Chapter 17

270 5 7
                                    

"Magpapalit lang ako.." sabi ko pagkatapos naming bahagyang nagpahinga at nag-usap pagkatapos kumain, nakapambahay lang kasi ako.

Baka kung saan ako dadalhin ni Mark tapos pajama at t-shirt lang yung damit ko.

"Alright, I'll be here," sagot niya, tuwang tuwa talaga si mama sa kanya dahil hindi matapos ang kanilang usapan.

Tumango naman ako at umakyat na, habang sila ni mama ay patuloy na nag-uusap tungkol sa mga bagay bagay.

I immediately zoomed into my closet.

What to wear for a surprise?

Kinuha ko nalang ang denim skirt na nakita ko at beige na halter-neck top, nag belt na rin ako ng itim at kaparehong kulay na sapatos din ang pinili ko.

Mabilis ako nag makeup dahil kaunti lang naman ang ginawa ko, I grabbed my small baguette bag after and got going.

Pagbaba ko ay nakuha ko ang tingin ni mama at ni Mark, nagtugma ang aming mga mata, suddenly I felt awkward so I shifted my gaze.

"You look stunning, hija. What do you think hijo?," mama compliments then looks at Mark like she has this evil plan in mind.

Outside I'm smiling, inside I'm shouting my lungs because of embarrassment!

"She's indeed stunning, tita," ani Mark, tumingin ako at nakita kong nakatitig siya sa akin, hindi sa damit ko, kundi sa mata ko. Malalim na malalim ang titig.

"Then you two should get going," ani mama na naging dahilan ng pagbaklas ng tingin ni Mark sa akin, my cheeks are still hot.

"Yes po tita, thank you for inviting me here, may curfew po ba si Yesha? Para makita ko ang oras at maihatid siya bago iyon," ani Mark kay mama.

I knew it! This man is old fashioned! I wanted to laugh pero pinigilan ko iyon.

"Kahit hindi mo na iuwi," mama remarks.

Alam kong rinig na rinig ang singhap ko sa buong bahay.

"Mama!," di ko na napigilang mapasigaw at napatawa naman silang dalawa.

"Just kidding... but wala naman siyang curfew hijo, I let her do what she wants, just text me if something comes up or anything that I should be involved of, other than that, enjoy your date," ani mama bago ngumiti.

"Noted po, tita," ani Mark bago lumapit sa akin, senyales na sabay na kami uuna.

"Una na po kami mama," pagpaalam ko at tinguan ako ni mama, hindi nawawala ang kanyang ngiti.

When we exited, there parked is a black and sleek-looking Bugatti car, I am not expert in cars, but I'm certain this is expensive. As expected from the Villavida heir.

Pinagbuksan ako ni Mark ng sasakyan at pumasok naman na ako doon, nalibang ako ng kaunti sa interior ng kanyang sasakyan, it was so simple and classy at the same time.

Natigil naman ako sa pagtingin nung nakapasok na siya pagkatapos umikot.

I clutched my bag when he turned on the engine, tanging iyon lang nagiingay dahil pareho kaming tahimik.

"Are you sure... it's okay that you didn't go to your friends, and went here instead?," hindi ko pa gaano matanggap, dahil ito ang pinaunlakan niya at hindi ang mga kaibigan niya! Paano kung importante pala iyon o kailangan siya doon?

"Makikipag-inuman lang naman ang mga iyon, ayos lang, don't worry about it, alright?," he said, in an assuring tone.

2nd Thorn: Making Statements Where stories live. Discover now