CHAPTER 1

8 2 0
                                    

Tatlong linggo na pala simula ng pumayag si Papa sa gusto ko. Tatlong linggo na simula ng manirahan ako kasama ng dalawang pinsan, sa condo na ibinigay sa'kin. Sa loob ng tatlong linggo na 'yon. Nakilala ko ang mga kaibigan ni Giselle at Precious, na naging kaibigan ko na ngayon. Natuto akong mamasyal, gumala, at lumabas ng unit, kahit walang pera. Ni minsan, hindi ko pa 'yon naranasan, ngayon lang. When I was at my parents' house, they would not allow me to leave the house without money. I was taken care of, especially my Mama Alicia.

Tatlong linggo, kasama do'n ang tatlong araw na dumaan ng muntik ko ng maisuko ang ini-ingatan ko ng labin siyam na taon. Noong isang araw, bumalik ako sa bar na 'yon. Nag-apply ako bilang waitress, 'yon kasi ang nakalagay sa poster na nakadikit sa pader na nakita ko. Naghahanap 'to ng mga waitress na papalit sa mga sinisanti ng boss nila. Sa dami ng nag-apply, mabuti nalang at isa ako sa mga nakuha.

"Masungit ang magiging boss ninyo."  Sinabi 'yon ng manager ng club. "Ayaw niyang nakakasira o makakabasag kayo ng gamit niya sa loob ng club niya. Kaya kong maaari, ayusin niyo ang trabaho ninyo. Kong ayaw ninyong mawalan agad ng trabaho. Maliwanag?"

Maliwanag at detalyado pa ang sinabing 'yon ng manager, sa isip ko. Paano ako kapag may nagawang mali? Tanggal ako agad, gano'n ba? Iniisip ko na isa na agad ako sa matatanggal. Pero bakit ko pa iisipin. Talagang matatanggal naman ako. Wala akong experience dito. At kong nasa puder lang ako ng mga magulang ko, hindi nila ako papayagan na magtrabaho. Pero kailangan kong masanay sa bagong buhay na gusto ko. Ginusto ko 'to, kaya dapat ko 'tong panindigan.

Kaya ko 'to. Oo, kaya ko...

"Minsan, gusto na kitang dalhin at ipacheck-up sa isang psychiatrist. Parang tanga, Ayo! Ano... nginitian kana ba pabalik ng kanin at ulam na nginitian mo?!" Pagtataray ni Pris, habang salubong ang kilay.

"Don't mind her kasi Pris, malay mo in love." Natatawang sabi ni Giselle, na binuksan ang gripo ng lababo.

"Mama mo, in love!" Sabi ko at umirap. "Masaya ako ngayon. Ito ang unang araw ko sa trabaho. Kaya 'wag kayong panira diyan." Saad ko, bago tumayo at ligpitin ang plato at baso na ginamit ko.

"Mama mo, in love." Panggagaya ni Gel, sa sinabi ko.

Mahina naman akong natawa dahil doon.

"Good luck! Sana 'wag kang manira ng gamit do'n." Ani Pris.

"Yeah, good luck." Sang-ayon ni Giselle. "I will call na the girls to come here. To celebrate your new work." She said at kinulikot ang Cellphone.

"Hoy! 'wag na, alam mong wala akong pera. Wala akong gagamitin pambili sa pagkain nila... Wala akong ipapakain, Giselle!" Natatarantang sabi ko at pilit inagaw ang phone ni Giselle.

"Don't worry. They will bring foods naman... Hello Abby." Masiglang bati nito sa unang sumagot sa tawag niya.

Tumalikod na ako at lumabas ng kusina. Bakit ba kailangan pa nilang i-celebrate ang pagkapasok ko sa trabaho? Gastos lang naman 'yon. Naligo at nag-palit lang ako ng damit. Nag-suot ako ng short at isang mahabang damit na kulay pula. Sa unang tingin aakalain mong wala akong  suot sa ibaba, dahil natatakpan nito ang mahaba kong damit.

It was eleven o'clock in the morning when Eunice, Abigail, Eleanor, Channel and Minnie come. May kaniya-kaniya silang dala na cellophane. Kong pagsasamahin, nasa sampu yata ng cellophane ang dala nila. Hinalungkat ko ang laman ng bawat isa. May bigas, gulay, karne, at isang supot ng sibuyas, bawang, at luya. May mga dala pa silang junkfoods, chichirya, beer at kong anu-ano pa ang laman noon... Mga sira-ulo, pati bigas nagdala pa. Gano'n na ba kahirap ang tingin nila sa'kin?

"Ano 'to? Nagbibigay kayo ng relief goods?" Tanong ko. "Mukha bang wala na kaming bigas?" Natatawang sabi ko at itinaas ang tatlong supot ng bigas. "Wala lang akong pera... pero, bigas marami kami." Natatawa parin na sabi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 04, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Promises turn to changedWhere stories live. Discover now