Part 13: Gusto Kita

30 3 0
                                    

"Galing yan kay..."

"Kanino? Magpapakilala na ba siya?" aligaga kong tanong kay kuya Mac. Pero, imbes na sagutin niya ang tanong ko ay bigla siyang natigilan.

Natahimik rin siya tulad ng iba na ayaw ipaalam kung sino bang pasimuno nito. Wala na akong nagawa, kaya tinanggap ko na lang muli iyon. Medyo nalungkot ako dahil buong akala ko ay matitigil na ang kakaisip ko tungkol doon. Inakala ko na mabibigyang linaw na ang lahat, pero hindi pa pala. Parang ang dating nga ay pahapyaw lang pala yung mga bulaklak kasi ngayon ay may regalo na.

Aalis na sana ako sa sandaling iyon, tutal pauwi naman na ako. Marami rin akong mga tatapusing gawain sa school, kaya oras na para umuwi. Maya-maya...

"Kid!" pagtawag sa'kin ni kuya Mac.

"Bakit?"

"Uhmmmmm," ani niya na may bahid ng pag-aalangan.

"Kuya Mac? May sasabihin ka pa ba? Kailangan ko na umalis may..."

"SA AKIN GALING 'YAN!"

Nakakabingi ang mga salitang iyon. Bagamat di ko alam kung nagbibiro lang siya o hindi, pero iba talaga ang epekto.

"Huh? Anong galing sa'yo?" pagtataka kong tanong na medyo natatawa pa. Di talaga kasi ako naniniwala, feeling ko talaga ay isa lang talaga itong biro o prank.

Sumagot si kuya Mac.

"Sa akin galing 'yan. Pati na rin ang mga bulaklak at tsokolate na natatanggap mo lately. S....s...sorry kung di ako nagpakilala agad."

"Huh?! Sayo galing??? Totoo ba?" wika ko. "Di nga? Sino ba talagang nagpapabigay nito?"

"Sa akin nga galing 'yan. Seryoso ako."

Tahimik. Hindi ko alam ang isasagot ko lalo na't malinaw na sa'kin ang lahat. Oo, matagal ko nang gusto malaman kung sino ba ang tao sa likod ng mga bulaklak at ng kung anu-ano pang natatanggap ko, pero, seryoso? Si kuya Mac talaga? Bakit? Bakit siya? Dahil doon ay agad ko s'yang tinanong.

"Kung ikaw nga bakit mo naman ito ginagawa? Bakit mo naman ako binibigyan ng mga ganito?"

Natigilan siya at tila di siya makagalaw at mapakali. Sunod-sunod ko na itinanong iyon sa kaniya pero parang estatwa siya na napako sa kanyang tindig. Walang siyang ginawa kundi ang tumitig sa akin. Iyon lang ang ginagawa niya, kaya medyo nainis na rin ako. Imbis kasi na kausapin niya ako at sabihin ang dahilan kung bakit niya iyon nagawa, heto siya at walang imik.

Tinanong ko siyang muli.

"Ano kuya Mac? Sasabihin mo ba kung bakit m..."

Sa tagpong iyon ay hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko. Nagulat na lang kasi ako dahil bigla na niya akong niyakap.

"KASI GUSTO KITA!"

Iyan ang salitang lumabas sa kanyang mga bibig habang yakap-yakap niya ako.

Matapos iyon ay nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ako makapaniwala sa rebelasyon niyang iyon. Di ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at di ko maigalaw ang buo kong katawan. Para akong isang kriminal na nacorner ng mga pulis.

"Kid, gusto kita," pag-uulit niya.

"Huh? Wait... Gusto? Bakit??!"

"Anong bakit?"

"Anong gusto? Paanong gusto?"

"Hindi mo ba gets? Gusto kita! As-in gusto. I like you!"

"Ano bang nangyayari sa'yo kuya? Ba't mo naman ako magugustuhan."

Sunflower Patch (BL)Where stories live. Discover now