CHAPTER 3

62 1 0
                                    

---

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

---

[LAWRENCE WILLIAM RIVER]

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

[LAWRENCE WILLIAM RIVER]

"Teka ano yan? Ha? Wait teka nga, patingin nga ulit," inis kong tinignan si Trenton nang kinuha niya ulit sa akin yung note na nakita ko kanina sa classroom.

Habang tinitignan niya yun ay wala ako sa sariling nag isip-isip ng kung anong mga negatibo at hindi ko talaga alam kung sino ang pwedeng magbigay sa akin na 'yun. 

Tinignan ko ang relo ko at 3 pm na at dancing contest naman yung ngayon, tapos na yung singing contest na yung nanalo ay yung Elowen daw. Aaminin ko, magaling naman siya, aside from being beautiful, her singing ability can really make everyone amazed. Magaling din namang kumanta yung Amelia but Elowen is really something.

Napabalik ako sa huwisyo nang makita kong may kinuha si Trenton sa bulsa niya at inilapag sa lamesa. Napakunot ang noo nang makitang nag-se-search siya sa google. Hindi ko alam kung bakit niya pa yan binibigyan ng pansin e malapit nang magsimula ang practice nila, 4 pm. Break time niya kasi ngayon at isang oras nalang ulit para sa practice nila.

Napairap nalang ako saka ko ulit yun kinuha sa kanya at tinitignan at nagbabakasakaling makuha na ang sagot pero kahit anong titig ko roon ay wala pa ring pumapasok sa isip ko.

Hindi naman kasi ako mahihilig sa mga solving codes na yan kasi hindi naman pagiging detective gusto ko, Doctor naman gusto kong kunin.

"Pumunta ka na doon, practice niyo hindi ba?" tanong ko sa kanya pero napatitig lang siya sa kawalan. Agad kong pinitik ang noo niya nang makita siyang nakatulala lang na nakatingin sa mga libro na naka piles dito sa library. Napatalon siya sa gulat sa ginawa ko at umiling. 

"Bakit ka nakatulala diyan? Pumunta ka na sa court, baka pagalitan ka ng coach niyo." inis na sabi ko. Akala ko ay aalis siya pero nakangiti lang siya habang prenteng nakaupo roon na para bang okay lang sa kanya na magalit ang coach niya sa kanya.

"I'm the captain, why would I be scolded?" nang-aasar na tanong niya pero hindi naman talaga yun tanong, basta yun. Kahit naman sigurong captain siya ay hindi siya exempted pag pinapagalitan, tss. Hindi ko nalang siya pinansin at nagbasa ng libro at naghahanap doon ng sagot, kung meron man.

BOY MEETS EVILWhere stories live. Discover now