Chapter fifteen

11.3K 315 9
                                    

Klea Jean Pov

"Kamusta ka Bessy?"tanong ko Kay Bessy habang nandito kami sa garden ng school . Lunch break kasi ngayon kaya nandito kaming Tatlo nila bakla mag kakasama .

Napansin ko kasing malungkot ito habang naka tulala kaya nag aalala ako.

"Okay lang naman  bessy kung walang maarteng babae na nakatira sa bahay ni taylor" nakasimangot na sabi nito habang  pinag papatuloy ang pagkain ng ibat ibang klaseng prutas na nasa Tupperware niya.

"What? Doon nakatira yung babaeng  higad nayon?"hindi ko maiwasang tanong dito. Alam kong wala akong karapatan i question yon . Pero nag aalala ako sa kaibigan ko lalo na andun yung babaeng yon!

"Oo " maikling sagot nito.

"Bakit ka pumayag?"tanong ko dito.

"As if naman makaka hindi ako eh Hindi naman akin bahay yon"sagot nito sakin.

"Kahit na no! Bwisit naman tong si taylor pumayag pa diba niya alam nilalandi sya ng babaeng yon o gustong gusto din nya?" inis na sabi ko dito

"Pansamantala lang daw  ayaw naman daw tumira ni ariela sa bahay nila kasi mag isa lang siya baka may mangyaring masama daw sa kaniya" paliwanag nito.

"Ano wala silang guard o maid man lang na kasama sa bahay nila para matakot siya? Sabihin niya nag iinarte lang siya para  landiin niya si taylor "galit Na sabi ko dito.

Nakakabwisit talaga ang   espasol na yon akala mo kung sinong  maganda .

Unang kita ko palang don iba na ang vibes ko sa kaniya yung parang alam kong hindi gagawa yon ng tama.

Hindi nga ako nag kamali pam bibwisit ang dala niya sa buhay ni bessy !!

"Hayaan mo  na lang sila" walang ganang sabi ni Bessy.

Kaya napasimangot nalang ako ano mag papakamartyr  na lang siya !

"So nasan pala si taylor?"tanong ko dito hindi ko kasi nakikita  simula ng isang linggo hina hayaan niya si bessy . Minsan naman nakikita kong naka sunod kay bessy yung ibang kaibigan ni taylor.

"Ewan ko kasama na naman siguro yung linta nayon este si  ariela Panay labas nila eh"sagot nito bago nag kibit balikat

"T*ng Ina pumayag ka ano inaalagaan  ka pa ba niya .Bumalik ka nalang sa apartment . Doon kahit papano mababantayan kita at maalagaan! Edi sana Hindi kana lang niya kinuha sa apartment kaysa ganyan pinapa bayaan ka nya"galit Na sigaw ko.

"Wala naman akong magagawa gusto niya yon matanda na siya para pag sabihan pa siya."sagot nito sakin.

"Pwes di ako papayag na gaganyanin ka nila" sigaw ko dito at nag lakad papa labas ng school .

Susugodin ko talaga ang dalawang yon!

"Hoy babaita mag hintay ka" sigaw sakin ni France .

Andito pa pala siya hindi ko napansin ang tahimik kasi sa isang gilid.

Inalalayan niya naman  si Bessy ng tumayo  ito. Kaya  bumalik ako at lumapit  sa kanila.

"Wag ka ng pumunta sa kaniya Bessy" sagot ni Bessy ng maka tayo

"Hay nako girl wag mo nang pigilan si klea ! She was right after all  kahit ako ganiyan ang gagawin ko hindi ko lang sila susugodin ! Bubugbogin ko pa sila kahit na alam niyo babae ako !" inis na sabi ni bakla.

"Hindi naman Sa pinipigilan ko syang sugodin sila taylor! Ayaw ko lang siyang mapagod sa wala " paliwanag ni Bessy kaya kumunot noo ko  dito.

"What do you mean ?"tanong ni bakla.

"Nag text si taylor nasa batangas daw sila ni ariela 2 days silang don "malungkot na sabi ni Bessy.

Nag ngitngit naman ako sa galit parang gusto  kong manapak ngayon!

Kaya kaysa magwala ako sa galit niyakap ko nalang si Bessy .

He doesn't deserve her!!

J-trance Pov

Napapailing nalang ako habang pina panood sila bossing taylor at miss,ariela na mag kasama sinama niya kaming apat hindi manlang siya nag iwan Kay Kate pano kung sinugod bigla si Kate ng kalaban namin tapos walang bantay Ito.

"Nadi-disappoint ako sa pinag gagawa ni bossing"sabi bigla ni Seb halata sa mukha nito na dismayado talaga siya. Kahit ako naman .

"Even me" sagot ni Luke

"Dumating lang si ariela nakalimutan na nya si miss.kate" iling na sabi ni hance

Gusto ko na ngang sapakin si bossing para matauhan siya sa pinag gagawa niya .Ayoko lang makialam buhay niya yan basta wag lang siyanng mag sisisi sa huli!

"Sinayang niya ang sampong taon na pagiging stalker niya kay kate dahil lang kay ariela"inis na sabi ko tumango naman ang tatlo bago napailing .

"Paano nalang kung may nangyari Kay miss.kate pucha hindi ko talaga mapa patawad si bossing nanahimik si miss.kate bigla siyang pumasok sa buhay nito tapos iiwan nalang niya bigla dahil sa babaeng yan" galit Na sabi ni Seb

Bata pa lang kami alam na namin iba ang ugali ni ariella sadyang napaka tanga lang ni bossing kasi hindi niya ito napa pansin

Hindi niya deserve si Kate kung ganyan siya dumating lang si ariella binaliwala na niya si kate.

Hindi ko ibinigay ang supporta ko sa kaniya noon para lang sa wala!

~~~~~~~

Nakakagigil si taylor sa totoo lang huhuhu

Accidentally pregnant by campus king (COMPLETE)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora