Chapter 18

48 2 0
                                    

CHAPTER 18
I miss you

Ayla woke up the next morning in Lorenzo's room. Malalim pa rin ang tulog nito roon.

Agad siyang napabangon ngunit napangiwi rin nang maramdaman ang pagsakit ng kanyang ulo.

Dumiretso siya sa banyo nito at naghilamos ng kanyang mukha at nagmumog doon. Hindi niya maiwasang mag-alala para sa kanyang sarili. Napapadalas na talaga ang kanyang pag-inom. Pinapangako niya sa sarili na magiging huli na 'yung kagabi.

Hindi na niya ginising ang kanyang tito at lumabas na mula sa kwarto nito. Agad na bumungad sa kanya ang view ng pool dahil nasa unang palapag naman ng hotel ang kwarto ni Lorenzo.

Inilibot niya ang mga mata at namataan niya si Madison na naliligo sa pool. May mga kasama ito na wala naman siyang pakialam kung sino.

Nang magtama ang mga tingin nilang dalawa ay pinaikutan niya ito ng mga mata bago dumiretso sa kwarto niya sa taas upang maligo.

After doing all her morning routine, she went down to the restaurant to have her breakfast.

Her view facing the pool got her irritated. Nakikita niya lang si Madison sa pwestong 'yon. She hated her for no reason. She just didn't like her tone to her last night. And Madison had a potential of being her rival on something. Everyone that she found that had a potential was her enemy. No one messes with her.

Huli na nang mapagtanto niyang may humihila ng upuan sa kanyang tabi. Bago niya pa lingunin kung sino 'yon ay agad niya nang nakilala dahil sa amoy nito.

"You slept with Lorenzo?" anito pagkaupo.

Kumunot ang kanyang noo. Wasn't he supposed to greet her first? Or ask how was her sleep? Or greet her a smile?

She rolled her eyes at him. "Eh, ano naman ngayon?" aniya sa nagsusungit na tono ng boses.

She was expecting to hear a chuckle or a grin but he remained silent. Tahimik lang nilang tiningnan sina Madison na naliligo sa pool.

"Jack, he found out that I knew all this."

Nanatili siyang tahimik habang nanatili ang tingin sa harapan.

"He was mad at me. I knew my mistakes. But, they're both my friends now."

Pinaikutan niya ito ng mga mata. Kung gaano kalapit si Sancho sa dalawang 'yon ay ganoon naman ang inis na nararamdaman niya sa dalawa.

"Their situation...is very complicated. They found out they were siblings."

"The fuck?" Hindi niya naiwasang lingunin ito. "That blonde and Jack?"

He pursed his lips before nodding. "Madison stayed here together with her family waiting for the DNA test results."

Hindi niya alam kung matatawa ba siya o malulungkot. Gusto niyang asarin si Madison sa katotohanang 'yon ngunit hindi niya maiwasang isipin ang lagay ni Jack. Hindi man niya gusto ang pakikitungo ng binatang 'yon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala-wala sa kanyang isipan ang lungkot at hinagpis sa mga mata nito.

Tamang-tama naman ang pagdating ng kanyang in-order ay ang pagdating din ni Lorenzo.

"Good morning," bati nito at umupo roon sa harap nila ni Sancho.

"Morning," bati niya rito pabalik.

"Did you order already? Bakit hindi mo ako hinintay?"

"Gutom na siya. Alangan namang hintayin ka pa niya," ani Sancho kaya hindi niya naiwasang lingunin ito.

A Promise on the Sand  (Isla de Negros Series #2)Where stories live. Discover now