Chapter 7

221 25 0
                                    



Tinignan ko ang orasan na nasa night stand sa tabi ng kama ko at alas-dos na pala ng madaling araw kanina pa ako nagtitingin kung anong meaning ng mga documents na nakuhanan ko kanina sa secret room ni Daddy.

Ang front page lamang ng mga ito at side view ng ilan ang nakuhanan ko at hindi ko naman nabuksan ang mga laman nito pero pare-parehas na may label ang mga ito.

May mga ilang files na hindi ko na kailangan i-search kasi obvious naman na kung anong ibig-sabihin ng mga 'yon. Malapit na akong sumuko sa paghahanap ng mga kahina-hinalang files sa mga nakuhanan ko ng litrato kasi parang wala naman talaga.

Pero sa mga files na nasa table sa secret room ni Dad halos mga papeles na about sa mga donations n'ya and current ones. Sinubukan kong i-search ang mga institutions kung saan s'ya nag-donate.

May kutob kasi akong may mali sa mga donations o nagkakamali lang ako at nagco-conclude agad dahil sa mga sinasabi ni Eisen.

"Ano ba kasing meron sa kuwartong 'yon?" Nag-unat ako at sumimsim sa kape na malapit ng lumamig pagkatapos ay hinarap ulit ang laptop ko.

On the second thought how can I trust those who abducted me. 

Gulong-gulo ang isip ko at ang tanging gusto ko lang ay kasagutan tungkol sa nangyari sa'kin noon at kung anong meron sa pamilya ko.

Gusto ko din masiguro na mali ang hinala ko sa Daddy ko na may kinalaman talaga s'ya o ang sikreto n'ya sa dahilan kung bakit ako nakidnapp noon.



May mga simbahan, paaralan, baha-ampunan at marami pang mga institutions kung saan s'ya nag-donate at may mga private and government institutions din at ang mga ito ay lehitimo at kilala kaya naman nakaka-walang gana maghalungkat.

Humiga ako sa kama at nakatulog sa kaka-isip kung ano ba dapat ang paniwalaan kong tama at kasinungalingan.





Bumangon akong inaantok pa dahil anong oras na akong naka-tulog kagabi. Ginising ako ng kasambahay para daw mag-almusal na dahil hinahanap na ako ni Mommy sa baba.

Pagkatapos kong mag-toothbrush at maghot shower ay bumaba na din ako para saluhan silang mag-almusal.


"Itong gown na ito maganda. Ito din." Pababa palang ako ng hagdan narinig ko na si Mommy at may kasama at ito sa sala.

"Good morning, Mom..." Bati ko at tumingin naman ako sa kasama ni'to. "Good morning din po." Ngumiti naman ito sa'kin.

"Mabuti at gising kana, Ija." Hinila n'ya ako at itinapat sa'kin ang isang gown na kulay champagne tapos ay pa-off shoulder pa at may slit ito.

"Ano pong meron?" Wala akong kaide-ideya kung anong meron at bakit may mga gowns.

"Remember the party last night na hindi natuloy?" Tumango ako bilang sagot sa tanong ni'to. "Well, naresched s'ya... and we be attending on that party this evening." Ngumiti s'ya sa'kin at itinapat ulit ang isa pang gown.

"What do you think?" Tanong n'ya sa fashion designer.

"Stunning." Napa-palakpak pa ang designer.



After kong isukat 'yung gown ay pumunta naman ako sa may dining area para kumain na ng tanghalian dahil halos ala-una na ng hapon. Natagalan pa kasi ang pag-sukat sa'kin nung designer para i-adjust ng mabilis ang ilang maluwag na parts ng gown.

Habang kuma-kain ay naalala ko naman ang pagpupuyat na ginawa ko kagabi na wala naman akong nalaman tungkol sa tinatago ni Daddy kung meron man.

Heart of Glass (Pioneer Series #1)Where stories live. Discover now