PROLOGUE

43 1 0
                                    

MARAHAN ang ginawang pagsunod ng mga mata ni Kenjie sa babaeng nakasuot ng pulang backless dress na humahapit sa balingkinitan nitong katawan.

Matagal ng panahon ng huli silang magkita nito. Hanggang ngayon ay wala pa rin kakupas-kupas ang ganda. Lalo siyang nahalina sa pagkakatitig sa maganda nitong mukha habang nag-umpisa na siyang maglakad palapit.

Habang palapit ay mabilis niyang hinablot sa waiter na dumaan ang isang bote ng champagne. Hindi pa iyon nabubuksan, maging ang dalawang basong babasagin na nakapatong sa hawak-hawak nitong tray ay dinala niya.

Nang mapagsino siya nito ay nginitian lamang siya at tinanguan. Sino ba naman kasi ang hindi makakakilala kay Kenjie Ryu Buencamino. Kilala ang pamilya niya sa society na purong mayayaman ang kinabibilangan. Lalo't ngayon matapos ang mahabang taon ay naipasa na sa kanya ang lahat ng mga properties at business na pagmama'y ari lang naman ng mga Buencamino. Pasasaan at kakailanganin niyang makapamili ng babaeng pakakasalan para maging kahalili sa pagpapatakbo ng kaniyang kumpanyang minana.

Magkagyunman ay wala sa mga babaeng napipisil ng mga magulang ang aaprubahan niya. Kung 'di nasa babaeng patuloy niyang hinahabol ng mga sandaling iyon.

Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mukha ng babae, pagkatapos ay ang lantaran pagkunot-noo nito matapos niyang ngitian ng buong simpatiko.

"Care for a drink Venice?" maginoo niyang pag-aya sa babae.

Hindi na niya ito hinayaan makasagot at makatanggi. Katulad ng palagi niyang ginagawa sa tuwing nasa paligid ito, may labing-limang taon na ang nakararaan. Kung saan napakabata pa niya.

Agad niyang hinapit sa beywang ito at iginaya paalis sa karamihan ng tao. Ngiti at pagtango na lamang ang isinukli niya sa mga taong nakakasalubong nila.

Kahit nasa paligid ang atensyon ni Kenjie ay ramdam niya pa rin ang kalambutan ng buong katawan ni Venice na nakadikit sa kanya.

"Hanggang ngayon ay wala pa rin palang pinagbago ang ugali mo Mr. Buencamino," inis na umpisa ni Venice na napairap. Kapag-daka matapos itong makalayo mula sa pagkakahapit niya.

Sumandig naman mula sa hamba ng terasa ang binata. Ipinatong na niya ng tuluyan sa lamesa na naroon ang bote at dalawang baso.

"Come on! sweety, even you're also the same woman I met before. Napaka-harsh mo pa rin magsalita pagdating sa 'kin," ammuse na sabi ni Kenjie. Inumpisahan ng buksan ang bote, na naglalaman ng champagne. Matapos malagiyan ng binata iyon ay mabilis na inuumang nito iyon sa babae na nakahalukipkip pa rin ng mga oras na iyon.

Maiksi niya itong pinagmasdan bago patuloy na nagsalita.

"Here take this, it makes your nerve to calm sweety... para hindi ka napaghahalataan diyan,".pilyong biro ni Kenjie.

"Aba! Ang kapal!" Pagpaparinig ni Venice. Ngunit kusa naman kinuha iyon ni Venice na idinampi sa kanyang mapupulang labi.

Hindi naman mapigilan ni Kenjie ang sarili na pagmasdan ito. Kung paano uminom si Venice sa basong ibinigay niya.

Agad niyang ipinilig ang ulo ng lubos niyang maisip kung saan patungo ang isip niya. He smile of the thought.

Hanggang ngayon pa rin kasi ay pinapangarap niyang mahalikan ang labing iyon. Na siyang kinabaliwan niya noong umeedad pa lamang naman siya ng kinse. Matagal ng panahon ang lumipas...

"Oh! anong tinatawa-tawa mo diyan?" asik ni Venice na magkasakubong na ang dalawang kilay. Halos malukot na ang mukha ng babae. Ngunit gandang-ganda pa rin siya rito.

"Nothing sweetheart! chill okay!"

