Kabanata 1

6 0 0
                                    

Tahimik na nakatingin si Hera sa larawan ng kanyang ina, sinasariwa nito lahat nang alaala nila noong magkasama pa.

Palaging nasa isipan niya ang pangakong binitawan niya para rito.

"Unang araw ng eskwela mama, promise gagalingan ko at bubuhayin ko ang sinimulan mo." Nakangiting sabi niya sabay kuha sa larawan at yakap nang mahigpit. "I love you mama." Naluluha niyang sabi.

Huminga siya nang malalim at ibinalik ang larawan sa tokador. "Aalis na po ako mama, guide mo po ako ah." Paalam nito.

Masayang pumasok sa paaralan si Hera baon niya ang masayang ngiti habang nagbabalik tanaw parin sa nakaraan niya kasama ang ina. Sa totoo lamang ay balot nang lungkot ang puso niya, ngunit pinipilit nalamang niyang isipin ang masasayang bagay kaysa sa kalungkutan. 

Hindi parin nagbago si Hera kahit na tatlong taon nang pumanaw ang kanyang ina, masayahin at masunurin parin ito lalo na sakanyang lolo Felix.

Habang naglalakad napatingin siya sa isang mag ina malapit sa gate ng school.

"Mama." bulong niya sa hangin, nakaramdam siya nang inggit at halong lungkot pero iwinaksi niya agad ito sakanyang isipan at nagpatuloy sa paglakad.

At dahil sa lalim nang iniisip bumangga siya sa isang binata. Natulala siya dahil tumapon sa dibdib nito ang sorbetes na kinakain ng binata.

Napatingin si Hera sa binata, bakas na bakas dito ang sama nang loob. Kulot ang buhok ng binata.

"Bakit hindi ka tumitingin sa dinaadan mo?!" hiyaw ng binata.

"Hala so-sorry!" Aligagang sabi ni Hera.

"Tsk! Bwisit! Tignan mo napuno na tong uniform ko! Puti pamandin!" Muling sigaw ng binata kaya naman natakot si Hera.

"Kuya sorry di ko talaga sinasadya." Mahinahong sabi nito.

"Sorry sorry?! Tabi!" Giit ng binata sabay bangga sa balikat ni Hera at alis.

Nasaktan si Hera kaya naman nagalit ito. Sa isip isip niya "Bastos na lalaki to ah! Nagsorry naman ako!"

Sa asar ni Hera ay nilingon niya ang binata at sinigawan din ito.
"Hoy kulot! Wala kang modo! Ang sakit nang ginawa mo ah!!"

Napalingon din ang binata, kumunot ang noo nito sa kanyang narinig na pang iinsulto. "K-kulot?? LOKO KA AH! Ikaw na nga tong may kasalanan ikaw pa galit diyan!" Lumapit ang binata kay Hera at sinamaan nang tingin.

"Nag sorry ako! Pwede ko naman labhan 'yan kung gusto mo! Pero ang gantihan ako? Aba loko ka! Di tama yon! Mag sorry ka sakin!"

"Muka mo! Panget!!" baritong sabi ng binata sakanya.

"Anong sabi mo?!!!" lalong nag init ang ulo ni Hera, halos mamula ang mukha niya sa asar sa binata.

Agad naman lumapit ang gwardya sa dalawa dahil sa pagtaas nang mga boses nito. "Oy oy! Ano yan! First day ng school may ganitong eksena? Gusto niyo ba ma pricipal office agad?" Saway ng guwardya ng school.

Natahimik lang ang dalawa at kapwa tumalikod.

"Siya lakad na pumunta na kayo sa loob at mag f-flag ceremony na." Giit ng guwardya.

"Kulot!" bulong ni Hera.

"Panget!" bulong ng binata.

Habang nasa flag ceremony, malalim lang ang iniisip ni Hera. Pinapakinggan niya ang national anthem na kinanta ng dating choir ng school. Recording na ito dahil kasalukuyan nang walang mga mang aawit ang school.

Napaka ganda nang pagkakakanta nila, blend na blend ang mga boses ng Soprano, alto, tenor at bass. Napangiti siya at naisip muli ang kanyang ina.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Music in my lifeWhere stories live. Discover now