Chapter 24

1.6K 118 22
                                    

Christel's pov!

lumipas ang dalawang araw at ngayon na ang araw na gaganapin ang pageant .kasama ko ngayon ang mga kasali sa contest na ito .

At sa dalawang araw na yon ay hindi naging madali saakin ang pagiging moody ko .

Inilibot ko ang aking paningin sa buong paligid .wala sa sariling napangiti ako Ang gaganda nilang lahat ang mga gown din nila ay mukang mamahalin .nagulat ako ng makita si dianne na nakasuot din ng gown at nakangisi itong nakatingin saakin.

Bakit siya naka suot ng gown? nakita ko yung number niya sa gilid ng bewang niya .

Number 14 ,number 15 ako mag kasunod lang kame pero hindi ba't bawal 2 ang representative ng isang section .

"alam kong maganda ako kaya alisin mo na yang pag katitig mo saakin kung ayaw mong dukutin ko yang mga mata mo" pagkatapos niyang mag salita ay bumalik na ito sakaniyang upuan bago pa siya umalis ay inirapan muna ako nito .

tunay ngang nakakamangha ang ganda niya naka suot siya ng sando na gown na pang mermaid style hapit na hapit ito sakanaiyang katawan kaya kitang kita ang magandang hubog nitong katawan .

Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil sa pag kakalaam ko bawat taon ay siya ang palaging nananalo .

"Get ready the contest will be start within a minutes" Ramdam ko ang panlalamig ng dalawa kong kamay .ito na ang araw na pinakahihintay ng lahat except saakin .

Kinakabahan ako .

Tumunog ang cellphone ko .agad ko itong kinuha at sinagot .

-Mama is calling-

"Hello baby"

"Hi po ma napatawag po kayo"

"Pasensiya na nag uumpisa naba baby?"

"Hindi panaman po pero malapit ng mag umpisa kinakabahan po ako ma"

"It's okay baby you can do it just trust your self,and i'm sorry baka malate kame ng dating ng dady mo diyaan "

"Okay lang po ma" nakahinga ako ng maluwag doon .

Nag paalam na si mama.tumingin ako sa harapan ko kung saan may roong salamin .tapos na akong ma make up at si tita marie ang nag make up saakin .

Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala .

Ginawa nilang messy bun ang buhok ko at napapalibutan ito ng maliliit na pearl at may natitira konting buhok sa gilid.Naka light make up lang ako and suot ko ay ang simple ball gown.isang simpleng tube na gown kulay white ito sa taas habang kulay dark blue naman ang sa ibaba nito .

It's just a simple gown but an ellegant .

tinawag na kameng lahat .nasa backstage kameng lahat at magkasunod sunod ang aming mga number .bali nasa pinakahulihan ako

Kahit naguguluhan padin ako kung bakit kasali si dianne ay minabuti ko nalamang ang wag magtanong .

"I'm sure na ako ang mananalo at ako parin ang magiging campus queen" napatingin ako kay dianne ng bigla itong mag salita .tinignan ko siya at nginitian sigurado na nga na siya ang mananalo dahil kada taon naman ay siya ang nananalo sa mga contest.

"Pwede ba?tigil tigilan mo yang kaka ngiti mo kung ayaw mong punitin ko yang labi mo.anong feeling mo niyan na maganda ka?pwes para sabihin ko sayo nakakasuka ang pag mumuka mo at wag ka naring umasa pa na ikaw ang mananalo!" Napabuntong hininga nalamang ako wala naman among sinsabi na ako ang mananalo .nginingitian ko siya dahil umaasa ako na magiging mabuting mag kaybigan kame .

The campus nerd turns into a campus princess (COMPLETE)Where stories live. Discover now