Ngunit halatang hindi ito naniniwala.

"Pwedi ba ano bang kailangan mo? Tahimik na ang buhay ko bakit lapit ka na naman ng lapit? manhid ka ba, hindi ba 't sinabi ko na noon pa man na wala kang maasahan sa akin. Kaya pwedi! shooo! get lost! Go away!" Pagtataboy pa nito. Malakas pa nitong ibinagsak ang basong hawak. Mabuti na lamang at nakontrol pa rin nito ang sarili.

Hindi niya ito pinansin. Bagkus ay ngayon niya aamin ang kaytagal na niyang planong mangyari. Oras na makakita siya ng paraan na makalapit dito.

"I decided to grant the wishes of my beloved parents Venice. To find a woman to be my bride and that perfect woman for me Venice is none other than... you," dire-diretsong bigkas ni Kenjie na may maluwang na ngiti sa labi.

Napaawang at puno ng pagkamangha ang makikita sa kabuuan ng mukha ni Venice.  Hanggang sa tuluyan itong napahalakhak pagkatapos.

"Ay sus! Iyon na yata ang pinakahanep na prank na narinig kong magagawa mo sa akin. Kaso... Hindi ako maniniwala sa iyo! Diyan ka na! humanap ka ng babaeng magta-tiyaga sa mga kalokohan mo. Wala ka pa rin pagbabago, akala mo laro sa'yo ang lahat ng ito!" nasa himig ng babae ang pagkainis sa lalaking kaharap.

Tatalikod na sana ito, ngunit mabilis na nahawakan siya sa may braso ng binata.

"Not so fast sweety... stay with me!" Pigil ni Kenjie sa maawtoridad na tinig.

Mabilis na ipinagpag ni Venice ang kamay na nakakabit sa braso nito. Dama ang kilabot na rumaan sa himaymay ng kanyang katawan sa sandaling iyon.

"Wala akong pakialam! Kahit na kailan ay hindi ako papayag sa mga gusto mo!" bulyaw nito, walang kapaki-paki si Venice kung may makapansin sa kanila pag-aaway at matabloid sila. Ang gusto niya lang ay makalayo sa lalaki.

"Paano kung sabihin kong wala kang magagawa. Hinayaan na kita dating makawala sa paningin ko, 'di na ngayon..." Kitang-kita ni Venice ang gwapong pagngisi ng binata.

Sa isang iglap ay malaya na siyang nahapit nito. Isinandig pa siya nito sa may hamba ng terrace. Wala sa oras na napakapit tuloy siya sa bisig ni Kenjie at mariin na napapikit, takot siyang mahulog sa ibaba pero mukhang mas takot siyang mapalapit kay Kenjie.

"Lumayo ka nga!" hysterical na bulyaw ni Venice. Lalo siyang natuliro ng itinaas pa ng binata ang binti niya. Ramdam niya ang lalong pagdikit ng ibabang bahagi nito sa kanyang katawan!

"See... see what you're f*cking doing to me sweety, ramdam mo ba?" anas ni Kenjie. Nang magmulat si Venice ng mata ay ka-hibla na lamang ang puwang sa mukha nila ni Kenjie. Mula sa ibabang parte ay dama niya ang pamumukol ng kung ano roon.

Dumoble tuloy ang pagtibok ng puso niya na tila anuman sandali ay mahihimatay siya!

"B-bitiwan mo ko Ken, please..." sumusukong pagsusumamo ni Venice. Ngunit tila yata kulang ang diin ang mga salitang nanulas sa labi niya. Dahil tila mas nag-udyok iyon sa binata na ilapitang mukha sa kanya.

"Bakit? Naapektuhan ka na ba, dahil hindi na ako katulad ng dati Venice na isang kinse anyos na panay ang habol lang sa'yo. I'm a fully grown man now. Makakaya ko ng makipagsabayan sa mga lalaking nagpapansin sa 'yo. Do not ever stop me from approaching you, for no one can push me away from you. Even you as well, sweethearts."

Naestatwa na lang si Venice nang masuyong pinagdikit at laliman pa ni Kenjie ang paghalik sa kanya na kaytagal pinangarap na maangkin ang kanyang labi ng binata...

Dedicated to: tintanggala

DULO (COMPLETED)Where stories live. Discover now