CHAPTER 07:Morrales University
CELESTINE'S POV (A.K.A TWILIGHT)
Ilang minuto na din ang nakalipas, ilang kwentuhan, kainan at laro ay nagsimula ng magannounce para sa mga bagong lipat sa AU may mga ibat-ibang tinatawag na na mga grupo pero hindi naman ako nakikinig dahil napaka wala ako sa mood ngayon hindi ko lang din alam kung bakit
Matagal-tagal pa naman din yung grupo namin kaya naisipan ko munang pumunta sa Cr, nagpaalam na ako kay Miss. Lorein at umoo na din siya, sasamahan pa nga sana ako ni Aivery pero pinigilan ko, at buti nalang at hindi na ako pinilit
Nakarating na ako sa Cr at dun nag Cr muna pagkatapos nun naghugas muna ako ng kamay at dahil sa wala din namang tao, naisipan kung doon muna ako, kinuha ko naman ang Cellphone ko at saktong-sakto ay tumawag si Blake
"Hello kuya" panimula ko
"Ohh hello Cele--"
"Nasa underground ako kuya" paalala ko sa kanya
"Hindi mo naman niloud speak diba?"
"Oo hindi nga pero kahit na" sabay pa akong napa face palm
"Haistt oo na, oo na, kumain ka na ba Twilight?" pagdidiin pa nito ng sinabi niya ang pangalan ko
"Kakabago lang kuya, ikaw po?" tanong ko pabalik
"Yeah kakatapos lang din namin nila Mom" sabi pa niya
Matagal-tagal din kaming nag-uusap ni kuya ng napatingin na ako sa oras at baka tinatawag na kami kaya nagpaalam na ako kay kuya at tsaka inend ang tawag
Tumingin muna ako sa salamin at tsaka inayus ang maskara ko, lumabas na ako sa Cr at may mga nakasalubong din naman ako, papalapit na sana ako kila Jennie ng biglang may nakabangga ako dahilan para malakas sana akong matumba sa sahig, nagulat nalang ako ng hinawakan niya pala ang bewang ko para hindi ako mahulog
Dahilan para nagsitinginan kami, nakatingin na ako ngayon sa isang lalaki na may suot din na maskara, maganda ang kanyang kulay itim na mata pero mukhang nakakatakot din,umayos na ako ng tayo at tsaka ako nagpasalamat
Pero mukhang hindi ako narinig dahil nasa ibang direksyon ito nakatingin, binitawan na nga niya ang paghawak niya sa bewang ko pero mahigpit naman nitong hinawakan ang isa kung braso
"Ahmm excuse me po, pero pwede niyo na po bang bitawan ang braso ko" sabi ko dahilan para napatingin na siya ng diretso sa akin
"Uminom ka ba ng beer?" tanong nito sa akin
"P--po? nako hindi ho ako pala inom" may pagka awkward ko pa siyang tinawanan
Nakatingin pa din siya kung saan-saan habang mahigpit pa din akong hinawakan, nagulat nalang ako ng biglang may umakyat sa stage at kinuha ang microphone dun sa tagapagsalita
"Naka-inom na ba kayo ng beer?" parang natarantang tanong nito sa amin
Humindi naman halos lahat dahil sabi nila mamaya pa daw iyon
![](https://img.wattpad.com/cover/266775327-288-k709463.jpg)
YOU ARE READING
GANGFIAS ORGANIZATION:THE MISSION
Fanfiction"So ano game?"-SCARLETT CORTEZ "Sige ba,how about you Jennie, are you in?" KATE DELA TORRE "Yeah sure, count me in"-JENNIE ALMANTE " Bueno! let the thrill begin, starting at the MORRALES UNIVERSITY! "-CELESTINE ANDERSON Unexpected destiny will bring...