Chapter 1

8.4K 128 8
                                    

***💍***


Ang hirap namang gisingin ng lalaking ito. Nakakaasar na talaga! Mala-late na kami nito, eh.

"Hoy! Sir King Lucas Black gumising ka na! Bilis! Mala-late na tayo!" Binibigkas ko ang mga katagang iyon habang tumatalon-talon ako sa kama niya. And guess what? Hindi pa rin siya magising.

Almost thirty minutes ko na ata siyang ginigising. Ala-singko pa lang ng umaga ay bumangon na ako para mag-asikaso. Maaga na akong kumikilos dahil ayaw ko na ako ang maging dahilan ng pagka-late namin ng lalaking kanina ko pa ginigising.

Lahat na ng paraan ay ginawa ko para lang magising 'tong lokong ito (sa isipan ko lang siya natatawag ng ganito dahil kapag kaharap ko na siya, natatameme na lang ako). Pinitik ko na siya ilong, piningot sa tenga, sinabunutan ko na din kahit takot akong masapak niya, tinadyakan, hinila ang paa, hinampas ng unan, dinag-anan, hinila ang kamay at kung ano-ano pa pero hindi pa rin siya gumigising kahit na anong gawin ko.

Kaasar 'tong bakulaw na 'to!

Araw-araw ko 'tong ginagawa simula noong kinasal kami ni King at tumira sa isang bahay.

Kung may choice lang ako, iiwan kitang halimaw ka!

Malalim akong bumuntong hininga at tumingin sa phone na hawak ko. Unang nag-appear ang full name ko pagkapindot ko ng power button- Mayto Eugenio Castrence and now, Black. Its past fifteen minutes after six and fourty-five more minutes, both of us will be doom.

If someone will hear it, they would probably won't believe it. Kahit din naman ako. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala na I'm married for one year and a month now. At the age of nineteen years old tapos student ng business management, who would have thought that I am already a married woman?

Kinasal kami pagka-eighteen ko pa lang. Lihim lang lahat ng ito dahil nag-aaral pa ako. What's more interesting about this crazy story of mine was that I married a professor ng isang paaralan kung sa ako nag-aaral. Bukod sa biniyayaan siya ng utak, isa rin ding modelo si King. So, makatuwid, siya ay pinagpala. And he is twenty-nine years old.

I suddenly felt goosebumps in all of my body.

Another interesting ingredient to make our story more complicated is that hindi kami kasal dahil mahal namin ang isa't isa katulad ng ibang nagpapakasal. We are bounded for the rest of our lives dahil sa isang wish. Not a birthday wish but a death wish ng aking lola.

Biglang isinugod si lola sa hospital dahil inatake na naman siya sa puso at sa kasamaang palad, sa araw pa mismo ng debut ko. Maraming ang imbitado at kasama ang Black family. Malapit sila sa aming pamilya dahil mag best friend ang mga lola at lola namin. Lahat kami ay kabado, lalong-lalo na ako dahil sobrang malapit ako sa lola ko.

Siya ang sandigan ko sa mga panahong wala ang nanay at tatay ko. Si Lola ang nagturo sa akin ng mga simpleng bagay sa mundong ito. Kahit na kami ay may karangyaan, minulat niya ako na maging mapagkumbaba.

Kaya ganoon na lamang ang iyak ko ng makita kong natumba ang aking lola. Isa ako sa mga unang sumakay sa ambulansiya kahit pa naka-gown ako ng kulay asul dahil sa mga oras na iyon, hindi ang suot o ang itsura ko ang mahalaga kundi ang aking lola.

Makaraan ang ilang minuto ng paghihintay namin, lumabas na din ang doctor ni lola at agad kaming naglapitan sa kanya. Mahigit isa't kalahating oras kaming naghintay kasama ang pamilya ng Black na dumating mahigit tatlumpong minuto na ang nakakaraan.

"How's my mom?" Nag aalalang tanong ni tatay sa doctor. Mababakas sa mukha nito na halatang kabado din siya sa nangyari kay lola.

Malungkot na tumingin sa amin ang doktor bago siya sumagot sa tanong ni tatay. His eyes, however, stayed on me and I already know that he is implying something.

Slave of Undesired Marriage (Secret Series #1)Where stories live. Discover now