The mistakes

25 0 1
                                    


camille pov -
makalipas ilan taon na pagsasama namin ni sam, ngayon lang siya nagloko sympre sino ba naman hindi masasaktan akalain mo iyon sa iisang bahay lang kayo nakatira pero hindi mo manlang naramdaman na nagloloko na pala partner mo, isa kang bobo camille, isa kang tanga, hinayaan mo dumating sa point na lahat pinaghirapan niyo masira,

nasa sofa ako nung tinawag ako ni sam,
bhabe, kausapin mo naman ako oh,
bhabe lashing lang ako nagawa ko yon,

alam mo sam ko matino kang tao at totoong mahal mo ako hindi ka magaloloko kahit madami pa alak laklakin mo, please hayaan mo muna ako mag isa,
dali dali ako tumakbo sa kwarto, nagkulong ang sakit narramdamn ko ngayon, kasi hindi ko akalain magagawa yon ng taong minahal ko sa mahabang panahon, nahiga na lamang ako sa kama habang patuloy na umiiyak, hanggang kumatok ang kapatid ko

ate, camille kakain na, kumain kana kaagabi ka pa hindi kumakain,
kahit mga tao sa bahay naapektuhan narin sa nangyari,

sige mauna na kayo,

ah ate, kumain kana kasi nag aalala narin sina mama sayo, buti wala sila rito kundi siguro pinagsabihan kana,

pati ako naawa narin sa sarili ko ilang linggo narin kasi akong ganito simula nalaman ko ang totoo, napakasakit sobrang sakit nararamadaman ko ngayon, ang hirap lang kasi paano ka ulit magtitiwala sa taong minsan ka nang niloko at sinaktan sakit na hirap makalaya, lalo na sa iisang bahay lang kayo,

oo matagal na kaming nagsasama ni sam sa isang bahay, napunadar namin tong bahay na to, sa tulong nang pag vlog namin, isa kasi kami sa mga influencer sa social media, kaya mainit ang issue at pinag uusapan na siguro kami ngayon nang mga tao, pero wala akong pakialam doon, kasi wala pang sasakit sa salita ng mga tao kaysa sa nararamdaman ko,

inayos ko ang sarili ko, naghilamos muna ako para hindi nila mahalata na galing ako sa iyak, ilang araw narin wala kaming update sa social media dahil sa nangyri, nag retouch nang kunti, then nag open muna ako nang social media ko, ang dami kong nababasa sympathy nang mga tao, humahanga sa amin, sa akin pero hindi ko alam paano ko haharapin ang nangyri na ito, basta alam ko lang kaya ko ito.

bumaba na ako, nang madatanan ko sila kumakain na, apat kami nandito sa bahay si brie, owen, sam at ako.

Tumayo agad si sam nung nakita niya akong pababa nang hagdan, at inayos ang uupuan ko pero diretso lang ako umupo, hindi ko na siya pinanasin, kumain narin ako nang tahimik, pati dalawa kong kapatid tahimik na nagamamasid kong ano nanagyayari sa paligid, natapos na ako kumain at dumiretso na muna ako sa veranda, nakatingin parin si sam sa akin na para sinasabi na mag usap kami, nang matino pero tapos na usapan namin nagloko siya panindigan niya.

nakatanggap ako nang text galing sa kaibigan ko, inaaya ako uminom para daw makalimutan ang problema at sakit na naramdaman ko,dahil sa ginusto ko sumama ako sa kanila, sinundo nila ako sa bahay,

pumasok si sam sa kwarto at nagtanong.

bakit ka nakabihis saan punta mo?

wala kanang pakialam, sagot ko.

may pakialam ako camille, asawa kita.

asawa? naisip mo ba yan nung panahong nagloko ka at kasama mo babae mo?

natahimik na lamang siya sa nasabi ko,
diretso na ako umalis at iniwan siya.

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Apr 20, 2021 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

A Wife's cryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz