1

10 0 0
                                    

Maaga ang uwian naming tuwing huwebes kaya naka tambay muna kami dito sa gazebo habang hinihintay ang mga sundo namin.

"Next month na pala yung entrance exam para sa college." Sabi ni Zaac.

Mas mauuna pa kaming mag exam kesa sa graduation ceremony. Seniors from the university ay pasado na agad, kailangan lang naming mag exam para tignan kung qualified ba kami sa course na gusto kunin. While seniors outside the university, they need to take and pass the exam.

"Oo, kaya kahit qualified na tayo kase privileged tayo ay mag aral pa din kayo. Wag kayong pa peteks-peteks." Pangaral ni Brendon at binato si Zaac ng crumpled paper at bumawi din si Zaac sa kaya.

Kahit mga ganyan ang mga iyan ay matatalino naman. Nasa top 10 ng rankings simula grade seven pa kami.

"Do you have plans this weekend?" tanong ko sa kanila. Aalis sina Mama at Papa papuntang Cebu at maiiwan ako at ang mga katulong. Gusto ko sana silang iinvite sa bahay at tumambay. Kahit hindi ko naman sila iniimbita ay pumupunta padin sila sa bahay at nagugulat nalang ako dahil ginigising nila ako gamit ang spray na may lamang tubig minsan.

"Kahit may plano pa ako hindi ko gagawin kung papapuntahin mo kami sa bahay niyo." Sabi ni Driel at tumawa.

"Siraulo. Aalis si Mama at Papa papuntang Cebu. Apat na araw ata yung conference kaya hindi ako makakasama." Nagsitanguan naman sila na senyales na pupunta sila sa bahay.

Natanaw ko mula sa gate na papasok ang isang wrangler at sinudan ng mga SUV. Sinimulan ko ng iligpit ang gamit ko at nilagay sa bag, ganun din ang ginawa ng tatlo. Nagpaalam muna kami sa isa't-isa bago sumakay sa sariling sasakyan.

Pagdating ko sa bahay ay naabutan ko sina Mama at Papa na nakikipaglaro sa mga aso ko. Nagmano muna ako sa kanila at hinimas isa-isa ang aso ko.

Si Hale ang Siberian husky, si Storm ang German shepherd, si Achilles or Aki naman ang rottweiler at si Saint naman ang American pitbull terrier. Iniwasan kong mag alaga ng babaeng aso dahil kapag nanganak ay hindi ko kayang ipamigay ang puppies dahil madali akong ma attach sa mga ito.

"Ang bango naman ng mga baby ko." Napa upo ako sa grass dahil dinumog nila ako.

"Pupunta dito yung bagong vet nila sa Sabado ng 8 am, ikaw na ang bahala kasi maaga ang alis namin." Sabi ni Mama habang kandong si Saint.

"Bago? Ano nangyari kay Dr. Reyes?" si Dr. Reyes kasi ang resident vet nila simula nung baby pa sila hanggang ngayon na dalawang taon na sila sa akin.

"Lumipat na si Dr. Reyes kaya si Dr. Dela Fuente yung ipinalit ko." Sabi naman ni Papa.

Tumango naman ako at pumunta sa silid ko para linisin ang sarili ko at mag bihis. Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ng mga aso na tapat lang ng room ko at tinignan kung may tubig at pagkain pa ba sila. Dapat ay may laman palagi ang pagkaininan nila dahil kung ano-ano nalang ang nginangatngat ng mga ito kapag gutom sila.

Ubos na ang mga dog food sa mga bowl nila. Dog food for breakfast and lunch at table food naman sila sa gabi. Pinagawan din sila ni Papa ng maliliit na kama kung saan sila natutulog kaya inayos ko ang mga ito. Mayroon ding aircon dito dahil kay Hale. Inayos ko din ang kailang mga laruan na stuff toy ay nilagay sa cart. Our dogs are well trained, lumalabas sila ng bahay kapag iihi or dudumi sila. Marami ang natatakot sa aso ko dahil malalaki at matatalas ang mga ngipin nito at hindi daw ito ang pangkaraniwang aso na dala ng isang babae. So, what?

Pagkatapos ko doon sa kwarto ng mga aso ay bumaba na ako upang mag hapunan.

Pagkadating ko sa dining hall ay ako nalang ang hinihintay nina Ma at Pa.

"What do you want as a pasalubong, sweetie?" tanong ni Ma sa akin.

"Anything will do naman po Ma. Basta wag kayong mastress doon sa conference niyo." sagot ko at ikinatawa naman ni Papa.

"Dadamihan ko ang pasalubong para sa inyong magkakaibigan. Paborito pa naman nang tatlong iyon ang silvanas at otap." minsan mas feel ko pang anak ni Mama sina Zaac kesa sa akin kase ang spoiled nung tatlong iyon kapag andito sa bahay.

"They will be here for the weekend." pagpapaalam ko kahit alam kong papayag naman sila Ma at Pa na pupunta sila dito. We usually sleep over in my room at naglalaro ng video games na dala nila.

"Good for you at hindi ka lonely dito sa bahay. Next week pa naman ang uwi ni Margo." napa angat ako ng tingin ng marinig ko ang balitang iyon. Namimiss ko na ang Kuya ko kahit tumatawag naman siya sa akin twice or trice a week para mangamusta.

"Really?" minsan lang kase maka uwi si Margo dahil busy sa training niya o di kaya ay season nila sa larong football. Margo is an athletic guy, marami siyang alam na sport ngunit napamahal siya sa football. Nagbunga naman ang pagsusumikap niya dahil nakaabot siya ng nationals at maraming offer na natanggap mula sa iba't-ibang university sa Manila. Foodball ang bonding namin ni Margo. Tinuturuan niya ako simula noong elementary palang ako kaya may football field kami sa likod ng bahay. Hindi naman masyadong malaki, kalahati lang siguro ng isang standard na field.

"That's what he said to me earlier." sagot naman ni Mama.

Pagkatapos maghapunan ay dumaan muna ako sa painting room ko at nilinis ang mga kalat na naiwan ko. Lumabas ako sa veranda upang tignan ang mga aso na nasa field, routine nilang lumabas matapos kumain kase magjejebs pa sila diyan.

Habang pinagmamasdan ko sila ay tumunog ang aking telepono at may mensahe akong natanggap mula sa aking social media account.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Palimos ng comments HAHAHAHHAHAHAHA


To Abide The Debarred LoveWhere stories live. Discover now