Prologue

22 0 0
                                    


"Saan mo balak mag-aral, Driel?" tanong ni Zaac habang tumatambay kami ngayon sa gazeebo sa harap ng junior highschool building.

"Edi kung saan din kayo." sagot nito at kumagat sa turon na hawak niya.

"Basta ako dito lang ako sa Villasol." pagsabat ni Brendon sa usapan.

"Ikaw ba, Magui?" napatingin ako sa kanila na nakatingin sa akin at para bang kung saan ako mag-aaral ay doon din sila.

"Here." tipid kong sagot at bumalik na sa ginuguhit ko sa aking sketchpad.

"Edi sama-sama pa din tayong apat dito." saka nakipag-apiran sa isat't isa.

"Maswerte kayo at hindi pa ako sawa sa mga mukha niyo." pang aasar ko sa kanila.

Paano ba naman kase simula pa lamang grade seven ay magkakasama na kaming apat.

"Mr. Sarmiento, dito sa pinaka likod." sambit ng guro habang inaarrange kami alphabetically. Lumapit naman doon sa upuan ang isang matangkad at morenong lalaki na nakasuot pa ng braces.

"Last for the girls, Ms. Zerafrancia. Sit beside Mr. Sarmiento."

Agad naman akong umupo sa upuan at inayos ang aking bag.

"Last two, Mr. Verano and Mr. Villantes. Sit here." turo ng guro sa dalawang bakanteng upuan sa kanang bahagi ko.

Umupo naman dito ang dalawang lalaki. Ang isa ay nakasalamin at ang isa naman ay may hikaw na siyang ikinabigla ko na bumilog ang aking mata.

"Hala! Hindi ako multo ah!" sambit nimo at umayos ng upo. Tinawanan lang ito ng lalaking nasa kaliwang bahagi ko.

"My name is Brendon." 

"My name is  Magui." sagot ko at ngumiti. Ayoko naman maging rude.

"Mukhang forever seatmates na tayo dito ah." sabi nung lalaking nasa dulo na naka glasses. Bumaling naman kaming tatlo sa kanya.

"Ako pala si Drix Emmanuel, you can call me Driel for short." sabay ngiti nito sa amin.

"Sorry, I forgot to introduce myself. My name is Zaac, from Zion and Isaac. Basta iyon na yon." at tumawa ito.

Natahimik na sila nung nagsalita na naman ang guro sa harapan. Wala pa naman masyadong ganap dahil first day of school palang naman. Puro pagpapakilala lang sa sarili ang naganap kada may papasok na subject teacher.

"Good afternoon. My name is Margarita Celeste Zerafrancia. 12 years old." pagpapakilala ko sa sarili ko. Ako ang pinakahuling magpapakilala kaya medyo hindi na nakakakaba.

"So how are you related to Margo?" tanong ng guro.

"Margo is my older brother." sagot ko. I have an older brother. He is in his tenth grade.

"So you were homeschooled during your elementary? Just like Margo?"

"Yes, Ma'am." sagot ko at pinaupo na ako ng guro.

"Uy same pala tayo. Homeschooled din ako." pabulong na sabi ni Driel.

"Ayos pala. Ako din!" sambit ni Brendon na nasa pagitan naming dalawa.

"I guess we are on the same page." sabay lingon ni Zaac sa amin.

Iyon na ang last subject teacher namin dahil may vacant kami na isang oras hanggang lunch at babalik ulit mamayang 1 pm.

Nasa loob lang ako ng room at kinuha ko ang sketch pad ko at nagpatuloy sa ginuguhit kong scenery. Si Zaac at Brendon ay naglalaro sa phone habang si Driel naman ay naka dukdok sa arm chair niya.

"Ano ba yang baon mo? It's smelly." maarteng sabi nung lalaking kakapasok pa lang sa classroom. Actually, hindi naman mabaho. Hindi nga kami nagreklamo apat dito eh.

"You should throw it away." segunda naman ng babaeng kasama niya. They consist of three guys and two girls. Halatang mga bully at parang magkakaibigan na ng matagal.

"Ang cheap mo, nagbabaon ka eh pwede naman bumili sa canteen." another girl talked at tinakpan ang kanyang ilong.

Parang nahiya ang babae at tinago agad nito sa kanyang bag ang dala niyang tupperware at agad lumabas ng classroom. Napa angat naman ng tingin ang tatlong lalaking katabi ko. 

"Bakit? Masama bang mag baon?" at padabog na kinuha ni Driel ang kanyang lunch box mula sa kanyang bag.

"Oo nga." kinuha rin ni Brendon ang dala niyang baonan. At sinundan din ito ni Zaac. Kinuha ko din ang baonan ko, ginaya ko lang sila.

"What are you? Elementary students?" sabi nung lalaki at tinabig ang lunch box ni Driel at nalaglag ito. Agad namang tumayo si Driel at hinarap yung lalaki. I looked at his id, his name is Mio.

"Ano matapang ka?" sabi ni Driel habang nakikipagsukatan ng tingin kay Mio. 

Agad namang lumapit ang dalawa pang lalaki na kasama ni Mio. Binaba nina Zaac ang kanilang mga telepono at lumapit narin para makigulo. Zaac, Driel and Brendon are tall for a 12 year old kid, not just tall but mas medyo malalaki din ang katawan nito.

"Any problem?" sabi naman ni Zaac at binunggo ang balikat nung isa.

Inagaw ko ang  atensyon nilang tatlo. "Guys, I forgot my water. Can you go with me sa cafeteria?"may tubig naman talaga ako sa loob ng bag. Mabuti naman at isa-isa silang bumaling at sumunod sa akin palabas habang bitbit ang mga lunch box nila.

Pagkadating namin sa hallway ay agad ko silang kina usap "First day palang then makikipag away na kayo."

"Ang yayabang kase. They think they are superior to those scholars. Bad trip nahulog pa tuloy baunan ko." sagot ni  Driel at naglakad na papuntang caffeteria at sinundan nalang namin.

And that's how our friendship started.




To Abide The Debarred LoveWhere stories live. Discover now