PROLOGUE

52 3 0
                                    


[Kumuha ka ng pamalit, sisig tayo!]

Halos malaglag ang panga ko nang marinig ko ang sinabi ni Alliza sa telepono.

Chineck ko pa ng mabuti kung siya nga ba ang kausap ko at halos matampal ko ang noo nang makita ko pa ang oras sa lockscreen.

5:04 AM

Nakahiga parin ako sa kama ko. Nakashort at oversize na t-shirt kaso wala akong bra ngayon. Buhaghag ang buhok at alam ko na may muta pa ako dahil nagising lang naman ako dahil sa magaling kong kaibigan na tumawag para sa sisig.

"Okissabam! Alas singko pa lang! Alas dyes ang klase, Alliza naman!"

Reklamo ko kahit tamad pa sana akong magsalita dahil kagigising ko lang at napatampal na nga sa noo ng tuloyan dahil napagtantong dalawang oras pa lang akong tulog.

"Sinasabi ko lang, makakalimutin ka kasi!  Kumuha ka ng pamalit ah, hindi pwedeng nakauniporme tayong pupunta doon!" Mahabang litanya niya bago tumawa.

"Pinaalala niyo na yan bago ako lumabas sa kotse ni Xania kahapon!" Reklamo ko pa pero tawa lang ang narinig ko sa kabilang linya.

Punyeta, bakit ko ba naging kaibigan ang isang 'to?!

"Ganyan din noon eh! Kaya hindi natuloy sisig natin kasi wala kang dalang pamalit! Mabuti ng iremind-----"

"Nang ganito ka-aga aber?" Putol ko at narinig ko ang munting halakhak niya.  "Dalawang oras palang ang tulog ko, gagu! Ililibre mo ako sisig mamaya. Bye!"

Hindi ko na siya hinayaan na magsalita pa at pinatay na ang tawag.

Agad kong linagay ang cellphone ko sa gilid ng kama at tumitig sa kisame namin. Rinig ko pa ang mumunting alon na galing sa dagat na siyang nagpapakalma sa akin simula bata pa lang.

Malapit ang bahay namin sa dagat dahil nasa parang isla kami pero masasabing hindi nalalayo sa kabihasnan.  Karaniwang hanap buhay dito ay pangingisda pero unti-unti ng umaahon ang lugar namin dahil madami ng nakakapagtapos sa pag-aaral.

Bumuntong hininga na lamang ako at pinikit muli ang mata para sana matulog muli pero napatayo na lamang ako ilang minuto ang nakalipas dahil hindi na ako makatulog.

Dalawang oras lang tulog ko dahil may tinapos pa akong activity sa accounting subject namin. Alas dyes ang klase ko mamaya kaya naman hindi ko alam paano ko pa maeenganyo ang sarili na matulog kung gayong mulat na mulat na ang mata.

"Alliza kasi," bulong ko na lang at napakagat sa pang-ibabang labi.

Napagdesisyon ko na lang lumabas sa kwarto ko at nagpunta sa kusina para magtimpla ng milo. Bawal sa akin ang kape, kaya alternative ko ang milo.

Oo, ako ata ang Accountancy student na hindi kape ang kailangan kundi Milo.

****

"Xan! Unp later!"

Halos matampal ko ang noo nang marinig ko ang bulong ni Alliza kay Xania at  tumango naman ang huli.

Seriously? Anong meron sa sisig sa UNP at excited lagi ang dalawang 'to?!

"Alam niyo, mukha na kayong sisig," bulong ko dahil malapit lang ang prof ko sa'kin at baka marinig niya kami. Nagprepresent pa naman siya about exercise.

Sabado kasi ngayon at Pe subject namin. After nito, maglulunch kami sa UNP and sisig ang ulam. Tsk.

First time ko na matitikman 'yong sisig nila mamaya kasi noong last Saturday eh naiwan ko 'yong pamalit ko at ang ending sa sixbro's kami kumain. Tsaka noong last sem naman, hindi naman nag-aaya itong mga kasama ko, ewan ko ba at ngayong patapos na ang school year tsaka lang sila nagka-interes sa UNP. 

By The Sea (Ilocos Series #1)Where stories live. Discover now