14

16 0 0
                                    

Tahimik

Kada hakbang,
nag-iisip ng paraan,
tatahimik tas mag-iingay ulit,
isip at puso'y makukulit.

Nang ang ma-ingay at magulong mundo,
ay biglang napatahimik mo,
wala na akong ibang marinig,
kundi ang puso kong iba na ang pintig.

Tikom ang bibig,
'di mapigilang mapatitig,
tahimik kung magmasid,
nauubusan ng hangin, parang galing sa paninisid.

Pinatahimik mo ang aking mundo,
na minsa'y naging maingay at magulo.

(August 7, 2019 - Wednesday)

—pray. believe. fight.

For You. Para sa'yo. Para sa imo. Where stories live. Discover now