinablot at inilayo sa kanya. Nagulat siya sa ginawa ko. Agad akong nag-iwas ng tingin at inilapag sa gilid ko ang balde na may lamang mga maruming damit.

"Hindi mo na ako kailangang tulungan!" pagalit kong sinabi at iniwakli ang kamay niya na akmang kukunn ang sabon.

Nilakasan ko ang pag-agos sa tubig at itinapat ang palanggana roon. Bakit naman niya ako tutulungan? Marunong ba siyang maglaba? Asa naman na marunong ang lalaking ito. Pati siguro sa pagluto ay walang nalalaman. Ang tanging alam niya lang ay ang manakit ng damdamin.

He's an asshole! A jerk. Hindi ko maiwasang kwestiyonin ang sarili ko kung bakit ko siya nagustuhan at minahal. Siguro na-scam ako sa pagmumukha kasi sobrang guwapo niya noong college years namin. Misteryoso siya at masungit kaya importante talaga na kilitisin ang tao bago patulan.

"I know how to do it," kalmadong aniya at pilit inabot ang balde na nasa gilid ko.

Inis ko siyang tiningnan. "Ano naman ngayon? Trabaho ko 'to, huwag ka nga mang-agaw! Siguro pati brief mo hindi mo alam paano labhan!"

Hinawakan ko ng mahigpit ang balde at umusog para makalapit ako sa tubig. Ano ba naman ang nilalapit niya rito? Sana mag-focus siya sa anak ko para mas lalo niyang makuha ang loob. Hindi 'yong para siyang aso na sunod nang sunod sa akin.

Narinig ko ang kanyang pagbuntonghininga at pagtikhim. "Are you mad at me because I kissed you?"

Natigilan ako at nanigas sa aking puwesto. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng pisngi ko at halos naging balisa na sa harapan niya. Bakit pa niya pinaalala? Akala niya yata ang nagustuhan ko ang halik niya.

"Hindi ko pinagsisihan na hinalikan kita, Bea," mahina niyang sinabi. "I am your husband."

"Paulit-ulit?" hindi ko maiwasang sabihin iyon. "Hindi ka ba napapagod kaka-remind niyan sa akin?" Halos itapon ko na sa kanya ang hawak ko na sabon. Nag-iwas ako ng tingin at nag-focus na lang sa mga damit.

"But I am still your husband," giit niya pero sa kalmadong paraan.

Biglang kumulo ang dugo ko sa narinig. Galit ko siyang nilingon at itinapon sa kanya ang maruming dammit namin ni Amer pero halos abutin ko na ang mukha niya nang masali ang panty ko na nasa ulo niya. Bago ko pa man makuha ay naunahan na niya ako. Namula ang buong pagmumukha ko at mabilis na tumayo.

"A-Akin na iyan!" Pilit ko siyang abutin pero tumayo rin siya at kunot-noong tiningnan ang hawak niya.

Gulat niya akong binalingan. "Gusto mo ako ang maglaba nito?"

Tinakpan ko ang mukha ko sa hiya at mabilis na inagaw sa kanya ang panty. "W-Wala akong sinabi at h-hindi kita a-asawa!"

Ngumisi siya at bumalik sa pag-upo. Tumingala siya sa akin. "If you say so." He chuckled.

Runaway #3: The Runaway Wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now