Kabanata 1

266K 7.2K 3.3K
                                    

Kabanata 1

"Philomena, ang baunan mo, anak?!" Sigaw ni Nanay mula sa kusina kaya natatawang isinara ko ang bagahe at dinungaw siya roon.

"Nay, ayos lang!" sagot ko, "panigurado namang may pagkain doon sa eroplano.

"Aba, hindi! Hindi!" mabilis siyang lumabas at natawa ako nang ilahad niya sa kamay ko ang baunan. "H'wag kang aasa sa libreng pagkain at magdala ka ng iyo, paano kung wala? Edi nga-nga ka?"

"Mayro'n 'yan kasi, Nay." Sagot ko, "pero matatanggihan ko ba ang luto mo?"

Inilapit ko ang baunan sa ilong ko at inamoy, "hmm, bango naman! Amoy palang ay nabubusog na ako! Amoy pagmamahal!"

Mas lumaki ang ngiti ko nang makita ko ang Nanay na nangingiti na at inabot niya ang pisngi ko, "ikaw talagang Philomena ka, bolera ka, ano?"

"Hindi kaya," sagot ko. "Totoo naman, amoy pa lang na humahalimuyak mula sa luto ng aking pinakamagandang Nanay ay sulit na ako!"

"Hay naku, Philomena." Tinapik niya ang pisngi ko kaya humaba na ang nguso ko.

"Nay naman, sabi ko nga Philie, 'di ba? Ganda-ganda ng nickname ko tatawagin moa ko ng buo?"

"Aba't, mas maganda kaya ang Philomena. Alam mo bang ang ibig sabihin niyan ay pagmamahal? Kaso kabaligtaran ng ugali mo, matamis dapat kaso bolera ka lang."

"Excuse me, Nay, ako kaya ang pinaka-sweet sa balat ng lupa?" sabi ko, unti-unting ibinaba ang baunan na hawak sa may malapit sa bag ko para mayakap siya.

"Oo na, sige na, ikaw na ang pinaka-sweet sa balat ng lupa." Ngumiti siya at tumambol ang puso ko nang yakapin niya akong pabalik. "Mag-iingat ka roon, anak, ah?"

"OA naman ang Nanay, isang linggo lang ako sa ibang bansa." Tawa ko pa pero napadaing nang kurutin niya ang tagiliran ko.

"Ikaw, pasaway ka! Sinasabihan ka lang na mag-ingat at ngayon ka lang magtutungong Amerika!"

"Don't worry, Nanay. I can speak English." I said in a British accent pero napadaing nang paluin niya ang pwet ko. "Nanay nga!"

"Ikaw na bata ka, akala mo ba ay nagbibiro ako?" aniya kaya natatawang umiling ako.

"Opo, Nay. H'wag kang mag-alala at aalagaan ko ang sarili ko. 'Tsaka sigurado akong magiging masaya 'yon. S'werte na lang at matalino ako, oh?"

Lumayo siya sa akin at ngumiti ako nang sapuin niya ang pisngi ko para tignan ako. Malambot ang mga mata ng Nanay, bakas na ang katandaan doon dahil sa pagdaan ng panahon pero hindi pa rin mawawala ang gandang taglay.

"Naku at mabuti na lang, laking pasalamat namin ng Tatay mo na masipag ka at madiskarte." Ngiti niya, "isipin mo, paano kung hindi ka siguro ma-tyaga mag-aral? Paniguradong mahihirapan tayong maipasok ka sa medisina."

"S'yempre naman ay para din sa inyo ni Tatay, Nay." Nakangiti kong sambit, "'tsaka h'wag na tayo mag-emo, doktor na rin naman ako, oh? Hayaan mo, real soon ay pediatrician naman!"

"Naku, ikaw at ang hilig mo sa mga bata..." tapik niya sa pisngi ko, "hindi ka na bata, Philie. Kailan mo balak mag-boypren?"

"Ay, kailangan ba?" I asked at nang samaan niya ako ng tingin ay napatawa na ako ng malakas. "Joke lang, Nay!"

"Hindi ka naman namin pinipilit ng Tatay mo, ikaw na ang bahala sa lovelife mo. Ayos lang naman din kung 'di ka mag-asawa, ang mahalaga sa amin ay nakatapos ka at may diploma."

"Ang tanong, mayayakap ba ako ng diploma sa gabi?" tanong ko kaya natulala na si Nanay.

"Aba't—"

The Broken Vow (Published Under Bliss Books)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora