SF 34

189 14 7
                                    

After 3 months

Mahal!!- gising ni Cath sa asawa

Alas dos na ng madaling araw pero gising na gising pa din si Cath.

Mahal bakit?- tanong nito ng maalimpungatan. Kinuha ni Caleb ang kanyang telepono at tinignan kung anong oras na

Alas dos palang Mahal ah.. bakit gising ka na?- tanong niya

Hindi ako nagising.. Hindi talaga ako makatulog. Gusto ko kumain- Sabi ni Cath

Ha? Sige.. ano bang gusto mo kainin?- tanong ni Caleb

Gusto ko ng ice cream yung vanilla flavor na may ketchup tapos caramel lagyan mo na din ng springkles... tsaka timpla ka ding gatas tapos cookies din Mahal kuha ka- Sabi niya

Napa awang naman ang bibig ni Caleb sa sinabi ng asawa.

Sigurado ka Mahal?- tanong nito

Oo nga Mahal. Pleaseee- pakiusap ng asawa

Sige na.. dyan ka nalang ako na lang pupunta sa baba- Sabi ni Caleb

Ang weird weird naman ng gusto ni Mahal- Sabi ni Caleb sa sarili habang naglalakad pababa

Kinuha nya ang isang tub ng ice cream na vanilla flavor tapos nilagyan nya ng ketchup at caramel tapos ay binudbudan ng springkles. Gaya ng sinabi ng asawa niya. Nag timpla na din siya ng gatas at kumuha ng cookies.. at dahil nagugutom na din siya kumuha na din siyang chips tsaka Starbucks, Doubleshot Energy Coffee na Vanilla sa pantry tapos nilagay nya lahat sa isang tray

Pag balik niya sa kwarto nilang mag asawa ay naabutan niya itong nag babasa.

Mahal oh- Sabi nya at inabot na kay Cath ang mga hiningi niya

Kanino tong chips tsaka vanilla coffee?- tanong niya

Akin yan Mahal. Nagugutom na ako- sagot nito

Ah okay- Sabi ni Cath at nagsimula ng kumain

Ang weird talaga- bulong ni Caleb.

Hindi naman narinig ni Cath ang sinabi ni Caleb dahil busy siya sa pagkain.

Habang busy sila sa pagkain ay may pumasok sa kwarto nila.

Dada- Sabi ng anak nila

Oh Carlo.. bakit gising ka pa?- tanong ng ama at kinalong si Carlo

I can't sleep Dada- sagot niya

Dito ka nalang matulog sa tabi namin ni Mama- Sabi niya

Yehey! Good night Dada! Good Night Mama!- Sabi niya at niyakap ang mama't dada niya

Good night Baby!- Sabi ng mag asawa

Nang makatulog ang anak ay saktong naubos na din ni Cath ang kanyang kinakain.

Mahal, tapos na ako. I wanna sleep na din- Sabi ni Cath

Sige Mahal, matulog na kayo dadalhin ko lang 'to sa baba- Sabi ni Caleb

Pagkatapos ayusin ni Caleb ang mga pinagkainan nila bumalik na ulit siya sa mag i-ina niya

Mahimbing na natutulog ang mag-ina nya ng makabalik siya doon. Dahil sa hindi na siya inaantok ay pumunta nalang siya sa studio nya para maglaro ng ps5, dinala na din nya yung iniinom nyang kape.

Same FeelingsWhere stories live. Discover now