Chapter 16

34 5 1
                                    

CHAPTER 16

|COLLUM|

NATAGPUAN KO SILA GHUADA na nakaupo sa duyan na nasa Garden, nakaupo silang pareho habang nag uusap.

"Salamat" Yun ang huling naabutan kong sinabi ni Ghuada bago umalis si Simson sa isang duyan na katabi ni Ghuada.

"Your welcome" Sagot ni Simsom at naglakad na palayo kay Ghuada napatingin siya sakin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa naman niya.

Ng makalayo si Simson ay ako naman ang umupo sa kaninang inupuang duyan ni Simson.

"Cupcake" Malambing na tawag ko sakanya. Nakatingin ako sakanya kaya kita ko ang reaksyon niya. Nakanguso siya habang pinag lalaruan ang daliri niya.

"Wala kayong ginawa?" Mahinang tanong niya, naguluhan pa ako ng ilang segundo sa tanong niya pero mabilis kong na pag tanto kung ano ang ibig sabihin ng tanong niya.

Umalis ako sa duyan at lumapit sa harap niya at tinukod ang isang tuhod sa damuhan at tsaka ko hinawakan ang kamay niya.

"Wala kaming ginawa tsaka hindi ako ang nag text nun Cupcake. Si Ritchie ang nag text nun hindi ako." Sabi ko sabay halik sa dalawang kamay niya na hawak ko.

"Alam ko" Mahinang sabi niya sakin kaya napatingin ako sakanya, nakayuko siya habang nakanguso.

"Paano-

"Tinanong ko si Simson." Putol niya sa pag tatanong ko.

"Bakit hindi mo sakin tinanong?" Tanong ko sakanya.

"Baka kasi masigawan kita kapag sayo ko tinanong, diba nga dati-

"Ok na ok na, ang mahalaga naniniwala ka sakin. Pero galit ako ngayon" Kinunot ko ang noo ko.

"B-Bakit ka naman galit? Dahil ba hindi ko sinagot yung mga text at mga tawag mo? Sorry-

"Galit ako kasi ang ganda mo ngayon" Napaangat siya ng tingin sakin puno ng kaguluhan ang mukha niya.

"Kapag panget ako hindi ka na galit?" Napataas ang kilay ko sa tanong niyang yun.

"No hindi yan ang ibig kong sabihin, ang gusto kong sabihin ay galit ako dahil masyado kang maganda ngayong gabi at maraming lalaki ang nakatingin sayo, tsaka yang damit mo-

"Panget? Hindi naman ako ang pumili nito eh" Umiling ako.

"Maganda ang damit mo lalo ka na pero kasi kita yung balikat mo pati yang Collar bone mo, dapat ako lang ang makakakita niyan." Sabi ko sakanya at hinalikan ulit ang mga kamay niya.

"Eh si Auntie Glend ang pumili nito eh hindi naman ako, akala ko yung may manggas yung inilagay niya hindi pala. Gusto mo ba palitan ko nalang itong damit ko? Ayos lang sakin kahit T-shirt mo nalang ang isuot ko." Sabi niya napangiti naman ako at umiling.

"Ayos na yan Cupcake ko, basta ngayon ang una at huli mong susuotin ang damit na yan ok?" Tumango naman siya, tumayo ako kaya napatingala siya sa akin.

"I miss You Cupcake, isang araw lang kitang hindi makita parang mababaliw na ako. Isang araw mo lang akong hindi kinausap ay parang may sakit na ako. I really miss you cupcake" Buong pusong sabi ko sakanya.

"I miss-

Hindi na niya natapos ang sasabihin ng halikan ko ang kanyang mga labi. Napahawak ako sa batok niya at mas diin ang labi niya sa labi ko.

Siya ang tumapos ng halikang pinag sasaluhan namin, hinihingal pa siya nung mag hiwalay ang mga labi namin.

Tumaas ang sulok ng labi ko at nilahad ko ang kamay niya na agad naman niyang tinanggap.

Ms. Broom and Mr.BullyWhere stories live. Discover now