Chapter 65

7 6 4
                                    

Dixie's POV





Inaasahan ko na talaga na makakatulog si Blue ngayon hahaha. Jusko, limang baso, knock out na agad hahaha. Baka Daveigh Jane 'to.



Kanina, tawa lang kami ng tawa, si Addison kasi, hindi siya bagay maging maldita. Bagay sa kanya maging comedian hahaha.



Kung hindi nakatulog si Blue baka nasampal na siya ni Addison hahaha. Ayun nga pala si Blue ang sarap ng tulog hahaha.



Nagulat kaming lahat nang biglang dumating si Keane. Huh? May kakaiba bang nangyayari na hindi namin alam?



"Oh, Keane? Nandito kaba para sunduin si Blue?" tanong ko sa kanya pagkahinto niya sa harapan namin.



Umiling lang si Keane at naglakad na sa table ng mga kaibigan niya. Aba! Porket na 171K followers ka lang sa instagram ganyan kana!



Bigla akong binatukan ni Aye, "Wala naman dito yung pamilya ni Blue para makarating dito yung pagpapanggap niya!" sigaw ni Aye sakin kaya binatukan naman siya ni Josh.



"Ang ingay mo!" sigaw ni Josh sa kanya. Mga wala talagang preno mga bunganga niyo, guys hahaha.



Nagising na si Jane kaya agad ko siyang binigyan ng tubig. Ang rami na naming napagkwentuhan. Ang raming hot boys yung nag approach samin. Dumating na si Keane lahat lahat pero siya natutulog hahaha.




"Buti naman may balak kang gumising." bungad ni Josh sa kanya.



"Ayoko pang mamatay." sagot ni Blue habang inuunat-unat yung leeg niya.



"Ang sakit ng leeg ko." reklamo ni Blue sa leeg niya.



"Aba malamang. Ang sarap kasi ng tulog mo eh." reklamo namin ni Blake.



"Beh! Nandito yung fiancee mo ha!" sabi naman nung iniwan sa bagong gising hahaha.



"Tanga, single pa ko." sagot ni Blue at nagunat-unat nang marealize niya kung ano yung sinabi ni Aye.




"Ano? Si Keane?!" gulat na sabi ni Daveigh Jane aka sleepyhead.








Daveigh Jane aka Blue's POV





"Ano? Si Keane?!" gulat na sabi ko sa kanila at agad akong tumayo para hanapin ng mata ko yung fake fiancee ko.



Nakita ko siya na kausap si Addison. OMG?! Totoo pala na nandito so Addison kanina? Akala ko panaginip lang.



"Bottoms up!" narinig kong sabi nila. Nakita ko si Addison na malanding nakatingin sa fiancee ko. Aba!



Tinanggal ko yung jacket ni Blake na nakasuot sakin at naglakad ako papunta sa table nila Keane.



"Blue! Anong gagawin mo?!" sabay-sabay nilang tanong sakin pero hindi ko sila pinansin.



Papalapit palang ako sa table nila agad na nila kong tinignan. Well, maganda ako.



Nginitian lang ako ni Addison. Akala mo ba makakaisa ka? Baka nakakalimutan mo, baka Daveigh Jane 'to hahaha.



Hindi ka maka-moved on sa ex mo, huh. Teka lang.




Tinignan lang nila ko habang dahan-dahan akong umupo sa hita ni Keane. Agad naman hinawakan ni Keane yung waist ko kaya agad na nagiba yung expression ng muka ni Addison.



"Hi, babe." sweet ko na sabi kay Keane nang hindi tumitingin sa kanya. Naka-focus ako kay Addison the wicked eh hahaha.



"What are you doing, babe?" hala, ang kupal, sinabayan ang trip ko. Akala ko pa naman magiinarte si Keane. Well, nasa akin talaga ang korona hahaha.



"Ikaw, Addison? Baka mamimiss mo na yung fiancee mo? Bakit hindi mo na lang siya puntahan kaysa makipag-inuman kay sa mga taong taken na?" naka-ngiti kong sabi kay Addison, actually kaplastikan ko lang 'yun at alam naman ng lahat na nagpaplastikan lang kaming dalawa.



"Tandaan mo, Blue, hindi ka Reyna para maupo sa hita ni Keane." oh my god, so desperate talaga?



"Kung hindi ako yung Reyna, bakit na sakin yung korona?" maangas ko na sagot sa kanya. 'Wag mong kakalimutan, baka Daveigh Jane 'to.



"Uhh... Well, excuse us, guys." sabi ni Keane at agad siyang tumayo.



Hinawakan niya yung kamay ko tska kami naglakad pabalik sa table namin nila Dixie. Ohh, holding hands ba tawag dito? Wait.



Tumalikod ako para tignan si Addison na nakatingin sakin at agad kong tinaas yung magka-holding hands namin kamay ni Keane at sinenyasan ko siya ng walang-wala siya sakin.



Bleh.



Nakita ko na bumusangot lang si Addison sakin kaya agad akong hinila paupo ni Mamshi Josh.



"Aray naman!" reklamo ko pagkahila niya sakin.



"Gumagawa ka nanamang gulo." sermon sakin ni Mamshi Josh kaya agad akong napakamot ng ulo.



"Anong gulo nanaman? Binawi ko lang si Keane kay Addison." iritado kong sagot.



"Daveigh Jane!" matinis na tinawag ni Dixie yung buong pangalan ko.



"Ano?!" bwisit ko na tanong.



"Haha! Kaibigan niyo in love na ata." naka-ngisi na sabi ni Blake habang hawak yung baso niya kaya agad kong hinampas yung balikat niya.



"Manahimik ka!" nilakihan ko siya ng mata.



"Yung totoo, Blue, kayo na ba ni Keane?" biglang tanong ni Aye sakin kaya agad akong tumawa.



"Oo! Kalat na nga sa buong mundo na ikakasal na kami eh. Ewan ko ba kung kaibigan ba talaga kita." parang tanga ko na sabi.



"Blue, lasing kana." seryosong sabi ni Dixie sakin.



"Anong lasing? Eto nanaman kayo eh. Bahala nga kayo. Magre-restroom muna ko." binalibag ko yung magkahawak naming kamay ni Keane at agad na long pumunta sa CR.



"Hala, Keane, pagpasensyahan mo na si Blue, iba talaga amats niyan kapag nalasing eh." narinig kong paumanhin nila Dixie kay Keane.



Hay nako. Kayo ata yung lasing sakin. Mga adik ba kayo ha?!



Amour | √Where stories live. Discover now